Automatic na lumitaw ang ngiti sa mga labi ko para itago ang pagkagulat na naramdaman. Mabilis ang pagtibok ng bagay na nasa loob ng dibdib ko kaya pilit kong pinapakalma ang sarili.
Anong ginagawa niya rito?
At anong ginagawa ko rito?
Agad niyang isinarado ang pintong pinaglabasan bago humakbang palapit sa akin. Siya rin ang pag-atras na ginawa ko kasabay niya.
“What are you doing here?” tanong niya. Napakurap ako at tumikhim. “Nothing! Naglalakad-lakad lang... Napansin kong hindi ko pa napupuntahan ang banda rito kaya pinuntahan ko, baka kako may makita pa akong ibang artworks and...” tumigil ako sa pagsasalita nang mapansing sobra siyang nakatitig sa akin.
Mas lalo ata akong kinabahan. Ano bang nangyayari sa akin?
“Bawal ba rito?” mahina ko nang tanong.
Pinadaan niya ang mga daliri sa buhok bago tumingala. Kita ko ang paggalaw ng adams apple niya at saka siya muling bumaling sa akin. “No... I mean, not really. I was just...” tumaas ang dalawang kilay ko nang hindi niya ituloy ang sasabihin. He seems uneasy.
Tumikhim din siya bago ako nginitian. Bigla niyang hinawakan ang likod ko at iginiya para maglakad paalis. “There’s nothing to see here. Shall we go back? I can tour you around.” wala sa sariling naglakad din ako dahil tinatangay niya ako sa pamamagitan ng magaang paghawak sa likuran ko.
“You said that you were just here last night, Odi, yet it’s still surprising to see you here,” aniya. Nilingon ko siya at nakitang diretso lang ang tingin niya sa dinaraanan namin. Nang hindi agad ako sumagot ay siya rin namang pagbaling niya sa akin. Agad na naagaw ng mole niya sa may mata ang pansin ko.
“Care to tell me now the painting that caught your attention?” natauhan lang ako nang muli siyang magsalita. Natatanga na naman ako dahil ang lapit niya at naaamoy ko pa siya. Nakakainis talaga.
“Nope. Baka bilhin mo talaga.” sa wakas ay nakapagsalita rin ako.
“I mean, I definitely can if you want it so badly.” malapit na kaming makalabas mula sa corridor pero hindi niya pa rin ako binibitawan.
“Paano naman kung ikaw pala ang gusto kong iuwi?” wala sa sariling bulong ko.
“What?” bahagyang nanlaki ang mata ko at muling tumingin sa kaniya. Mukhang hindi niya naman narinig nang maayos dahil naguguluhan ang ekspresyon niya. Dahil sa biglaang panic na nararamdaman ay wala sa sariling inilagay ko rin ang braso sa likuran niya at tinapik ‘yon.
“Ang galante mo talaga, Zath Accardi. Papasa ka bilang sugar daddy,” tatawa-tawa kong sabi.
Tumawa rin siya at umiling. “Kagabi lang parang nagdududa ka pa nga dahil sabi mo pinagdamutan kita ng lomi.”
Kinagat ko ang labi habang nag-iisip ng sasabihin. Tangina, Odette, umayos ka!
Muli kong nahampas ang likuran niya at this time mukhang napalakas ‘yon dahil rinig na rinig ko iyong tunog. Siguradong naramdaman niya dahil nakangisi na siya habang minamataan ako. “Are you okay, Odi?” tanong niya pa. Napahinga ako nang malalim at malawak siyang nginitian.
“No. Ang dami nang nakatingin sa atin,” mariin kong sabi. Ramdam kong hindi umalis ang tingin niya sa akin kahit pa ang ginawa ko ay igala ang sariling mata. Tuluyan na kasi kaming nakalabas mula ron sa corridor pero iyong kamay niya nasa likuran ko pa rin. Dahil isa siyang sikat na tao, hindi mawawala ang mga tumitingin.
“Odi, I was just wondering how you can make yourself so open for everyone yet complex to interpret.” agad na bumalik kay Zath ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. Hindi ‘yon nakatulong dahil mas lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/287346491-288-k678128.jpg)
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #5: Piece By Piece
RomancePareho silang masiyahin, parehong maaasahan, parehong laging nandiyan para sa iba, parehong handang harapin ang hamon ng mundo. Para silang sinulid na may parehong kulay, pwedeng pagsamahin, pwedeng itali sa isaʼt-isa kapag ang isaʼy umikli at nag-k...