Piece #10

539 39 19
                                    


Anthony:
Hoy, bakit mo dini-decline ang tawag ko? Peymus ka?

Tumigil ako sa paglalakad nang makakita ng waiting shed. Kahit na malapit nang dumilim ay napakainit pa rin dahil summer. Bahagya kong tinakpan ang ilong dahil sa usok na nanggagaling sa mga sasakyan. Para akong inaapuyan dahil sa matinding init na nararamdaman. Hindi nakakatulong na sobrang dami pang tao sa paligid dahil rush hour.

Agad ko nang tinawagan pabalik si Anthony dahil totoong kanina ko pa hindi tinatanggap ang mga calls niya. Nasa office kasi ako at busy person ako kanina.

“Ay tumawag iyong peymus,” agad na bungad niya, puno ng sarkasmo ang boses.

“Oh bakit, alipin? Anong kailangan mo? Pera? How much at isasampal ko sa mukha mo?” kita ko ang bahagyang paglingon ng babaeng nasa harap ko nang marinig ang sinabi ko. Nang mapansing nakatingin din ako sa kaniya ay agad siyang umayos ng tayo at iniwas ang tingin.

“Tangina ka.” tumawa ako at pinaypayan ang sarili.

“Ano nga? Busy ako kanina.”

“Tama ka, tungkol talaga sa pera kung bakit ako tumawag,” aniya, nahihimigan ko ang pag-ngisi-ngisi niya sa kabilang linya.

“Ay weh? Mangungutang ka? Anyare? Mas mayaman ka saʼkin.”

“Tanga hindi ako mangungutang, gusto mo ikaw pa pautangin ko.”

“Pautang one million,” nakangisi kong sabi. Yabang nito e. Pero totoong marami na siyang pera. From freelance photographer to famous professional photographer ang kuya mo. Unti-unti na siyang nakikilala dahil madalas na ang team niya na ang bumibida sa mga photoshoot ng mga sikat na artista. Na-feature na rin siya hanggang international magazine kung saan ang bongga ng headline. Bigatin.

“Sige ba basta 2 million kapag binalik mo.”

“Ulol, dinaig mo pa bumbay.” rinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

“Pero hindi nga tangina neto, pareho tayong kikita kaya umayos ka.”

“Oh ano na nga?”

“Naaalala mo iyong nagka-interes na bumili ng copy ng isa sa mga pictures mo na ako iyong kumuha? Diba ang sabi ko noon saʼyo pang portfolio ko lang.” pinunasan ko ang pawis sa leeg at inisip ang sinasabi ni Anthony.

“Kailan 'yon? Ilang boses mo ring pinakinabangan ang ganda ko.”

“3-4 years ago, Odette Constantina. Iyong favorite mo na 70ʼs disco ang theme.” naging O bigla ang bibig ko nang maalala ang sinasabi niya. Mayroon ngang artist ang nagkainteres sa isang faceless shot ko roon. Ang pose ay nakatalikod ako mula sa camera, standing position, parted legs, two hands on top of the head while forming a sexy stance. Sobrang accentuated ang bawat kurba ng katawan ko dahil doon plus napakaganda ng details dahil sa suot ko na outfit at bling-blings.

“The same artist approached me again. Bibilhin na naman daw iyong latest mo. Faceless shot ulit 'yon.”

“Binenta mo na?”

“Hihingin ko muna permission mo syempre, kaya nga ako tumatawag kanina pa. Ano? Okay lang ba saʼyo?”

“Aba oo naman! Kita mong ang laki magbayad noʼn. Biro ko nga lang iyong 10k na price noong una tapos 10k talaga binayad,” natatawa kong sabi. Hindi ko alam kung anong meron sa artist na 'yon at gustong-gustong bilhin iyong litrato ko. Ang condition niya lang ay hindi na iyon ilalabas ni Anthony sa publiko kaya tinanggal niya na sa portfolio niya.

Hindi namin siya kilala kasi ayaw niya idisclose ang identity niya. Inisip ko nga baka mamaya pinagpapantasyahan lang noʼn ang picture ko. Kaso sabi naman ni Anthony ay nagbigay daw ng proof na artist talaga.

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon