Piece #27

1.3K 44 20
                                    


Kailan ba ako naging big fan ng sweetness? Never.

Puro pakikipag-bardagulan lang ang kaya kong gawin, lalo na sa mga kaibigan ko.

Kaya naman ngayong halos parang linta na kung makadikit si Zath sa akin ay nagtataka ako sa sarili. Kadalasan ay hindi ako kumportable kapag masyado akong niyayapos, lalo na kung hindi ako ang nagsimula. Sabi nga ni Chel na katrabaho ko, clingy raw ako pero ayoko naman kapag sila na mismo ang nagiging clingy. Complicated nga raw kasi akong tao, at hindi ko naman itatanggi. Iba lang talaga minsan ang takbo ng utak ko, parang may lumuluwag na turnilyo.

Dapat ay itinutulak ko na ’to palayo si Zath ngayon, pero hinahayaan kong isiksik niya ang mukha sa aking leeg. Paminsan-minsan ko pang nararamdaman na hinahalikan niya ’yon.

“Next question,” bulong niya at mas lalo pa akong sinisiksik, kulang na lang ay daganan niya ako nang tuluyan.

“Zath, hindi na ako makahinga sa ginagawa mo,” nakangiwi kong sabi at hinawakan ang braso niyang nakapulupot sa akin. Sinubukan kong tanggalin ’yon pero parang bakal at hindi natitinag.

“I’ll give you air,” aniya at akma akong hahalikan. Iniwas ko ang mukha at pinanlakihan siya ng mata. Simula nang pumayag akong magkaro’n kami ng something ay ayaw niya na ata akong bitawan. Salitan kaming nagtatanong para mas makilala pa ang isa’t-isa pero hindi ako makapag-concentrate dahil sa ginagawa niya sa akin.

“Yung totoo, linta ka ba sa past life mo?” Ngumisi siya at tinanggal ang hibla ng buhok na napupunta sa mukha ko. “Ako siguro ’yung pet mong linta na ayaw humiwalay sa’yo. Mabubuhay lang ako sa dugo mo,” aniya at akma pa akong kakagatin. Hindi ko naman magawang mainis at natawa na lang dahil ang cute niya.

“Parang tanga ’to, baka hindi ka na umuwi niyan mamaya.”

“Hmm... Ampunin mo na lang ako?”

“Ayoko. Hindi kita afford.” Tumulis ang nguso niya. “I’m free for you. The only hidden fees are unlimited snuggles and kisses.” Kinagat ko na ang labi para pigilan ang sarili sa kangingiti. Mababaliw talaga ako sa lalaking ’to, alam na alam niya ang mga sasabihin para palambutin ako.

“Para sa’kin lang?”

“Yes, only for my honey bunch sugar plum.” Mas lalo akong natawa at hindi napigilan ang sarili na pisilin ang pisngi niya. “Nanggigigil ako sa’yo, awat na.”

“I wonder kung hanggang saan aabot ang panggigigil ng Odi ko,” nakangising aniya at tinulak ako pahiga sa kama. Agad na tumigil ang paghinga ko nang pumunta siya sa ibabaw ko at walang hiya-hiya na siniil ako ng halik. Pangalawa na ’to ngayong gabi!

Nang lumipas ang pagkagulat na nararamdaman ay namalayan ko na lang na kusa na akong tumutugon sa kaniya. Marahan kong hinawakan ang likod ng kaniyang ulo at dinama ang malambot niyang buhok. Alam ko naman na wild itong si Zath pagdating sa mga ganitong bagay, at malamang ay hindi talaga ako makakaligtas do’n.

“Odi... I need to stop,” nahihirapang bulong niya. Napangisi ako at itinulak na siya papunta sa tabi ko. “Itatali na ba kita?”

Nakagat niya ang labi at ako naman ang hinila papunta sa ibabaw niya. “Ako ang madalas na nangtatali, but I’ll let you do it for me this time.” Napailing na lang ako sa narinig. Iba na naman ang nasa utak niya.

Umayos ulit ako ng puwesto at sumandal na lang sa headboard ng kama. Agad naman ang pagdantay ng braso niya sa akin at pilit na namang sumisiksik. Napahinga na lang ako nang malalim at ibinukas ang isang braso para hindi siya mahirapan.

“Nagtataka lang ako, bakit parang ang dami mong free time madalas kapag nagkikita tayo? Dahil bakasyon ang banda niyo ngayon, anong pinagkakaabalahan mo?” kuryoso kong tanong habang iniikot-ikot sa daliri ang iilang hibla ng kaniyang buhok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon