Piece #16

506 27 7
                                    


Ramdam ko ang isang butil ng pawis na tumulo mula sa aking sintido habang naglalakad-takbo. Umaatras-abante ang paper bag na nasa kamay habang nagpapalingon-lingon sa palaigid. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Ray na inaatake raw ng allergy si Justine sa condo at mag-isa lang. Agad akong kinabahan dahil alam naming lahat na oras na atakihin siya ng allergy ay talagang delikado.

Hindi naman sila makaalis sa trabaho ngayon dahil importante ‘yon. Hindi rin naman ako nagdalawang-isip na puntahan siya dahil baka kung anong mangyari ro’n. Naubusan pa raw ng gamot sa condo kaya kailangan talagang may pumunta.

Sunod-sunod ang pagpindot ko sa buzzer. Habang tumatagal ay mas lalo rin akong kinakabahan. Mabuti na lang at pagkatapos ng mahigit isang minuto ay bumukas din ang pinto. Agad kong namataan ang mga red spots sa braso niya. Halata ring nahihirapan siyang huminga.

“How bad?” mariin kong tanong at itinaas niya naman ang hintuturo, palatandaan na hindi niya kaya ang home treatment lang.

“Epinephrine?” napamura ako nang umiling siya. Namisplace niya nga pala ‘yon noong nakaraan at mukhang hindi pa nakakabili ng bago.

Pina-upo ko muna siya bago kinalkal ang paper bag para kunin ang gamot na kailangan niya. “You didn’t have t-to come...” mahinang aniya.

“‘Wag ka nang magsalita, mas lalo ka lang mahihirapang huminga.” kung hindi ako pupunta, ano na lang ang mangyayari sa kaniya?

Mabilis ang mga kilos ko at agad siyang napainom ng gamot bago inalalayan palabas ng condo. Kailangan niyang madala sa hospital para matingnan siya nang maayos. Hindi talaga maganda ang lagay niya.

“Wala ka bang trabaho?” mahina na namang tanong niya habang nasa loob kami ng taxi.

“Huwag mo nang isipin. Ano na ang nararamdaman mo? Nasusuka ka ba?” umiling siya at sumandal sa backrest. “I tried to vomit the moment I found out that there was a peanut on what I ate. Too late though, I could already feel the allergy kicking in.” napabuntong hininga ako at mahinang tinapik ang kamay niya. Puno na ‘yon ng pamumula.

“Lagi ka namang sinasabihan na icheck muna ang mga ingredients ng kinakain mo para hindi ka aksidenteng makakain ng mani,” medyo naiinis kong sabi. Nag-aalala talaga kaming lahat sa kaniya. Buti sana kung hindi siya malala sumpungin.

“Sorry... I forgot to check it because I was running out of time for the shoot. This won’t happen again, I’m really sorry for bothering you...” nakagat ko ang labi nang marinig ang bahagyang pagkabasag sa boses niya.

Aware pa naman akong dinidistansya niya ang sarili sa akin pagkatapos ng mga sinabi ko sa kaniya. Alam kong hindi madaling i-handle ang rejection, lalo na at ramdam kong genuine iyong feelings niya.

“Hindi naman iyon ‘yung problema, Justine... Hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ka, ang gusto lang namin mag double ingat ka. Ang sensitive pa naman ng katawan mo.” kita ko ang pagtango niya habang nakatungo. Inabutan ko siya ng tissue na agad niya namang tinanggap. Sobrang namumula rin ang ilong niya.

Nang makarating kami sa hospital at maipasok siya sa emergency room ay nagpaiwan na lang ako sa labas. Mukha kasing uncomfortable na siya sa presence ko, lalo na at ganoon ang kalagayan niya.

Umupo muna ako at nagmasid sa paligid. Typical na busy hours ng hospital. Nagpapalakad-lakad ang ibang nurses at doctor, mga pasyente at malamang ay guardians nila.

Tumitig na lang ako sa kamay at nagpakawala ng malalim na hininga. Noon pa man ay ayoko na sa atmosphere ng mga hospital. Kaya hangga’t maaari ay ayokong nagkakasakit noong bata. Not that may pampa-hospital ang pamilya namin, pero syempre kapag wala nang choice at malala ang sakit, kakailanganin ka talagang dalhin sa hospital kahit walang pera na secured.

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon