Piece #19

566 37 23
                                    


Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa pagitan namin ni Darry Angelito nang makarating kami sa loob ng kaniyang sasakyan.

Napabuntong-hininga na lang ako at pagod na sumandal sa inuupuan. “Hindi naman gaanong nakaka-offend ang sinabi niya... Just let it pass,” mahinahon kong pahayag.

“You know how much I hate it when they tend to make you feel that you are not part of the family, Odette. Because you are...”

“Hindi ko pa gaanong kilala si Keisha, Darryl. Walang problema sa akin ang kilalanin pa siya. We could even be friends later on.” Hindi ko naman itatangging may kung ano sa tono ng boses niya kanina. Pero nakainom na rin kasi iyong tao.

“I hate to break it to you, but she’s just like that. I advise you to not engage yourself with that woman for the better.”

“Don’t say that... Pinsan mo ‘yon. At saka birthday niya, halatang iritable ka kanina. Kahit pa hindi gaanong kaganda ang relationship niyong dalawa, at least try to be nicer. ‘Di ba sinabi ko sa’yo na sanay naman na ako sa mga Maguire? Hindi mo na kailangang magalit lagi kapag may masasabi silang kung ano sa akin.” Sobrang sensitive niya kasi kapag ganoon ang sitwasyon. Ayaw niyang pinaparamdam ng kung sino sa pamilya nila na outsider ako. Darryl and I grew closer along these years... Naaappreciate ko ang lahat ng ‘yon, pero mas pinag-iinitan siya kapag sumasagot-sagot siya lalo na sa mga nakatatanda.

“It’s never fine to treat you like someone unimportant just because of some blood relation shit. This is what I’m trying to avoid, I didn’t mention this party to you because I know that Keisha will just talk about petty things,” naiinis pa ring aniya. Hindi naman agad ako nakaimik. Hindi ko talaga kilala si Keisha, pero siguro nga iba sa kaniya. Kilala niya ako... Wala akong alam sa issue ni Darryl ngayon, pero base sa lumalabas sa bibig niya ay mukhang merong hindi pagkakaintindihan dito.

“Kailan pa kayo naging sobrang close ni Zath Accardi? He clearly is the one who invited you,” tanong niya.

“Hindi naman kami sobrang close. May kailangan lang ako sa kaniya kaya rin ako pumunta. Basta, ha? Huwag ka nang masyadong masungit kay Keisha. Hayaan mo na lang.” Alam kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko pero wala siya nagawa kun’di tumango.

Ngumiti ako at binuksan na ulit ang pinto ng sasakyan. “Balik na tayo sa loob? Daming naghihintay sa’yo na chix do’n.” ngumuso siya at kalauna’y ngumiti rin naman.

Bumalik kami sa loob ng club at sa VIP table. Kasalukuyan pa ring tumutugtog ang Ludic Selcouth. Naupo ako sa couch at iginala ang mata. Ang hyper ng mga tao.

Nabawasan na ang mga tao rito sa table dahil sa tingin ko ay lumapit sila sa stage para mas mapanuod nang maayos ang banda. Ipinagkrus ko ang braso at ibinaling na rin ang atensyon sa mga gwapong nilalang na nasa stage.

Walang kupas. Napakaganda pa rin ng boses ni Rush.

Kusang lumipat ang mga mata ko kay Zath na mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa. Hume-headbang siya kasabay ng tono na ginagawa nila. Todo ngiti at tango rin siya sa crowd. Nagtitilian tuloy ang mga tao, feeling ko naging college ulit ako.

Sa kaniya at kay Rush halos nagpapapansin ang mga tao dahil sinusubukan nilang pansinin lahat. Iba lang talaga ang kay Zath dahil nasa nature niya ang pagiging malandi at friendly. Kahit sa social media ay todo ang reply niya sa mga fans na nagmemention sa kaniya. Hindi na rin nakakagulat na siya ang may pinakamaraming followers.

Pinagmasdan ko nang maigi ang pagkalabit niya sa bass guitar dahil ‘yon naman ata talaga ang gusto niyang pansinin ko. Parang ewan, eh. Magaling naman siya sobra. Hindi ko nga masundan ang paggalaw ng daliri niya dahil ang bilis no’n.

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon