Ang Follower 2: Kasalukuyan

4.4K 254 18
                                    

"Ayan..., ate! Ang ganda ganda na ng tindahan mo. Pati ang kulay, pasok sa banga!", nasisiyahang puri ni Edwina.

Napangiti rin si Elaine sa nakikita. Pinaayos ng mga magulang nila ang isang bakanteng espasyo sa harapan ng kanilang bahay. Tapat kalsada ang pwesto kaya akmang akma para maging tindahan niya.

Naalala ng dalaga ang naging pag uusap nilang mag anak bago nabuo ang tindahan na tinitignan niya.

Naghahapunan sila nang magsabi siya.....

"Gusto mong magtrabaho? Anong trabaho naman ang mapapasukan mo? Panginoon kong Diyos, Elaine. Alam mo bang yung mga nakapagtapos pa nga ng pag aaral ay walang makitang matinong trabaho, ikaw pa kaya? Hindi ganun kadali ang sinasabi mo. May maayos namang trabaho ang mga kapatid mo, ganun din kami ng Mommy mo. Kahit hindi ka mamasukan ay kakain ka pa rin at hindi mawawalan ng panggastos. Dumito ka na lamang sa bahay at samahan si manang. Mas mapapanatag pa kaming lahat.", sabi ng kanyang ama.

"Tama ang Daddy, ate. At saka anong trabaho, factory worker?", nakaismid na tanong ni Errol.

"Oo nga.., kadiri ka ate! Kami puro nag o office tapos ikaw.., daah!", maarteng sabi ni Eliah. Naka angat pa ang isang kilay nito.

"Gusto ko lang din naman kumita ng sarili kong pera, Daddy. Naiinip na ako dito sa bahay. Ang alam ko ay walang dapat ikahiya ang isang tao kung mababa man ang uri ng kanyang hanapbuhay. Ang importante ay marangal ito at hindi nagnanakaw.", magalang na paliwanag niya sa ama. Hindi pinansin ang dalawang kapatid na dumi discourage sa kanilang Daddy upang sang ayunan ang plano niyang gawin.

"May point din ang Daddy at ang mga kapatid mo, Elaine. Ikaw lang din ang inaalala namin. Masyado kang mahihirapan. Alam mo namang mahina ang resistenya mo. Paano kung magkasakit ka? Baka kulangin pa ang kikitain mo sa pagpapagamot kung sakali. Mag isip ka na lang ng iba.", sabi ng kanyang ina.

"Sige Mommy mag iisip na lang ako ng iba.", malungkot niyang sabi. Apat na agad ang hindi sang ayon sa plano niyang gawin.

"Magtindahan ka na lang, ate!", nakangiting sabat ni Edwina. Pilit na pinasisigla ang papalungkot na sandaling iyon. Nahabag sa panlulumong nakita sa nakatatandang kapatid. Hindi rin ito sang ayon na magtrabaho ang ate at mahirapan. Kaya mabilis na nag isip ng ibang paraan.

Napahinto sa pagsubo si Errol at Eliah. Natigilan din ang mga magulang nila.

"Ayos yun, ate! Kumikita ka na.., ikaw pa ang boss! Ikaw ang masusunod. Kapag pagod ka na ay pwede kang magsarado at magpahinga. Nandito ka pa sa bahay!", sabi pa rin ng bunso na nakapag pangiti kay Elaine.

"Sounds a good idea!", nakangiting pagsang ayon ng kanilang ina. Tumango tango rin ang kanilang ama.

"Pero baka malugi lang ang ate, Daddy. Kailangan marunong siyang mag check and balance. Negosyo pa rin ang tindahan. Baka hindi niya makaya ang ganun.", protesta ni Errol.

"Oo nga, baka utu utuin lang si ate ng mga kapitbahay. Bibili sa umpisa tapos bobola bolahin para makautang. At kapag malaki na ang nakuha ay hindi na magpapakita. Ubos ang paninda wala namang benta! Malulugi lang si ate.", sabi naman ni Eliah.

Hindi na niya napigil ang inis sa dalawang panay ang kontra.

"May isip din naman ako. Hindi nga lang kasing talas ng isip nyo. May calculator naman at marunong akong gamitin yon. Marunong din naman ako magkwenta hindi nga lang kasing galing nyo.", sagot niya sa tonong pikang pika na.

Pagkatapos ay isang nanunukat na tingin ang ipinukol sa dalawang masyadong mataas ang tingin sa sarili. Kung wala lamang sila sa harapan ng grasya ng Diyos ay inaway na niya ang dalawang nakakabatang kapatid na nagmamaliit sa kanya.

"Anong masasabi mo sa sinasabi ni Edwina, Elaine? Kaya mo ba ang magtindahan?", tanong ng kanilang ama. Paraan nito ang maotoridad na boses upang sawayin ang mga anak.

"Kaya ni ate yon! Tutulungan kita ate. Kapag wala akong pasok sasamahan kitang magtinda!", excited na sabi ng bunso. Sinisikap na palamigin ang usapang nag uumpisa nang uminit. Binalewala nito ang matalim na tinging ipinukol ng kuya at ng isa pang ate.

"Papahiramin ka namin ng Mommy mo ng puhunan. Palaguin mo, at kapag maayos na ang sales mo saka mo kami hulug hulugan.", sabi ng kanilang ama na mabilis na sinang ayunan ng kanilang ina.

"Yes! Mag i invest din ako sa business mo, ate. Galingan mo, ha. Malay mo ang tindahan mo ngayon.., grocery na in the future!", positibong sabi ni Edwina.

/~ ~ /~ ~ / ~ ~ /

"Ate..? Ate!", malakas na boses ni Edwina at pagyugyog sa balikat niya ang nagpabalik sa kanyang wisyo.

"Ha! Ah.., oo. Ang ganda nga at ang linis tignan!", nakangiti niyang sabi.

Yumakap sa bewang niya ang bunsong kapatid.

"Mamili na tayo, ate. Sasamahan kita.", aya nito.

"Nakakapagod ang mamili. Marami ang kailangan natin para mapuno itong tindahan. Imbis na ipapahinga mo ay sasama ka pa.", pang di discourage niya sa kapatid.

"Okey lang ate, basta pakainin mo ako ng pizza ha..", lambing ni Edwina.

"Oo pero regular lang ha, wala pa akong tubo eh.", sagot niya. Lihim na nangingiti sa parang bata pa rin na kapatid.

"Waaah! Ang kunat naman ng ate ko! Pero may pineapple juice?", nakangiting tanong uli ng bunso.

"Deal!", nakangiting sagot niya.

Nagtatawanan pa silang dalawa nang pumasok na sa loob ng bahay. Ang panganay at ang bunso, kapwa masaya sa negosyong inuumpisahan na nila ngayon.

Habang nagpapahinga ay nagresearch na sila nang mga supermarket na may wholesale section. Kung saan may mas mura, kung ano ang madalas bilhin ng mga consumer at kung magkano ang dapat ipatong na tubo sa bawat produkto. At pagkatapos ay naghanda na para umalis.

Nang makapamili ay magkatuwang pa rin ang panganay at bunso sa pagsasalansan ng mga paninda. Masiglang pareho at panay ang biruan. Gabi na ay hindi pa sila natatapos mag ayos.

Sinaway na ni Elaine ang kapatid. Ayaw pa sana nitong iwanan siya ngunit pinilit na niya itong magpahinga.

"May pasok ka na bukas, sige na mauna ka na matulog. Ako na muna ang bahala dito.", sabi ni Elaine.

"Eh ikaw, ate?", naghihikab na tanong ni Edwina.

"Titignan ko kung hanggang saan ang kaya ko. Kapag inantok na ako ay papanik na din ako. Huwag mo akong alalahanin. Pwede akong matulog mamaya. Sige na, pumanik ka na.", nakangiting taboy ng ate sa bunso.

"Goodnight, ate!", paalam ni Edwina.

"Goodnight!", sagot naman niya.

Dahil pursigido sa gustong magawa ay hindi na namalayan ng dalaga ang paglipas ng oras. Naghahanda na ng lulutuing almusal ang kanilang kasambahay nang makatapos siya sa ginagawa.

Nasisiyahang tinignan niya ang buong paligid ng tindahan. Ang apat na sulok nito. Ang bagong mundo para sa kanya. Hindi na siya aasa na lamang at maghihintay abutan. May hanapbuhay na siya. Hindi na inutil ang tingin niya sa sarili.

"Matutulog lang ako sandali at pagkatapos ay pupuntahan ko na ang kausap ko sa junkshop para sa mga basyong de bote. Sayang ang ide deposito ko kung wala akong basyo. Mas mura doon. Tapos ay oorder na ako ng mga de bote para mailagay na sa ref. Didiretso na rin ako sa kausap ko sa bigasan. Magpapa deliver na rin ako kahit ilang cavan lang. Gusto ko lahat ng hahanapin ng costumer ay nasa tindahan ko. Yung ibang wala pa ay ililista ko na lang at saka ko bibilhin.", bulong niya.

Matapos maihanda ang lahat ng kakailanganin ay nagdaan sa simbahan si Elaine at taimtim na nanalangin. Humingi ng patnubay sa Diyos upang patnubayan ang kanyang negosyo.

ELAINE'S SARI-SARI .., napangiti siya habang binabasa ang karatulang nasa gawing bubungan ng kanyang tindahan.

Pagsisikapan niyang mapalago ang negosyong pinagkatiwala ng mga magulang sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang hindi mauwi lang sa wala ang puhunang ipinahiram ng mga ito sa kanya.

Gagalingan niya upang hindi mapahiya ang bunsong kapatid na naniniwala sa kanya.

At patutunayan niya sa dalawa pang kapatid na magagawa niya rin mapaghusay ang sarili sa simpleng pangarap na sisikapin niyang makamit.

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon