Sa nagdaang tatlong araw ay inulan ako ng mga tukso mula sa demonyong si Darryl Angelito. Kung hindi ba naman ako natanga at talagang inisip na walang kakalat na pictures dahil lang sa sinabi ni Zath. Syempre maraming tao roʼn sa bar! Makokontrol niya ba ang utak ng lahat?“Gago ka, tigilan mo na ako. Sabing nahila lang ako 'ron, ulit-ulit ka?” inis kong sabi habang inuunahan siyang maglakad.
“I donʼt believe you. Pinag-uusapan ka raw ng Ludic Selcouth noong nakaraang araw,” aniya habang nakangisi at humahabol sa paglalakad ko. Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig pero hindi ko masyadong pinahalata na apektado ako. Mas lalo niya lang akong tutuksuhin.
“Sige gumawa ka pa ng kuwento,” sarkastiko kong sabi kahit na alam kong hindi siya magbibiro sa ganiyang klaseng bagay.
“Oo nga. Si Kenzie mismo ang nagtsismis sa akin.” marahas akong bumuga ng hangin at nilingon siya. “Oh edi pag-usapan nila. Basta wala lang 'yon!” mas lalo lang lumawak ang ngisi niya habang pinagmamasdan ako. Mukha talaga siyang close relative ni satanas.
“Ayaw mo pa? Si Zath Accardi na 'yon, sabi ni William crush mo raw rati.” tumigil ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin. “Bakit puro kayo mga chismoso?” tumawa lang siya at nagkibit balikat.
“But seriously, Odette, if you are planning to indulge yourself with that kind of public personality, you have to be mentally prepared. Magulo ang mundo nila, walang privacy.”
“Ang advance mo mag-isip, 'no?”
“Mana lang saʼyo.” umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundo niya kasi ako sa apartment para sa family dinner daw ngayon.
Sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant at pumunta sa VIP area. Lagi namang VIP ang pamilya nila.
“Just to inform you, the photos reached the old peeps. Siguradong tatanungin ka tungkol doʼn, answer wisely,” patuloy pa rin na pang-iinis niya. Umismid lang ako at hindi na nagsalita dahil tuluyan na naming nakita ang mga Maguire. Alam kong babanggitin talaga ang tungkol sa mga pictures na 'yon dahil bukod sa ang harot ko tingnan doʼn, eh first time pang nangyari 'to.
Agad kong nasalubong ang mata ni mama at seryoso na agad ang mukha. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang lumapit sa long table at bumati sa kanila. Nang iacknowledge nila ako ay tsaka lang din ako naupo sa tabi ni mama.
Sa una ay wala pang nagtutuon masyado ng pansin sa akin dahil inuunang gisahin iyong mga apo at pamangkin. Matiwasay na lang akong kumain at pinakinggan ang mga pinag-uusapan nila, kung pag-uusap pa ba talaga 'yan o lowkey pangsesermon.
Sanay na sanay na ako sa ganitong eksena nila. Kahit na saling ketket lang ako rito sa pamilya nila ay alam ko na ang mga nangyayari.
“Odette.” naudlot ang pagsubo ko nang marinig ang pangalan. Ibinaba ko ang tinidor at pinunasan ang bibig bago nag-angat ng tingin sa kanila. Turn ko na?
“Howʼs work?” simula ng nakatatandang Maguire, ang nanay ni Tito Grant.
“Ayos lang po,” maikling sagot ko kahit na alam kong kailangan kong ielaborate 'yon.
“Are you really satisfied with your job right now? You can go for a higher position, Odette.” ngumiti lang ako at umiling.
“Iʼm just 23 po, Iʼll get there. Gusto ko pong unti-untiin.”
“Or say you donʼt want to apply for a higher position because youʼre also planning to quit it once you decide to travel again.” mas natahimik ang lamesa nang magsalita ang tatay ni Tito Grant. Ramdam ko ang biglang panlalamig ng kamay kaya itinago ko 'yon sa ilalim ng lamesa.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #5: Piece By Piece
RomansaPareho silang masiyahin, parehong maaasahan, parehong laging nandiyan para sa iba, parehong handang harapin ang hamon ng mundo. Para silang sinulid na may parehong kulay, pwedeng pagsamahin, pwedeng itali sa isaʼt-isa kapag ang isaʼy umikli at nag-k...