Nakatingin pa rin si Lyra sa kuha ng kanyang cellphone at sasalit ng tingin sa nag iingay na mga kapitbahay. Nakatanaw siya sa malayo hanggang sa maramdamang parang humiwalay na siya sa karamihan.
Biglang bigla ay naging mag isa na lamang siya at napaka tahimik sa kanyang kinaroroonan. Nakakapag isip siyang mabuti. Kung paano niya uumpisahang isulat ang mga nangyayari.
Mula sa katahimikang pinuntahan ng imahinasyon ay muling siyang nagbalik sa totoo.
Narinig niya uli ang pagkakaingay sa paligid.
"Tama!", bigla niyang sabi. Nagmamadali siyang naghanap ng ballpen o kahit anong magagamit na panulat at pagkatapos ay maliksi rin niyang binaklas ang mga kaha ng sigarilyo na walang laman at ang palara nun ang ginamit upang sulatan.
Tinignan niya ang oras sa suot niyang relos at agad na isinulat. Inilinga rin niya ang mata sa paligid. Tinignan kung sinu sino ang mga kakilalang kapitbahay na naroroon at isinulat sa hawak na papel. At pagkatapos ay tila isang reporter na pinagsusulat ang detalye at palitan ng mga salita ni Mang Hesus, ng asawa nito at mga anak.
Maya maya pa at nakarinig siya ng ugong ng motor. Lulan ng baranggay motorcycle patrol ang kagawad at ilang tanod.
Muli niyang isinulat ang naririnig na palitan ng mga salita. Parang text ang ginawa niyang paraan sa pagsulat upang makuha ang pinaka laman o importanteng mensaheng nakapaloob sa mga sinasabi ng mga characters na siya rin mismong gagamitin niya sa pagbuo ng isang kabanata. Palibhasa ay madalas niyang gawin ang ganun kapag naglelecture ang kanilang guro kung kaya nakasanayan na niya ang mabilis na pamamaraan.
"Huwag nyo na po ikulong ang asawa ko, kagawad. Ganyan lang po talaga siya kapag nalalasing. Paano na ang mga anak namin kapag nakulong siya? Sa kanya lang kami umaasa. Parang awa nyo na po, huwag nyo na pong dalhin ang asawa ko.", umiiyak na pakiusap ng asawa ni Mang Hesus. Naglapitan din ang mga anak nito at nag iiyakang nagsiakap sa lalaking biglang naging maamo ang mukha.
Ilang sandali pa at natahimik na sa looban. Nagkanya kanyang uwian na rin ang mga magkakapitbahay. May kanya kanyang saloobin hinggil sa napanood na eksena ng mag asawa. May naaawa ngunit lamang ang nagagalit. Hindi lang kay Mang Hesus.., pati rin sa asawa nitong tinawag nilang martir.
Nakaismid na umiiling iling si Wilma.
"Hindi lang si Mang Hesus ang may diprensya. Sa tingin ko ay may tama rin ang utak ng asawa niya. Parang nag eenjoy na siya sa pananakit ng magaling niyang asawa. Kung gugustuhin niya ay kaya naman niyang buhayin ang kanyang mga anak kahit mag isa lamang. Magtinda tinda lang siya o kaya ay tumanggap ng labada ay makakaraos na sila. Pero mas pinipili pa niya ang makisama sa asawa niya at ilagay ang mga anak sa peligro at panganib twing mananakit ang tatay nila. Hindi na ako magtataka kung magka trauma ang mga anak nila at magkaroon ng hindi magandang epekto sa kanilang paglaki ang nararanasan at nakikitang karahasan ng kanilang tatay na titanggap lang ng kanilang nanay. May batas para protektahan ang kanilang mga karapatan. Ang dapat diyan kay Mang Hesus ay ikulong! Doon sa mga kagaya niyang halang ang kaluluwa ay tiyak na may paglalagyan siya. Tignan ko lang kung mailabas pa niya ang kanyang tapang! Hindi yong isang babae at mga paslit na walang kakayanang lumaban ang pinapatulan niya! Ganyan ba talaga ang pag ibig? Bakit nagtitiis ang mga babae na minamaltrato at inaabuso ng mga asawa nila? Pagmamahal pa rin ba ang tawag dun o katangahan? Ano ang kanilang dahilan? Para sa pagkakaroon ng matatawag na buong pamilyang may tatay at nanay na kasama ng mga anak? Sadyang mahihina ba ang mga misis ng tahanan? Dahil ba pinakakain lamang ng mga asawa nila kaya sunud sunuran lamang at parang mga alipin sa pagsisilbi? Alilang walang sweldo at gagamiting parausan kapag nanaisin?"
Lahat ng nararamdaman at nilalaman ng isipan niya ay itinayp niya sa hawak na cellphone matapos ang mga pangyayaring kanyang nasaksihan. Parang isang bukal na patuloy sa pag agas ang mga ideya. Tuluy tuloy ang pag gana ng kanyang isip. Maging ang mga salitang makabuluhan ay dire diretso niyang naitatayp. Patuloy sa pagbalong ang mga pananalitang bagama't bata pa sa kanyang edad ay para bang matanda na kung gumawa ng mga salitang magkakatugma at may saysay.
Napangiti si Wilma matapos makita ang katatapos lang na nagawa.
Dinobol check niya ang nagawang draft. Humanga siya sa sarili matapos mabasa ang unang kabanatang nalikha.
"Umaga pa lang ay may nagawa na akong pangyayari. Mamaya ay tiyak na may magaganap pa kaya waiting pa muna, Wilma. May pangtanghali, panghapon at panggabi pa. Bago ka matulog mamaya ay saka mo i publish ang mga nagawa mo.", natatawang sabi niya sa sarili.
Habang naghihintay kung may bibili at sa inang nagpaalam na maniningil ng pautang ay iginala gala niya uli ang paningin.
Natanawan niya ang ilang kapitbahay na nagkaupo sa isang gilid malapit sa kalsada.
Tantiya niya ay may pinagchichismisan na naman ang mga iyon. Nanghahaba ang mga nguso at ang reaksyon ng mukha ay paiba iba. Paminsan minsan ay tumitingin tingin pa sa kaliwa't kanan. Hula niya ay nanininuguro ang mga ito na walang ibang makakarinig sa kung sino o anong pinag uusapan nila. At pagkatapos ay malakas na tawanan ang pinawawalan.
Malayo sa kanya ang mga nagkukwentuhan kaya hindi niya naririnig kung ano at sino ang topic. Kinuha niya ang cellphone at nilitratuhan ang mga kapitbahay na nagtatawanan. Gagamitin niya ang nakukuhang litrato sa kabanatang gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Misteryo sa Wattpad
HorrorIsa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pi...