Occasional lang naman talaga ako mag-mura. Kapag masaya, malungkot, nasasaktan, na-eexcite, at natatakot. Occasional lang naman 'yon 'di ba?“Hayop ka talaga, Anthony!” sigaw ko at mabilis na inilayo sa akin ang isang umaalingasaw na medyas.
“Happy 17th birthday, Odette Constantina! Panget amputa! Hindi bagay saʼyo 'yang pangalan mo!” aniya at nagsitawanan sila. Sinamaan ko sila ng tingin at mabilis na pinagkukutusan.
Akala ko pa naman ay totoong regalo, ayun pala ay maruming medyas ang nasa loob. Kadiri!
“Wala talaga kayong kwenta! Nagluto pa ako tapos ganito ang gagawin niyo sa 'kin!” mas lalo silang tumawa kaya napa-iling na lang ako. Kunwariʼy nabibwiset akong tumayo pero nang tumalikod sa kanila ay lihim akong napangiti.
Dumiretso ako sa kusina ng apartment para ihanda ang lamesa. Maraming pagkain ngayon dahil 17th birthday ko. Nagpadala si mama ng mga pagkain at cake kanina, pero nagluto pa rin ako ng sarili ko kasi... wala lang, gusto ko lang. Patay gutom naman ang mga damuhong nasa sala kaya ayos lang. Walang masasayang.
Hindi pa tumatagal ay sumunod na sila sa 'kin at nag-kaniya-kaniyang kuha ng plato. “Hoy, walang ubusan ng shanghai! Ipapasuka ko 'yan sa inyo kapag inubusan niyo ako!” sigaw ko nang makitang nilantakan agad nila iyong mga lumpiang shanghai.
“Dugyot ka talaga,” sabi ni William.
“Nagsalita ang may-ari ng basurang medyas na 'yon,” pairap kong sabi. Nagsitawanan na naman sila habang si James ay sumasandok na ng sandamakmak na carbonara.
Isa-isa ko silang pilit na pina-upo at ako na rin mismo ang nag-sindi sa kandilang 1 at 7 na nasa cake. Nakakahiya naman kasi sa mga bisita.
“Oh mga patapon, baka gusto niyong kumanta ng happy birthday?” sarkastiko kong tanong. Saglit silang tumingin sa 'kin at ngumisi.
“Bulok na 'yan! Ganito dapat,” sabi ni James at saglit na may kinalikot sa cellphone niya. Ilang segundo lang ay sinakop na ang apartment ng tunog ng budots.
“Sasayaw ang may birthday!” aniya pa at tinaas ang dalawang kamay at may papikit-pikit pang nalalaman. Napangiwi ako pero kalaunaʼy natawa rin. Tarantado talaga.
Nagsasasayaw nga kami sa munting kusina na 'yon. Para na kaming mga tanga na parang naglalaro ng trip to Jerusalem dahil iniikutan namin yung dining table na pang four seater habang sumasayaw. Para naming niriritwalan iyong cake bago ko ihipan!
“Hilo na ako, tama na!” sabi ni Anthony at humawak sa gilid ng lamesa. Tumigil na rin kami at tumawa. Nag-chant na sila ng happy birthday pero patula. Para na akong mamamatay kakatawa kaya hindi ko maihipan nang maayos iyong kandila.
“Huwag niyo akong isusubsob sa cake ah! Sayang!”
“Talaga! Iuuwi pa namin 'yan!”
“True! Kadiri naman kung na-landing-an ng mukha mo! Baka umalat!”
“Tangina niyo.”
Pagkatapos kumain ay pare-pareho kaming parang masusuka dahil sa kabusugan. “Na-highblood ata ako sa chicharon,” sabi ni James at hinilot ang batok. Natawa ako at tumitig sa kisame habang nakasalampak sa upuan.
Pupunta kaya si mama? Pangatlong taon na birthday ko na 'to na wala siya...
“Punta tayo sa bar mamaya, mga lods. Kilala niyo ba iyong bandang Ludic Selcouth? Nababakla ata ako sa mga 'yon, gagaling e! Panoorin natin mamaya!” biglang sabi ni Anthony pagkatapos ng ilang minuto. Napatingin naman ako sa kaniya at sumimangot.
“Ano? Iwan na naman ako kasi 17 pa lang ako? Lalakas ng loob mag-aya palibhasa legal age na,” naiinis kong sabi. Kapag papunta sila sa club o kung saang adult places ay palagi akong hindi makasama.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #5: Piece By Piece
RomancePareho silang masiyahin, parehong maaasahan, parehong laging nandiyan para sa iba, parehong handang harapin ang hamon ng mundo. Para silang sinulid na may parehong kulay, pwedeng pagsamahin, pwedeng itali sa isaʼt-isa kapag ang isaʼy umikli at nag-k...