Piece #18

489 34 16
                                    


Umaalingaw-ngaw ang kantang Lobster ni Boy Called Cute sa loob ng condo ni Anthony habang nagpapalakad-lakad ako. Kagat ko ang hintuturo at namomroblema.

“What’s with you? Kung ayaw mong pumunta, edi huwag. Hindi ka naman pinipilit–”

“Bina-blackmail lang, gano’n? Nasa kaniya iyong labradorite crystal ko! Hindi niya raw isasauli sa akin kapag hindi ako pumunta sa gig nila!” pa-squat akong naupo sa sahig habang nakahawak sa buhok. Bakit ko ba kinalimutang baliw si Zath Accardi? Kilala ‘yong nakukuha ang kahit na anong gusto niya!

Sobrang sincere niya noong sinabi niyang hindi raw siya matatahimik kapag hindi niya nahanap iyong nawawala kong crystal. I mean, tumupad siya sa promise niya at talagang nahanap niya. Hindi ko alam kung paano, pero hindi iyon ang mahalaga ngayon!

Gusto niya talagang um-attend ako sa gig nila sa Gevara. Noong tinanong ko si Anthony kung sino ang may birthday, binanggit niya ang pangalang Keisha. Eh hindi ko naman kilala ‘yon!

Bumuntong-hininga si Anthony kaya tumingala ako sa kaniya. Nagbubutones pa siya ng damit habang nakatingin din sa akin. “Don’t worry about it, kakausapin ko si Zath na ibalik na sa’yo kahit pa hindi ka pumunta ngayon. Pero ano ba kasing problema? Bakit ayaw mong pumunta?”

Tumayo na ulit ako at napapadyak sa sahig. “Na-trauma nga ako ro’n sa body shot!” Tumawa siya kaya mas lalo akong nainis. “As if naman mangyayari ulit ‘yon? Nag-eexpect ka?”

“Gago ka, hindi ah! Pero what if? Tapos... Nahihiya talaga ako. Nando’n ang buong Ludic Selcouth, sobrang shy kong tao–”

“Itigil ang kaartehan, Odette Constantina. Tsaka bakit hindi mo matandaan si Keisha? Nabagok ka ba o ano? Parte ng pamilya niyo tapos hindi mo kilala?” napakunot ang noo ko. Keisha... Wala talaga akong matandaan.

“Maguire siya?”

“She’s an Escarra, pero may dugo pa ring Maguire. Sa tingin ko ay second cousin siya ni Darryl sa mother side.”

“Hindi ko talaga matandaan, baka hindi pa kami nagkikita.”

“Sabagay. Kauuwi lang din non mula Europe. Pero medyo imposible talaga na hindi pa kayo nagtatagpo. Marami nang importanteng family gatherings at business parties ang naganap sa pamilya niyo.” Ang kaso ay hindi ako um-aattend sa mga ganoon kahit pa anong pilit sa akin ni mama. Positive akong hindi pa kami nagkikita.

“Pero bakit mo kilala? Naging client niyo na ba?”

“Yes. It was a big shoot in Europe because she’s modelling for a luxury brand. You could say that we kept in touch and became friends.”

Hinila ko pabababa ang magkabilang gilid ng labi para magmukha akong malungkot. “Bakit hindi ko alam? Alam mong selosa ako,” pagbibiro ko. Pinitik niya lang ang noo ko at tumawa.

“Nakakalimutan kong banggitin sa’yo kasi madalas tayong parehong busy. Nangyari ang shoot na ‘yon noong kasagsagan ng van life mo. Ikaw pa rin naman ang paborito naming mangkukulam nila William at James.” literal na akong napasimangot dahil sa sinabi niya.

“Ang kapal mo. Kung ako mangkukulam, edi engkanto ka.”

Sa huli ay talagang nagpaiwan ako sa condo ni Anthony. Umalis na siya para pumunta sa Gevara. Nakasalampak ako sa sahig habang nakatitig sa kawalan. Paano ko makukuha ang pinakamamahal kong bato?

Dito ko balak mag-stay para makatipid ng kuryente. Umuwi rin kasi si Ate Kathy sa probinsya nila ngayon at dalawang linggo siyang mawawala. Makapal naman ang mukha ko at hindi ako matitiis ni Anthony kaya hindi siya nakahindi sa akin. Sayang din ‘to, no. Mahal-mahal na ng kuryente ngayon. Conserve energy.

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon