Ang Follower 4: pulang kahon

4K 234 14
                                    

Tutok na tutok si Elaine sa binabasa kaya hindi niya napansin ang paglapit ni Edwina. Nasa loob siya ng tindahan at walang bumibili kaya nagagawa niyang magbasa. Dalang dala siya sa kwento, panay ang tulo ng luha at panay na panay din ang pagsinghot at ang ginagawang pagpahid sa mukha.

Napakunot ang noo ng bunso sa nakitang pagyugyog ng balikat ng kanyang ate. Dahan dahan itong yumukod at tinignan ang hawak nitong cellphone. Pigil ang pagtawa ng dalaga nang makitang nagbabasa lang pala ang ate niya.

Dahil sa paghagikgik ng nasa likuran ay napaigtad si Elaine. Mabilis na pinahid ang luha sa mga mata at agad na itinago ang hawak na cellphone.

"Kanina ka pa ba diyan?", nahihiyang tanong nito sa bunsong kapatid.

"Sakto lang ate..., kitang kita ko lang naman kung paano ka ngumuyngoy diyan.", sagot ni Edwina pagkasabi ay natawa na ito ng malakas.

Pinagtawanan na rin ni Elaine ang sarili. Ganun talaga ang naturalesa niya. Iiyak kapag nakakaiyak, natatakot kapag katatakutan, tatawa kapag katatawanan kahit pa corny na or napaka simple lang ng joke at napapa angat sa kaba kapag naman suspense or action.

Ganun siya..., ganun lang siya kababaw. Hindi kagaya ng mga kapatid na hindi madali mapahanga at mapasakay. Madalas ay alam na ng mga ito ang ending ng mga pinanonood niya o binabasa. Habang siya ay hangang hanga ang mga ito naman ay panay ang pag criticize. Matatalino kasi ang mga ito. Matatalas ang utak, hindi kagaya ng utak niya na mapurol. Kunswelo na lang niya na pinagbibigyan siya ng bunso nila. Sinasakyan nito ang pagka "baduy" at pagka "bakya" ng taste niya gaya nang madalas sabihin ng dalawa pa niyang nakakabatang kapatid.

Sa naalala ay muling nakadama ng panliliit sa sarili ang dalaga.

"Ate..., na offend ba kita?", nag aalalang tanong ni Edwina nang makitang natilihan ang nakakatandang kapatid.

"Hindi.., di lang ako maka move on sa nabasa ko.", pagsisinungaling ni Elaine. Alam niyang walang masamang ibig sabihin ang pagtatawa nito.

"Alam mo ate, sa office may mga kasamahan din akong nagwa Wattpad kapag break namin. Minsan nga pinagku kwentuhan pa nila ang story na binasa nila eh. Hindi nga lang ako nakaka relate kasi nga di ko naman alam yun. Pero famous siya, ha. Para ka rin daw nagbabasa ng book. May mga na release na nga daw at available na sa mga bookstore. Minsan nga akala ko movie yung pinag uusapan nila. Story pala sa Wattpad, and lately nasa t.v. na rin daw ang ibang story at nagiging movie pa. Balak ko nga din mag download sa mobile phone ko para in din ako! Ang daya mo ate, alam mo na pala yan di ka man lang nagkukwento.", sabi ng bunso na tila nagtatampo.

Napangiti si Elaine. Hindi siya sinasakyan lang ng kapatid upang huwag magdamdam. Alam talaga nito ang tungkol sa bago niyang libangan.

"Nalaman ko lang ito sa bumili nung isang araw. Tapos nagpatulong ako kung paano.", nakangiting paliwanag ng ate sa bunso.

"Bakit hindi mo subukang magsulat din, ate.? Ang alam ko pwede yun eh. Yung kasamahan ko nagsusulat din diyan. Ano nga ba ang ginamit niyang pangalan, yung parang screen name?", sabi ni Edwina. Pagkatapos ay nag isip ito at pilit na inalala ang binanggit.

"Aaah... di ko maalala. Basta yun!", natatawang sabi nito.

"Subukan mo ate, magaling ka sa pag gawa ng mga kwento at tula. Malay mo ma discover ang mga gawa mo at maging book din or maipalabas sa t.v. or maging movie!", excited na sabi uli ni Edwina.

Natawa si Elaine sa suggestion ng kapatid at sa malayo na agad na narating ng isip nito.

"Sa tingin mo ba kaya ko yun?", alanganing tanong niya.

"Oo naman ate! At ako ang magiging number one mong tagahanga. Babasahin ko ang mga isusulat mo at ipamamalita ko sa mga kasamahan ko sa office na writer din ang ate ko sa Wattpad. Tiyak na babasahin din nila ang gawa mo. Ang galing mo kaya sa ganyan, ate.", pagpapalakas sa loob ng kapatid na sabi ni Edwina.

"Hindi ako marunong gumawa ng book cover. At saka baka...", walang tiwala sa sariling sabi ni Elaine na pinutol agad ng bunsong kapatid.

"Hayaan mo ate.., magpapaturo ako sa kasamahan ko tapos ituturo ko sayo. O kaya ako ang taga gawa mo. Tapos ako ang mag e edit bago mo i post.", muling pagpapalakas ni Edwina sa loob ng kanyang ate. Susuportahan niya ito. Hindi man ito nagsasabi ay alam niyang pangarap nito ang maging manunulat. At naniniwala siyang may talento ang ate niya. Malawak ang imahinasyon nito. Kahit ang walis tambo na nakatayo sa gilid ng pintuan nila noon ay nagawan nito ng kwento nang umiiyak siya sa sakit ng ipin na nararamdaman. Natatandaan niya lahat yun. Mas gusto pa niyang pakinggan ang pagkukwento nito kesa sa mga fairytale books nila.

"O sige susubukan ko, tutulungan mo ako ha.", nakangiting sabi ni Elaine sa kapatid na sumang ayon agad at nangako sa kanya.

Nang gabing yon ay hindi na makatulog ang dalaga. Napakadaming naglalaro sa isip niya. Mga istoryang buo na sa kanyang imahinasyon.

Tumayo siya mula sa kamang hinihigan at paluhod na kinuha ang isang kahon sa ilalim nito.
Nangiti siya nang buksan ang may kalakihang kahong kulay pula. Limang kulay pulang notebook ang kinuha niya at binuklat. Nakasulat sa mga pahina ng notebook na yun ang mga tula at mga kwentong naisip niya mula pa noong nag aaral siya ng highschool.

Mga kwento na nabuo niya kapag nag iisa siya. Kapag napagtatawanan siya. Kapag tinukso siya. At kung anu ano pa. Pati ang kwento ng una niyang naging crush at unang sakit na naramdaman nang malamang pinagkatuwaan lang pala siya at pinaglaruan. Diary na imbis na isulat ang nangyari at naranasan ay ginawa niyang isang maikling kwento na nagkaroon ng ending na naaayon sa gusto niyang mangyari. Sa kanyang mga kwento ay siya ang nasusunod. Sa mga kwento niya ay nagagawa niyang labanan ang mga bumu bully sa kanya at siya ang nanalo. Sa mga kwento niya ay nagiging matalino siya, maganda, hinahangaan at pinupuri ng marami. Sa mga kwento niya ay nararating niya ang mga lugar na hindi napupuntahan ng mga kliyente ng Mommy niya. Sa mga kwento niya ay nagagawa niyang maging pinaka mahusay at pinaka magaling higit sa mga kapatid., nagagawa niyang purihin at mahalin ng kanilang mga magulang. Nagagawa niyang maging posible ang mga imposible. Sa mga kwento niya ay sandali lang siya kung umiyak, sandali lang masaktan.

Sa naisip ay napa buntung hininga siya. PAgkatapos ay maingat na ibinalik ang mga notebook sa loob ng kahon katabi ng isa pang kulay puting notebook at muli itong ipina ilalim sa kamang hinihigan.

Muli siyang sumampa sa ibabaw ng kama at nahiga. Hindi na niya namalayan ang paligid.

NAkatulog na ang dalaga na may ngiti sa labi.

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon