Piece #17

518 32 15
                                    


Habang pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin ay tahimik akong nakatayo at pinagmamasdan ang dalawang tao mula sa may hindi kalayuan. Casual lamang silang nag-uusap pero alam kong pasimpleng nakatutok sa kanila ang mata ng mga tao.

Tama ang balita. May communication pa sina Signy at Zath Accardi.

Hinaplos ko ang braso at inilipat ang tingin sa nagdidilim nang langit. Alam kong walang anuman na balita ang lalabas tungkol sa biglang pagsulpot ni Zath dito. Walang pakialam ang Luhalla sa mga ganoong bagay. Professional kami at hindi maglalabas ng mga masyadong personal na nasaksihan. Kahit pa gaano ‘yon ka-kontrobersyal.

Oo, nakakagulat na nandito siya. Lalo na at noong nakaraan ay kakakita lang namin sa isa’t-isa. Daan-daang kilometro na ang layo ko mula sa Manila pero nakikita ko pa rin siya rito.

Pero halata na si Signy ang sadya niya. Sino pa ba?

“So nandito pala talaga ngayon si Zath sa hometown niya... Wala talagang new projects ang banda nila dahil ang luwag ng kanilang schedule,” sabi ni Chel na nasa tabi ko. Tumango naman ako. Sa tingin ko naman ay deserve nila ‘yon pagkatapos ng isang successful world tour.

“Ayos ka lang, Odette? Akala talaga namin may something sa inyo ni Zath Accardi.” akmang may kakawalang tawa sa lalamunan ko pero agad ko ‘yong pinigil. Bakit kasi nila iniisip ‘yon? Purely coincidental lang naman ang mga pagkikita namin.

“So, okay na? Cleared na ang lahat? Wala talaga.” Ngumuso siya at mukhang nanghihinayang pa.

“I mean, compatible sila ni Signy, kaya nga marami rin ang nagshiship sa kanila. Magkalevel sila, eh. Pero alam mo ‘yon? Nakita ko kasi ‘yung mga pictures niyo. Iba rin ang dating. May chemistry–”

“Please huwag mong banggitin ang chemistry. Kinasusuklaman ko ang salitang ‘yan dahil sobra akong pinahirapan noong nag-aaral ako,” agad kong putol sa kaniya. Bahagya siyang natawa at umirap.

“Pero ito seryosong tanong, hindi mo man lang ba gusto si Zath? Alam kong immune ka sa presence ng mga gentleman dahil puro lalaki halos ang closest friends mo. Aware rin ako na hindi ka big fan ng romantic relationships dahil hassle para sa’yo. Still, it’s not possible na hindi ka nakakaramdam ng attraction sa iba. Lowkey malandi ka pa naman na takot sa commitment.” natawa rin ako at pabiro siyang inakbayan.

“Ayan, isa pa ‘yan. Clingy ka in nature pero ayaw mo naman kapag kami na ang clingy sa’yo. Napaka-complicated mong tao, Odette Constantina,” medyo stress niya nang pahayag. Mas lalo akong natawa at isinukbit pa ang isang kamay sa balikat niya kaya para na akong nakayakap na unggoy.

“Chel... Very gwapo si Zath, alam nating lahat ‘yan. Crush ko ‘yan noong college along with 99+ others. Pero kung curious ka kung kanino ako patay na patay noon, sa boses ni Rush Zedova. Pero past na ‘yon. Ngayon... Wala talaga akong balak pumasok sa isang relasyon. Marami akong gusto para sa sarili ko. Marami pa akong gusto na maranasan bago ko tuluyang buksan ang sarili para sa iba. Alam mo ‘yon? Mas mahal ko ‘yung sarili ko, at kuntento na ako sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon.”

Hindi agad nakapagsalita si Chel at seryoso lang na nakatingin sa unahan. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya at ngumiti. “Pero hindi ko itatanggi na minsan naiisip ko kung ano kaya kung may jowa ako? Masarap daw sa feeling...at nakakastress at the same time. Minsan, nakakatempt lumandi seriously. Kaso may malinaw akong goals sa buhay, at mas priority ko ‘yon.”

Lahat ng malapit sa buhay ko ay alam kung gaano ako ka-dedicated sa travelling. Gusto kong maging full time, kung afford ko lang.

“Nakakainis ka, ang hirap mong ispelengin pero ang ganda ng mindset mo. Minsan nakakalimutan kong straight ako kapag seryoso ka nang nagsalita. Nakakaloka ka.”

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon