Piece #20

527 37 12
                                    


Dahan-dahan kong hinaplos ang malamig na salamin na humaharang sa pagitan ko at ng painting na nasa harap. Isa lang iyong skeletal torso pero ang ganda sa mata ng mga kulay na ginamit. Ang bawat painting na nasa loob ng condo ni Zath Accardi ay tila may enerhiyang pilit na kinukuha ang atensyon ko. Katulad noong naramdaman ko sa Breathe Art Gallery...

“Ikaw ang nag-paint nito?” tanong ko at lumingon sa kaniya. Tipid siyang ngumiti at tumango. Parang nahihiya pa siya umamin. Wala atang masyadong nakakaalam sa side niyang ‘to. Kailanman ay hindi napag-usapan ng mga fans nila na artist siya, although pansin ng karamihan na magaling siya mag drawing dahil sa mga games na pinapagawa sa kanila tuwing may guesting shows.

“Medyo chismosa ako, Zath. Bakit walang pag-aalinlangan mo akong pinapasok sa space mo? What if ipagkalat ko na artist ka pala? You clearly hid this from the public.”

Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. “This isn’t entirely a secret, I just chose not to emphasize this side of mine. And, I’m sure that you won’t disclose anything that you’ve seen here. This is something special between us, you won’t dare share it to someone.” Hinaplos ko ang braso at pinagmasdan siya. Ang dami kong nadidiscover kay Zath na sa tingin ko ay hindi ko naman dapat napapasok at nalalaman.

“Masyado mo naman akong pinagkakatiwalaan. Alam ko namang mukha akong anghel pero may sungay din akong nakatago.”

“We all have hidden horns, we just have to choose when to make them visible.” Tumango ako at humakbang na paatras sa painting na ‘yon. Hindi talaga dapat ako magtatagal dito pero nag-insist si Zath na mag-stay ako dahil nagpadeliver pa siya ng pagkain.

Bumalik kami sa living room para ihanda na ang mga pagkain. Kakarating lang din noon at ang dami niya palang binili. Dalawa lang naman kaming kakain.

“Ano ’yan? Mahilig ka sa street foods?” tanong ko nang makakita ng mga kwekwek kasama ng salad wrap, baked mac, at chicken wings.

Malawak siyang ngumiti at itinaas-taas ang dalawang kilay. Pinaghalo niya pa sa maliit na bowl ang sweet sauce at vinegar sauce. “Yes, Odi, these are my drugs. Why? Hindi ka kumakain nito?”

Naupo ako sa tabi niya at kinuha ang isang stick. “Anong hindi? Hindi ako maselan. Gusto mo paramihan pa tayo ng kainin. Libre mo naman lahat ’to, e.” Tumawa siya at pabiro akong binangga gamit ang balikat. “I accept the challenge. Kung sino ang matatalo, they have to take one of my plant on a walk. Anyway, I am positive that I’ll win this.”

Muntik nang pumasok sa ilong ko ang tubig na iniinom dahil sa narinig. “Take your plant on a walk?” kinagat niya ang isang kwekwek habang nakangisi sa akin. “Why? My bandmates used to do it when they lose on a challenge. They’ll take random things and walk with it.”

Dahil sa narinig ay itinaas ko ang sleeves ng shirt na suot hanggang sa kita na ang buong braso ko. “Deal! Kapag nanalo ako, kailangan mo talagang gawin ‘yon!”

“Sure. Goodluck, Odi.” Bakit masyado siyang kampante na mananalo siya?!

Hinati namin nang maayos ang mga pagkain bago tuluyang nagsimula. Nag-set pa kami ng timer at inilagay ’yon sa gitna ng table.

For a moment, biglang nagkaroon ng eating contest sa loob ng condo ni Zath Accardi.

Ang linis kumain ni Zath kahit na nagpapa-unahan kami. Nahiya naman ako na halos punong-puno na ang bibig at ilang saglit na lang ay sasabog na. Mabilis kong inabot ang tissue at itinakip ’yon sa ngumunguya kong bibig. Nang sulyapan ko ang mga pinggan niya ay malapit na siyang matapos.

Bakit ang bilis niya?! Nangangalahati pa lang ako!

Sumulyap siya sa akin at muntik nang matawa kaya tinakpan niya rin ang sariling bibig. Maluha-luha na ako nang dali-daling uminom ng tubig. Marahas kong naibagsak ang kamay sa lamesa nang bahagyang makahinga nang maluwag. Hindi ko na kaya...

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon