Ang satisfying magpasaya ng mga bata, pero hindi talaga maiiwasan na may bigla na lang iiyak dahil takot sa clown. Napangiwi ako habang tinatanaw iyong spokening dollar na batang inaalo na ng mommy niya dahil natakot ata sa hitsura ko.“Okay kids, since tapos na tayo sa games, itʼs time to sing happy birthday to your friend, Deena! Are you ready?” masigla kong sabi. Nagtalunan ang mga natirang bata lalo na nang ilabas na ang three-layer na cake. Teal blue din ang kulay noon, hindi naman halatang iyon ang favorite color ng celebrant.
“No, no! We will sing happy birthday first to Deena before we eat the cake. Okay ba 'yon?” pigil ko sa isang batang lalaki na akmang dudutdot sa icing. Nakatingkayad pa 'yon at pilit na inaabot ang cake.
“But I want it now!” maktol niya at sinimangutan ako.
“Ganito na lang, if we sing happy birthday to her first, I will give you a bag of chocolates as reward!” pang-uuto ko.
“Talaga? Chocolates?” tumango-tango ako at mukhang kinagat niya naman.
“Okay good, letʼs now call for the birthday celebrant! Deena, are you ready to blow the candle?” tipid na ngumiti sa akin ang batang nasa wheelchair. Ang cute-cute niya sa suot na teal blue na dress at ang ganda pa ng mga hair accessories na nakalagay sa buhok niya. Mukhang may lahi rin dahil masyadong western ang features niya.
Inayos ang tangkad ng table kung saan nakalagay ang three-layer cake para maabot ni Deena kahit naka-upo siya. Marahang itinulak ng daddy niya ang wheelchair papunta roʼn at nag-simula ring kumanta ng happy birthday ang mga bisita. Nakisabay na rin ako habang bahagyang pumapalakpak.
Nang ihipan niya ang mga kandila ay nag-cheer ang mga tao sa paligid at niyakap naman siya ng daddy niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Alam kong hindi full force ang saya niya dahil hindi siya makatayo, pero mukhang na-a-appreciate niya naman ang birthday party na inihanda para sa kaniya.
Nang matapos ang program kung saan kailangan ako ay pumasok na ako sa loob ng malaking bahay. Nag-sisimula na rin kasing kumain ang mga bisita sa labas. Nang sulyapan ko ang antique na orasang nasa may hindi kalayuan ay nakita kong alas singko na ng hapon. Mahigit tatlong oras ko ring in-entertain ang mga bata.
“Pst.”
“Ay butiki!” napahawak ako sa dibdib at lumingon sa nilalang na tumawag sa akin.
“Where are my chocolates?” ani ng batang inuto ko kanina at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.
Tumikhim ako at bahagyang nag-squat para tapatan siya. “Ilan ba ang gusto mo?”
“You said that youʼre going to give me a bag of chocolates.”
“Sinabi ko 'yon?” kumunot ang noo niya at mas inilapit sa akin ang kamay niyang nakalahad.
“Yes, where is it?”
“Are you going to eat it all?”
“Yes,” tango niya. Patay.
“But your teeth will hurt.”
“I want it.” umayos ako ng tayo at lumingon-lingon sa paligid. Baka mag-tantrums 'to kapag hindi ko binigyan ng chocolate.
“Sige, tara. Pero secret lang natin, ha?”
“Why?”
“Baka magalit ang mommy at daddy kapag kumain ka ng super daming chocolates.” nanlaki ang mga mata niya at mukhang nagulat.
“Why would they get mad? Mamu says that I can eat whatever I want, foods are blessing daw.”
“Really? But chocolates are bad for your health if you eat a lot of them. Your throat will ache, and your teeth will fall off.” mas lalong nanlaki ang mata niya sa narinig. Pinigilan ko ang sariling kurutin ang pisngi niya kahit na ang cute niya.

BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #5: Piece By Piece
RomansaPareho silang masiyahin, parehong maaasahan, parehong laging nandiyan para sa iba, parehong handang harapin ang hamon ng mundo. Para silang sinulid na may parehong kulay, pwedeng pagsamahin, pwedeng itali sa isaʼt-isa kapag ang isaʼy umikli at nag-k...