Rinig ko ang pagtunog ng chips mula sa loob ng bibig ko habang ngumunguya. Tutok na tutok ako sa screen ng laptop dahil sa pinapanood. Interview kasi iyon ni Anthony para sa award na nakuha niya para sa pagiging magaling na photographer.Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapakinggan siya. Sobrang layo na ng narating ng mga kaibigan ko. Sobrang nakakaproud.
Ilang saglit lang din ay natapos na ‘yon kaya isinarado ko na ang laptop at patihayang humilata sa kama. Muli kong sinulyapan ang cellphone, kanina ko pa iyon tinitingnan dahil umaasa akong tatawagan ako noong mga taga Breathe Art Gallery. Medyo umasa talaga ako dahil doon sa sabi ng photographer na kumuha ng mga pictures ko. My expressions are raw raw.
Madalas akong maging subject ni Anthony sa casual shoots niya, pero hindi ko pa nararanasang maging subject sa isang painting. I suddenly find it fascinating. Namamangha naman ako rati sa arts, pero mas buhay na buhay ata ngayon iyong weird na pakiramdam na nasa loob ko simula nang pumasok ako sa art gallery na ‘yon.
Sign na siguro ‘to para mag commision ako ng isang artist para ipinta ako.
Kinagat ko ang daliri habang patuloy na tinititigan ang kisame. Should I do that? I wonder kung anong hitsura ko sa painting.
Hanggang sa gumabi ay wala akong natanggap na tawag. Sabagay, sa rami ba naman siguro ng sumubok para maging subject ng isang magaling na painter doon? Ipinagkibit balikat ko na lang ang lahat at nag focus sa bagong content na kailangan kong matapos ngayong gabi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong inabot at tiningnan ang caller.
Si Anthony.
“Oh?” bati ko at nagpatuloy sa pagtatype.
“Ganda talaga lagi ng bungad mo.” ngumisi ako kahit na hindi niya naman ako nakikita.
“Nomi?” tanong ko.
“Mukha kang alak. Iba ang tinawag ko.” bahagya akong nadisappoint.
“Anong ganap?”
“Remember the artist who bought your photograph twice now?” tumigil ang mga daliri ko at tumitig sa cellphone dahil sa binanggit ni Anthony.
“Bakit? Pera na naman ‘to?” initriga kong sabi.
“No. Nabalitaan ko lang na may event pala ngayon sa art gallery na pagmamay-ari niya. Gusto mo bang pumunta? Kung free ka ngayong gabi.” bumalik ang tingin ko sa screen ng laptop para ianalisa kung matatapos ko pa rin ba ‘to ngayong gabi kahit na umalis ako saglit.
Kailan ba ako umayaw sa gala?
“Pwede naman. Anong oras? At saan? Parang ngayon mo lang nabanggit na may art gallery ‘yon. Big time pala talaga ang mga clients mo,” sabi ko. Hindi talaga ako makakatanggi.
“Nito ko lang din nalaman dahil umiingay ang pangalan na gamit niya. Pero big time talaga. Halata naman dahil walang pag-aalinlangan sa pagbitiw ng pera para lang mabili iyong picture mo. On-going na raw ang event, pero mamayang 9pm pa ipapakita iyong ibang actual footage sa current painting na tinatrabaho niya. G na?” kumunot ang noo ko sa narinig. Bakit parang pamilyar?
“Anong art gallery ‘to?”
“Breathe Art Gallery. It’s popular around here, Odette. Well, at least a decade ago. Ngayon lang daw ulit nagbukas. I heard it closed down when the old owner died.” bahagyang nanlaki ang mata ko. Kaya pala parang ang pamilyar ng mga sinasabi niya. Ito ata iyong nabanggit noong babae sa reception. May pa-event na pala bago pa yung main grand exhibit.
“Sige... Mag-aayos lang ako. Sunduin mo ako?”
“Oo naman. You can dress casually.” ngumuso ako at sumulyap sa wardrobe.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #5: Piece By Piece
RomancePareho silang masiyahin, parehong maaasahan, parehong laging nandiyan para sa iba, parehong handang harapin ang hamon ng mundo. Para silang sinulid na may parehong kulay, pwedeng pagsamahin, pwedeng itali sa isaʼt-isa kapag ang isaʼy umikli at nag-k...