Piece #23

501 35 5
                                    


Tanging tunog ng kuliglig ang maririnig habang nababalot ng kadiliman ang kapaligiran. Nakadapa ako sa loob ng tent samantalang si Zath ay naka-upo sa bukana ng sasakyan. Nang silipin ko siya sa ibaba ay nakita kong pinagmamasdan niya ang langit. Marami kasing mga bituin doon at karamihan sa kanila ay makinang.

Napahinga ako nang malalim habang patuloy siyang tinititigan. Bahagyang naiilawan ang kaniyang mukha dahil sa liwanag na nanggagaling sa loob ng camper truck, nakakatulong na rin ang LED lights na nakapalibot sa tent na kinalalagyan ko.

Muli kong naalala ang mga sinabi niya sa akin kanina. May kung anong pakiramdam ang namumuo sa loob ng aking tyan tuwing naiisip ko ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya. Hindi ko pa rin maisip kung paano siya humantong sa ganoong konklusyon. Hindi ko alam kung bakit niya ako nagugustuhan.

Ang akala ko ay merong kung ano sa pagitan nila ni Signy. Sa paraan ng pag-uusap nila, kung paano siya mag-alala para sa kaniya... Wala bang ibig sabihin ’yon? Talaga bang masyado lang akong napaniwala sa mga sabi-sabi na nabuo tungkol sa kanila?

Matagal ko nang itinigil ang pagkukumpara sa sarili sa ibang babae. Natutunan ko na kung paanong tanggapin at mahalin ang sarili ko. May kaniya-kaniyang bagay na meron ang mga tao na siyang nagpapa-angat sa kanila, mga bagay na sila lang ang meron. Kaya pilit kong pinakawalan ang mga insecurities na nabuo sa loob ko at nag-pokus na lang kung paano ako mabubuhay nang matiwasay bilang isang indibidwal. Kailanman ay hindi ko ginusto na tuluyang kainin ng mga negatibong emosyon ang buhay ko.

Peace of mind, happiness, contentment, self-love. Ito ang mga gusto kong panatiliin sa sarili kaya hanggat maaari ay ayoko nang bumalik ang paraan ng pag-iisip na mayroon ako noon.

Pero dahil sa mga sinabi ni Zath, hindi ko rin maiwasang itanong na, bakit ako? Na para bang hindi ako karapat-dapat na magustuhan niya dahil hindi kami magkalebel. Sobrang contradicting dahil mataas ang pagpapahalaga ko sa sarili. Bakit pa magiging issue sa akin ang magkaibang buhay na meron kami? Bakit iniisip ko na naman si Signy?

Napatungo ako at mariing pumikit. Bakit may ganoon pa ring tanong na nabubuo sa isip ko? May nakita siya sa akin na hindi niya makita sa iba. Ayun lang dapat ’yon.

Wala talaga sa isip ko ang makipag-relasyon ngayon, pero ang hirap tanggalin sa utak ng mga sinabi niya sa akin.

“What are you thinking?” Napatingin ulit ako sa kaniya nang marinig ang kaniyang boses. Bahagya akong ngumiti nang makitang nakatingala siya sa akin. “Kung ano-ano lang. Ikaw? Hindi ka pa ba inaantok?”

“No.”

“Weh? Kahit ilang oras ka nag-drive kanina? Tsaka ang aga nating nagising. Magpahinga ka na, baka mamaya masira ang skin mo.” Ngumuso siya at biglang tumayo. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya nang umakyat siya sa hagdan na nakakonekta rito sa tent. Tumigil lang siya nang halos magkatapat na ang mga mukha namin.

“See for yourself. Do I look sleepy?” Pinalaki niya pa ang mata habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko naman siya pabalik kaya ilang segundo kaming magkatitigan.

“Oo kaya. Mapungay na ang mata mo kahit pa palakihin mo ’yan.”

“Sa ilaw lang ’yan.” Natawa ako at inilagay ang hintuturo sa ilalim ng kaniyang baba. Bahagya kong ginalaw ang mukha niya para kunwari’y masuri ’yon sa iba’t-ibang anggulo.

“Hindi eh. Inaantok ka na talaga,” giit ko pa. Hinawakan niya ang hintuturo ko at ibinaba ’yon. Hindi siya bumitaw at patuloy lang na nakatingin sa akin. Habang tumatagal ay narerealize ko rin kung gaano ka-awkward ang posisyon namin. Masyado kaming malapit sa isa’t-isa.

“I’m not tired. Not when I’m looking at you like this.” Humigpit ang hawak niya sa daliri ko kaya napatingin ako ro’n. Agad din na lumuwag ’yon at bahagya nang humahaplos ang hinlalaki niya sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki ko.

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon