Ang follower 13: patawarin mo ako

2.7K 197 5
                                    

Pinili na lamang ni Elaine na ilihim ang muling pagme mensahe sa kanya ni Marlon. Ayaw na niyang muling mapahiya pa sa kapatid na palaging nagtatanggol sa kanya. Ayaw na niyang pati ito ay maapektuhan nang sakit ng kalooban na mararamdaman niya kung sakali.

Naging masigla na nga si Elaine. Muling nagkaroon ng matitingkad na kulay ang kanyang paligid. Nagpalitan na sila ng facebook account ng binata na gaya rin niya ay limited lamang ang impormasyon at mga larawan. Wala naman silang hinahanap pa sa isa't isa. Hindi siya nagtatanong ng iba pang bagay maliban na lamang kung kusa nitong ikukwento sa kanya. Ganun din naman ito sa kanya. Hindi rin nito hinahalukay ang buhay niya.

"Mas okey para sa akin ang hindi maging sobrang open sa kanya. Siguro ay ganun din siya. Baka kagaya ko ay may mga bagay din siyang pinanatiling pribado. Kunsabagay mas maganda rin yung may kaunting pa mistery effect. Kung saka sakaling sa wala mauuwi ang lahat ay hindi masyadong masakit.", pagpapalubag niya sa sarili.

Naging madalas ang pagtatawagan at pagcha chat nilang dalawa ni Marlon. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi sila nagkakausap. Naging bahagi na ng pang araw araw niya ang kausap o ka chat ang binata. Pakiramdam niya ay kasama niya ito at katabi. Umaga, tanghali at maging sa gabi.

Lalong lumalim ang pagkakaibigan nila nang mapagkasuduang mag skype. Nalaman niya ang kasagutan sa kanyang isip na mahigpit na tumutol sa bulong ng kanyang puso at damdamin.

"Kaya pala siya biglang nawala at hindi na nakapag message sa akin. Nagkasakit pala siya at naospital. Siya pala yung lalaking nakasabay ko sa elevator nung atakihin si Daddy. Mabuti na lang at nakalabas na siya ngayon sa hospital. Sana ay madali siyang lumakas. Totoo pala lahat ng sinasabi niya. Mali palang lahat ang inakala kong dahilan kung bakit hindi siya nakakapag message. Oh! Marlon, I'm sorry sa mga naiisip kong hindi maganda sa iyo. Sana ay lumakas ka agad. Ang payat mo na eh, kaya pala madalas mong tawaging kalansay ang iyong sarili. Mali ka, Marlon. Para sa akin ay ikaw pa rin ang Mel Gibson ko. Hindi magiging dahilan ang pagbabago ng iyong itsura upang may magbago sa nararamdaman ko para sayo. Lalo na ngayong alam ko na ang totoo. Alam ko nang hindi mo lang ako pinagti tripan. Kung maaari nga lang ay ako mismo ang mag aalaga sa iyo. Magpalakas ka agad, braveheart! Upang magkita na tayo ng personal. Nasasabik na akong makasama ka. Hihintayin ko ang araw na pinangako mong pagkikita natin. Sana ay mangyari agad ang araw na yon.", tapat sa loob na sabi niya.

*****************
"Syempre! Kapag gumanda ang pakiramdam mo ay maaari kang pumunta sa lugar na gusto mo para magkita na kayo ni miss Author mo.", nakangiting sabi ng nurse sa binatang nakaupo. Nasisiyahan itong makitang palaging masaya at masigla ang alaga. Maging ang ina nito ay nakikiayon at nakikitukso rin. Ang tuwa at ang mga ngiti sa labi ng binata ay higit na ligaya ang hatid sa kanila.

Ang pagbibida nito sa hinahangaang manunulat ay matiyaga nilang pinakikinggan kahit pa nga paulit ulit na nila itong narinig mula sa binata. Ang kasiyahan ng inaalagaan na naibibigay ng dalaga ay ipinagpapasalamat nilang pareho.

Dahil sa mga kwentong isinusulat at sa mainit na pagtanggap nito sa kalagayan ng binatang pinakamamahal nila ay hindi naging kabagot bagot ang pananatili nito sa loob ng sariling silid. Malaking tulong ang pakikipag usap ng manunulat sa binatang maysakit. Ito lamang ang nais na kausap ng binata. Ayaw nitong tumanggap ng bisita. Ayaw nitong kinaaawaan. Tanging ang dalagang manunulat lamang ang hinayaan nitong makakita sa itsura niya. Kay Elaine lang ito naniniwalang hindi siya kakaiba. Nagagawa ng manunulat na maging maganda ang paligid na ginagalawan ng binata. Nagagawa nitong maging malakas at makatawa ng malulutong kapag ito ang kausap. Ang dalaga lamang ang nakakapagdala sa binata sa lugar kung saan walang pangit, sa lugar na walang nadaramang masakit, sa lugar na puno ng masasayang tanawin.

"Maraming salamat miss Elaine sa kaligayahan at kalakasang idinudulot mo sa aking anak. Bilang ina ay taos puso akong nagpapasalamat sa iyo. At bilang babae ay nais kong humingi ng tawad sa nangyayaring ito. Kahit alam kong masasaktan ka lamang sa oras na mahulog ang iyong loob sa aking anak ay wala akong ginagawa upang ipaalam sa iyong hindi na magtatagal ang kanyang buhay. Alam kong I am so unfair, ngunit ikaw ang nakakapagpasaya sa kanya. Kung malalaman mo at pagkaraan ay iiwasan mo na ang aking anak ay alam kong hindi niya kakayanin. Magiging napakalungkot ng mga araw na ilalagi niya sa piling ko. Patawarin mo sana ako, miss Elaine. Makasarili ang inang ito.", bulong ng ginang sa sarili habang nakatingin sa anak na panay ang masayang pagkukwento tungkol sa istoryang nabasa na isinulat ni redboxE.

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon