Ud na po miss redboxE
Update na po pliiiis.. hehe
Miss author ud na po.. ^o^
Update pliiith..
Sira po yata ang cp ko miss redboxE.. wala ka pang udate.. ud po pls..
Maysakit ka po ba ate? Sana po okey ka lang. Antay na lang po ako na makapag update ka, ate.
how r u, miss Author?
Mga mensaheng nakita ni Elaine sa notification niya. Isang hungkag na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
Ilang araw na siyang hindi nakakapagsulat. Ang totoo ay sinusubukan niya. Magta type siya at buburahin lang naman pagkatapos. Wala siyang mabuong kwento. Puro hungkag. Para siyang baterya na na drain at kahit anong pilit niya ay walang magandang ideyang pumapasok sa utak niya. Naging parang purong puti lamang ang dahon ng kanyang imahinasyon. Nag uulap ang tingin niya at hindi magawang palinawin ang dati naman ay maayos na nalalakbay ng kanyang malikot na isipan.
Hanggang sa piliin na niyang ilatag ang katawang tila pagal na pagal. Nag aagaw antok na siya nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya ito pinansin. Palalim na ang kanyang antok. Patulog na siya.
Blag!
Mahina lamang ang tunog ng nalaglag na kung ano ngunit nakapag paigtad na sa kanya.
Napatingin siya sa lapag at nakita ang cellphone na nalaglag.
"Nakatulog na pala ako.", nasabi niya habang patamad na dinadampot ang cellphone na nahulog sa sahig. Papikit na uli siya nang makaramdam ng panunubig.
"Kung kelan ka naman patulog na at saka ka pa maiihi!", reklamo niya sa sarili. Padarag siyang naglakad palabas ng silid at pumunta sa comfort room. Nakapikit pa rin siya nang umihi upang hindi mawala ang antok na nararamdaman. Kapag kasi nagising siya ay nahihirapan na siyang makatulog uli.
Matapos makaihi ay naglakad na siya pabalik sa sariling silid. Bahagya pa rin siyang nakapikit. Hindi napansin na kapos ang ginawang pagkalkula sa pinto na papasukin. Nabunggo siya sa hamba nito.
"Aah!", daing niya sabay hawak sa mukha. Nagising na ng tuluyan ang kanyang diwa.
Hinihimas pa niya ang bahagi ng mukha na nasaktan nang maupo sa gilid ng kama. Bahagya siyang nagulat nang tumunog ang cellphone na katabi niya. Wala sa loob na tinignan niya ang screen nito.
"Hindi ko pala nai turn off ang wifi.", bulong niya habang panay pa rin ang paghimas sa noo.
Nang makitang may mensahe sa inbox ay tuluyang nawala ang antok niya. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at biglang kinabahan. Bahagya ring kuminig ang kanyang kamay. Pigil ang hininga niya nang banayad na diinan ng kanang hinlalaki ang hugis sobre sa screen ng cellphone na hawak. Galing kay Marlon.
Hello, Elaine! It's been a while.., right? I miss your stories and I miss talking to you. Ngayon na lang uli ako nakahawak ng laptop.., pasensiya ka na sana sa akin. Natagalan kasi ako sa lugar na pinuntahan ko na walang internet..haha..
Ang ganda mo pala! Mukha kang anghel. Nahiya akong bigla sa itsura ko. Ako kasi mukhang kalansay na... Hehe..
Siguro tulog ka na..
Goodnight.....Napangiti si Elaine sa tatlong mensaheng nabasa. Hindi namalayan ang mainit na luhang naglalandas na pala sa magkabila niyang pisngi.
"Oh, God! Ano ang gagawin ko?", naitanong niya. Nagtatalo ang kanyang isip at ang pusong lalong bumilis sa pagtibok.
"Huwag kang magpadala sa matamis niyang mensahe! Wala na naman sigurong magawa yan kaya ikaw ang pinagti tripan! Tignan mo nga ang oras! Alas dose na ng hatinggabi! Kaydami daming oras kanina ay hindi niya nagawang i message ka at kung kelan dapat ay natutulog ka na at saka siya magme message ng ganyan! Kapag sinagot mo yan, iisipin niyan na inaabangan mo talaga siya! Pagtatawanan ka naman niya kapag nagreply ka! Huwag kang hangal, Elaine! Bigyan mo naman ng mataas na kalidad ang iyong pagiging babae! Huwag kang makisali sa laro niyang Marlon na yan! Hindi ka pa nga nakaka recover ay ayan ka na naman! Magtigil ka nga!", sabi ng kanyang utak.
"Sinabi naman niya kung bakit hindi siya nakapag message uli sayo, di ba? Siya man ang naging dahilan ng ilang araw mong kalungkutan ay siya rin naman ang pinanggagalingan ng kaligayahang nararamdaman mo ngayon. Ang tagal mong naghintay sa message niya tapos ngayong hayan na ay hindi ka pa magre reply? Hindi ba nararamdaman mo naman ang sincerity sa mensahe niya? Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataong makalapit sayo? Maging magkaibigan man lang kayo. Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari. Pag aaksayahan ka ba niya ng oras kung hindi siya interesado na makilala ka pa ng lubusan at ganun din naman na makilala mo siya? Bakit mo iintindihin ang sasabihin ng iba, napapasaya ka ba nila ng ganyan? Bakit mo katatakutan ang wala pa? Masaktan ka man at mabigo atleast sinubukan mo! Wala kang pagsisihan kung sakali!", bulong naman ng kanyang puso.
Naipilig niya ang ulo. At isang buntunghininga ang pinawalan bago nagdesisyong sundin ang isa sa dalawa.
At walang nagawa si utak. Si puso ang kanyang pinakinggan...
BINABASA MO ANG
Misteryo sa Wattpad
HorreurIsa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pi...