Piece #9

518 28 10
                                    


“Have you decided on what path to take?”

“Medyo. Content strategist na ako ngayon, sino ka diyan,” sagot ko kay William. Nanatili ang mata ko sa screen ng laptop pero narinig ko ang pagtawa niya.

“Ayaw mo na talaga maging travel host?” napatigil ang daliri ko sa pagtatype at sumulyap sa ipad na nasa tabi kung saan ko siya kasalukuyang ka-videocall.

“Iʼm not sure. Alam mo namang pabago-bago ang isip ko, pero malay mo.” sa ngayon ay okay na ako sa trabahong meron ako. May experience na ako sa writing dahil sa mga blogs na ginagawa ko noong nakaraang taon kaya medyo nagagamay ko agad.

“Tsaka hindi ko kailangang pumunta lagi sa office kaya convenient para sa akin 'tong work ko ngayon. Ayokong maging full time office girl, 'di ba? Ayoko mawalan ng outside life.”

“I told you lumabas ka na ng bansa, mas malaki ang sahod dito. Hindi mo rin kailangan maging full time. Ako backer mo,” alok niya na naman.

“Siguro soon.”

“Kelan ang soon na 'yan?”

“Kapag broke na broke na ako.” napangiti ako nang tumawa na naman siya. Alam kong mas malaki nga ang opportunity sa labas, pero hindi ko rin magawang iwan ang buhay na meron ako rito sa Pinas. Pakiramdam ko lang ay hindi ko pa time mag-settle sa ibang bansa.

Nag-unat ako nang matapos sa ginagawa. Alas sais na ng gabi nang tingnan ko ang orasan kaya tumayo na ako at lumabas ng kuwarto. Nagluto ako at inayos ang mga nakakalat na gamit sa sala bago kumain. Habang kumakain ay naalala kong kukunin ko pa pala ang mga damit ko sa laundry shop. Kahit na tinatamad lumabas ay pinilit ko ang sarili. Mas busy kasi ako bukas dahil may lakad ako kasama ang isang kilalang public personality.

Actually ay hindi ko trabaho ang imeet siya, pero mukhang tinitest ako ng mga seniors ko sa department namin. Naatasan akong i-interview privately si Prada Coster, isa siya sa mga sikat na model na kasalukuyang ambassadress ng kilalang clothing brand na pinagtatrabahuhan ko ngayon. Kailangan namin ng updated perspective mula sa isang fashion enthusiast tungkol sa brand, makakatulong iyon para mag come up kami sa bagong content na ilalabas.

Hindi nga ganoon kaganda ang image ng model na 'yon sa publiko, pero sino ba ako para mang-judge? Kailangan ko lang maging professional, pero huwag niya sana ako papakitaan ng pangit na attitude.

* * *

Kinabukasan ay saktong alas nuwebe ng umaga ako umalis at nag-commute papunta sa isang restaurant kung saan kami magkikita ni Prada. Pansin ko ang patagilid na tingin ng mga tao sa akin nang pumasok ako sa isang public van. Ang ganda ko kasi.

White flared pants, white tube top, neon blue blazer, and 4 inches blue heels. Plus my wolf cut hair has shiny pins. I know, I know, ang flashy ko! Papakabog ba ako sa model na kasama ko?

Buti na lang at wala pa sa isang oras ang byahe at nakarating agad ako. Isang fancy restaurant ang tumambad sa akin. Ano pa ba ang aasahan ko? Buti na lang at sagot ng company ang magiging bill ko rito.

10 am sharp ang usapan namin, pero 10:45 na dumating si Prada. Bad shot agad siya saʼkin. Ayoko sa mga taong late.

Tinanggal niya ang suot na shades nang maupo sa harapan ko, agad din siyang sumenyas sa waiter. Buti na lang at hindi ako underdressed, sobrang kabog kasi ang suot niya! Plus ang hermes na bag? Wtf? Nakakatakot kaya magdala ng ganiyang klase ng bag dito sa Manila.

“Sorry for making you wait, I had an urgent photoshoot this morning. Pero dapat ay nagtanong ka sa assistant ko before you come here on time. You see, I hate to waste peopleʼs time, and I also hate being late myself. Iʼm punctual in nature but things comes up sometimes,” aniya at uminom ng tubig. Hindi naman ako nagsalita at pinagmasdan lang siya. Naiinis ako dahil pinaghintay niya ako ng halos isang oras!

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon