Piece #2

707 32 13
                                    


Hindi ako makapag-decide kung naging eventful ba ang buong taon ko. Ilang minuto na akong nakatitig sa journal na nasa harapan ko at nag-iisip pa rin kung anong isusulat. Bahagya kong ipinupukpok ang ballpoint pen sa sintido pero kalaunaʼy napatungo na lang sa lamesa.

Bakit pakiramdam ko ay paulit-ulit na lang ang nangyayari sa buhay ko? Ayoko nito. Ayokong mamuhay sa everyday routine na meron ako.

Nakatungo pa rin ako sa lamesa nang makarinig ako ng katok mula sa labas. “Odette?” agad akong napaayos ng upo nang marinig ang boses ni mama.

Lumingon lang ako nang maramdamang bumukas na ang pinto at pumasok siya. Isinara ko ang blangkong journal at tumayo. Iginagala ni mama ang paningin sa loob ng kuwarto hanggang sa tumigil 'yon sa dress na naka-hang pa rin sa gilid. “Bakit hindi ka pa nagbibihis?” tanong niya at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

Nakagat ko ang labi at alanganing ngumiti. “Kailangan ko ba talagang... ma-meet ang pamilya niyo ni Grant? Hindi ba pwedeng tayong dalawa na lang ang mag-celebrate sa 18th birthday ko?” saglit siyang napatitig sa akin bago bumuntong hininga. Lumapit siya kung nasaan ang kulay red na dress at kinuha 'yon. Naglakad siya papunta sa harapan ko at itinapat ang dress sa akin, mistulang tinitingnan kung anong magiging hitsura noon kapag suot ko.

“Tito Grant, Odette... Please, sanayin mo na ang sarili mo. At oo, kailangan mo nang makilala ang pamilya nila. Ayaw mong magkaroon ng party, hindi ba? Intimate dinner na lang—”

“Ikaw lang naman kasi ang kailangan kong makasama...” sa totoo lang, hindi ako interesadong makilala ang pamilya ng asawa niya. Wala akong matinding galit o hinanakit sa kanila, matagal ko nang na-realize 'yon. Masaya si mama kay Grant, at mukhang tinatrato naman nila nang maayos ang nanay ko. Hanggaʼt maaari ay ayoko na ring isipin iyong pang-iiwan niya sa amin dati. Ang akin lang, parang hindi naman kailangan na magkaroon pa ako ng koneksyon sa mga Maguire.

“Pamilya mo na rin sila...”

“Ma, hindi ako kumportable—”

“Odette... ito na tayo. Ito na ang bagong buhay natin.” nagbaba ako ng tingin at huminga nang malalim.

“Sige... magbibihis na ako,” pag-suko ko at kinuha sa kaniya ang pulang dress. Tahimik akong pumasok sa loob ng banyo at isinuot ang damit. Pagkatapos ay tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin. Maganda iyong dress, halatang mahal. Ito iyong usong-uso ngayon. Slip dress na satin, tapos ay medyo backless, tanging pa-criss-cross lang na strap ang bahagyang nagtatakip doon.

Ang ganda ko ngayon.

Pero lagi naman akong maganda. Mas maganda nga lang ngayon.

Kinuha ko ang cellphone at nag mirror selfie bago ipinadala sa group chat namin nina William. Nag-celebrate ulit kami kaninang umaga, kaya ngayong gabi ay kami naman nila mama.

Ganda ni Odette Constantina

Anthony:
Sino 'yan?

James:
Pinterest?

William:
Baʼt ganon na naman pangalan ng gc?

Odette:
Anong pinterest? Gagu, ako 'yan.

James:
Ay weh?

Anthony:
Huy, masama mang-angkin ng picture ng iba.

Odette:
Ina niyo.
Ako nga 'yan!


Nangunot ang noo ko nang i-seen na lang nila ako. Hindi sila naniniwala?!

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon