Kinabukasan ay kinausap ng inang si Elmira ang dalawang anak na si Errol at Eliah. Katabi ng ginang ang esposong umiinom ng kape.
Narinig nito ang naganap na usapan sa pagitan ng asawa at mga anak kagabi. Hindi lamang siya nagsalita dahil pare pareho silang pagod galing sa trabaho. Hinayaan na muna niyang makapag pahinga ang lahat bago muling pag usapan ang nangyari. Tamang tama naman na nasa palengke ang panganay na anak nang mag usap usap sila.
"Hindi nyo dapat sinabi ang ganun kay Elaine. Wala namang masama sa ginagawa niya. Isa pa, talaga namang magaling siya pagdating sa Sining. Hindi ba at ang ate Elaine ninyo ang nagdo drawing ng mga projects nyo nung elementary kayo? Kapag may mga gagawin kayong mga album at kung anu ano pa ay ang ate rin nyo ang matiyagang gumagawa ng pagdi disenyo? At sa lahat ng iyon ay nakakakuha kayo ng mataas na grades.", pagsesermon at pagpa paalala ng kanilang ina kay Errol at Eliah. Wala namang kibo ang dalawang anak na pinagsasabihan.
"At ikaw din hon, alam kong nag aalala ka lang sa anak mo. Pero mas mararamdaman niya na concern ka lamang sa kanya kaya ka nakakapagsalita ng ganun kung may lambing mong masasabi. Hindi iyong palagi ka na lamang naka angil. Madalang na nga lang tayo magkasama sama tapos ganun pa. Hindi na nga natin nasusuportahan si Elaine sa ginagawa niya tapos ay kinukwestyon nyo pa. Tayo ang pamilya niya at dapat na numero unong nasa likod niya. Hindi ba kayo natutuwa na makita siyang masaya. Maigi pa ang ibang tao na nakakabasa ng mga kwento nya napupuri siya, tapos tayong sariling pamilya niya ay parang wala lang. Wala pa nga sa atin ang nakabasa ng kwento niya, di ba?", muling salita ng ginang.
"Pasensya na Mommy, hindi na mauulit.", sabi ni Errol.
"Sorry, Mommy.", hinging paumanhin din ni Eliah.
"Sana ay magawa nyo ring humingi ng paumanhin sa ate nyo. Ang makita namin kayong nagkakasundo at nagdadamayang magkakapatid ang pinaka maganda ninyong gagawin para sa amin ng inyong Daddy.", sabi ng ginang.
Nang mag tayuan na ang dalawang anak na pinagsabihan ay bahagyang tinapik tapik ni Vicente ang kamay ng esposa.
"I'm sorry, hon. Madalas ay nadadala ko dito sa ating bahay ang init ng ulo mula sa opisina. Tama ang lahat ng sinabi mo.", hinging paumanhin din ng lalaki sa esposang nakangiting tumango.
Mula nang mangyari ang pag uusap na yon ay hindi na nga nagsalita pa ang mga ito ng tungkol sa pagwa Wattpad ni Elaine.
Muli ay naging abala na ang mag anak. Si Elaine naman ay tila nagkaroon ng sariling mundong ginagalawan. Sa mundong siya lamang ang nakakaunawa. Sa loob ng tindahan at sa mundo ng Wattpad. Ang mga istoryang isinusulat niya ay hinahango niya sa sariling emosyon at nararamdaman. Madalas ay naiiyak pa siya habang tinitipa ang ilang kabanata na may drama at nanlalamig naman kapag may kapanapanabik o nakakatakot na eksena. Siya mismo ang nakakaramdam ng mga kwentong isinusulat niya.
"May toyo na nga yata ako, Edwina. Sarili ko ng istorya ay iniiyakan ko pa. Pakiramdam ko ay naroroon ako at ako ang gumaganap. Ewan ko ba!", sabi ni Elaine nang makasama uli sa loob ng tindahan ang kapatid. Wala itong appointment sa labas kaya nakauwi kaagad.
"Kasi nga ate, ang gusto mo maramdaman ng mambabasa ang bawat eksena sa kwento mo. Napapagalaw mo ang imahinasyon ng mga readers. Magaling ka ate, basta gumawa ka lang ng gumawa ng iba't ibang kwento. Malay natin baka may publishing company na maka notice ng mga story mo at gawing book. O di ba?! ", positibong sabi ni Edwina. Kung pumayag lamang ang ate niya sa sinabi niyang siya ang magpa publish ng mga gawa nito ay ginawa na niya. Ngunit ayaw nito. Gusto nitong sa sariling panahon maganap ang ganun. Ang mapansin ng iba ang talentong meron ito. Gusto ng ate niyang may mapatunayan sa sarili. Kung wala man ay tatanggapin nitong hanggang doon lang ang kakayanan. Mas gusto nitong sa sariling sikap matupad ang pangarap.
Si Edwina na ang tumatayo at nagbebenta sa mga bumibili. Hinayaan nitong makapagsulat ang kapatid at kung may hindi alam ay nagtatanong na lamang.
Nang magbukas ng wifi si Elaine upang mag publish ng dalawang chapter na natapos ay sunud sunod ang naging pagtunog ng cellphone nito.
Napakatamis ng pagkakangiti ng dalaga habang binabasa ang notification at mailbox nito.
Hindi nakatiis si Edwina..., lumapit ito kay Elaine at nakiusyoso.
"Wow, ate! Ang dami mo ng followers. At ang mga votes at reads mo.., ang dami na!", hangang hangang sabi ni Edwina.
Masayang masaya naman si Elaine habang nire replayan ang mga readers na nagbigay ng panahong basahin ang kanyang mga kwento. Nawala ang pagod at pangangalay na nararamdaman niya. Nasulit ang pagpupuyat niya sa magagandang komento ng mga sumusubaybay sa kanya. Masayang pakiramdam at self fullfilment na hindi naiintindihan ng iba.
Mahal niya ang mga taga subaybay niya. Sa mga ito niya naramdaman na magaling siya. Ang mga papuri ng mga taong hindi niya kilala ay katumbas na ng hinahanap na kabayaran ng kanyang ama.
Ang walang sawang pagtangkilik ng mga tagahanga niya ay katumbas na ng kasikatang kinukwestiyon ni Eliah.
Ang mga smiley at mga wishes ng mga naniniwala sa kanya ay daig pa ang biogesic na sinasabi ni Errol upang maalis ang sakit ng balikat at batok na nararamdaman niya.
Masaya na siya.., kuntento na siya.
Ngunit hindi lahat ng comment ay nakapag pangiti sa kanya. Hindi lahat ay pumupuri sa gawa niya...
ang bagal ng istorya!
ano ba yan! bakit hindi pa ituloy? Bitin na naman! , :-(
hindi naman nakakatakot, horror ba to?!
Tila blade na humiwa sa laman niya ang negatibong komento ng mambabasa. Hindi siya nagpahalata na nasaktan.
"Grabe naman ang mga reader na yan! Kung hindi nila gusto ang binabasa nila eh di huminto sila sa pagbabasa! Kailangan pa bang mag komento sila ng ganyan?! Walang kunsiderasyon! Nagpapakahirap ang writer na mag isip at magsulat ng kwento kahit walang bayad na nakukuha tapos ganyan pa ang sasabihin nila!", pikon na pikong sabi ni Edwina. Nakadama ito ng awa para sa kapatid.
"Ano ka ba, kasama talaga ang ganyan. Hindi naman lahat ng nagbasa ay nagustuhan ang gawa ko. Okey lang yan... Ite take ko sila bilang hamon upang mapaghusay ko pa ang ginagawa ko. Isipin na lang natin na constructive ang komento nila para mas maging aware ako sa mga gusto ng readers. Okey lang ako, huwag ka na magalit.'', nakangiti niyang sabi sa kapatid kahit na nga sobrang nasaktan sa komentong iyon.
Magsasalita pa sana si Edwina nang muling tumunog ng ilang ulit ang hawak na cellphone ni Elaine.
Nangiti si Elaine nang mabasa ang mga bagong comment. Mga komentong nagtatanggol at nagpapalakas ng kanyang loob. Mga tagasubaybay niyang naniniwala at humahanga sa kakaibang estilo niya sa pag gawa ng kwento.
Napangiti si Elaine..,
"Maraming maraming salamat sa inyong lahat!", naibulong niya.
Hatinggabi na.. Sarado na ang tindahan niya at nakahiga na siya sa kama nang maisipang muling tignan ang mga gawa niya. Ilang beses muling tumunog ang cellphone niyang hawak nang i on niya ang Wifi.
At isang mensahe ang nakapukaw sa kanyang mga mata.
@redboxE, huwag ka sanang magpa apekto sa mga di magandang comment nila sa mga story mo. Silent reader lang sana ako pero di ko matiis na di mag message sau, nag alala kasi ako na baka nasaktan ka. Kamusta ka na ngaun? Okey ka na sana.
Natigilan si Elaine.., ramdam niya ang sincerity ng mensaheng iyon. Tila mainit na palad na humaplos sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Misteryo sa Wattpad
TerrorIsa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pi...