Piece #6

631 42 13
                                    

Napakaraming pwedeng magbago sa isip ng tao habang dumaraan ang mga taon. Change is everywhere, it is even considered crucial in some circumstances. Babaguhin mo ang mga bagay kapag hindi ka na masaya, kapag kailangan, para sa sarili mo. For peace of mind, for solace, and for freedom.

Pero bakit may mga taong hindi matanggap ang pagbabagong 'yon?

“Weʼve already made it easier for you, Odette. Handa kang kuhanin ng TV station kung saan ka nag-ojt back in college. Theyʼve seen enough potential in you. Whatʼs with the sudden change of mind? This is the start of your future success.” Patago kong ikinuyom ang kamay sa ilalim ng lamesa. Pinilit ko ang sarili na ngumiti at huminga nang malalim.

“The things that you did for me, Grandma, it is all appreciated. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng opportunity na ibinibigay niyo sa akin, pero—”

“Pero? Pero you donʼt want to grab this great opportunity anymore?” Kinagat ko ang labi at ang plato na lang sa harapan ang tinitigan.

“Look, hija, youʼre a fresh graduate. Iʼm sure you know kung gaanong kahirap pumasok sa mundo ng media ngayong nagsisimula ka pa lang. Youʼve already seen it, right? It will take years. Years of struggles and tears. Pero itong naghihintay saʼyo, this is something else. You canʼt just turn this down.”

“Pero hindi na ako masaya...” mahina kong sabi habang nangingilid ang luha. Napasandal sa inuupuan ang matanda at disappointed na tumingin sa akin. “Odette, you have to understand that sacrificing your own happiness is a thing when you want to achieve something big. It will be worth it in the end.” Umiling ako at kinurap-kurap ang mga mata.

“Ayoko po... Ayoko muna... Hindi ko pa pala kaya...” Kailangan kong huminga. Pagkatapos ng apat na taon na pakikipag-sapalaran ko sa kolehiyo, gusto ko namang tutukan ang sarili ko. Hindi iyong kung ano ang dapat kong maabot sa edad ko.

“This is going to disappoint the whole family. Weʼre expecting so much from you, without knowing that youʼre going to follow Darrylʼs failure.” Pinigilan ko ang sariling sumagot matapos marinig iyon. Gustuhin ko mang ipagtanggol si Darryl Angelito sa sarili niyang lola, ayokong mas palalain pa ang issue sa kaniya ngayon. Kahit na ano pang success niya sa business world, hindi pa rin magiging masaya ang grandparents niya dahil hindi nila siya maikasal sa babaeng mataas ang katayuan sa mundo nila.

“Iʼm sorry...”

Hawak ko ang sariling kamay nang makalabas sa building. Nanginginig at nanlalamig iyon dahil sa labis na kabang naramdaman ko habang kinakausap ang nanay ni Tito Grant. Ang intense, pero walang sino man ang makakapigil sa desisyon ko ngayon.

Hindi ako mag-tatrabaho sa kung saang malaking kumpanya o TV station. Mag-gagala muna ako dahil iyon ang kailangan ko!

Habang hinihintay ang uber sa may sidewalk ay tumunog ang cellphone ko. Nang makitang si mama ang tumatawag ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Gabi na, ilang stressor pa ang darating sa akin?

“Hello, ma—”

“Explain what you just did, Odette Constantina.”

“Ma, please. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Huwag niyo na akong pilitin.”

“Jusko naman! Sinayang mo iyong malaking oportunidad na nasa harapan mo na, Odette! Ano bang nangyayari saʼyo?! Hindi baʼt gusto mo ang ganoong klase ng trabaho?!”

“Sinabi ko nang gusto ko munang huminga. Deserve ko naman 'yon, 'diba? Kaka-graduate ko lang... Kailangan bang mag-trabaho agad ako? May ipon naman ako, kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Bakit ba kayo masyadong apektado?” iritado kong sabi. Nakakasawa na kasi. Gusto ko ngang mag-travel, at may pang-travel naman ako! Hindi ako nanghihingi kung kanino, gagawin ko ang gusto ko.

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon