Ang Author 18: poot sa ngiti

2K 150 8
                                    

Masamang masama ang loob ni Wilma. Halos magliyab sa tindi ng poot ang kanyang mga mata. Titig na titig siya sa harapan ng salaming nasa loob ng comfort room ng eskwelahan. Bagama't ang sariling repleksyon ang nakikita ay mukha ng gurong si Mrs. Avendan ang ang nasa utak niya. Tumulo ang kanyang luha. Luhang naglalaman ng napakaraming pagdaramdam bunga ng madalas na pagkapahiya at insultong ginagawa ng guro sa kanya.

"Sumosobra ka na Mrs. Avendan! Masyado mong hinahamak ang aking pagkatao! Hindi na kita mapagbibigyan pa. Mamaya pag uwi ko ay malalaman ko kung tama nga ang hinala ko. Oras na magkatotoo nga ang ginawa kong mangyayari ay sisingilin kita! Pagbabayaran mo ang lahat ng pang aaping ginawa mo sa akin! Magbabayad ka!", nagngingitngit niyang pangako sa harap ng salamin.

Bago lumabas ay inayos muna ni Wilma ang sarili. Hinilamusan niya ang mukha upang maitago ang pamumula ng mata dahil sa pag iyak.

Ilang sandali pa at lumabas na siya mula sa banyo at nagtuloy sa kinaroroonan ng kaibigan.

"Bakla, okey ka na ba?", tanong ni Nica na bahagyang tinanguan ni Wilma. Hindi na nag urirat pa si Nica. Iginalang ang pananahimik ng kaibigan. Kahit pilit nitong itinatago ang pag iyak ay alam niyang hindi na nagawa pang pigilan ni Wilma ang sarili. Ang bahagyang pamumugto ng mga mata nito ang ebidensiyang nag iiyak ang kaibigan niya sa loob ng banyo.

Naglakad na ang dalawa papanik ng hagdanan nang matanaw ang grupo nila Lyra sa gawing gilid. Pagdating nila ay nagtawanan ang mga ito. Agad na nag init ang punong tenga ni Nica. Akmang pasugod ito nang pigilan ni Wilma.

"Huwag mo na sila pansinin, Nica. Hayaan mo na lang sila ngayon sa gusto nilang gawin. Hindi sa lahat ng araw ay magagawa nila ang ganyan.", malaman at may pakahulugang sabi ni Wilma.

"Mga impaktang yan! Ipapakita ko lang sa kanila ang pagiging mangkukulam ko!", gigil na gigil na sabi ni Nica.

"Tama na! Huwag mong ipahamak ang sarili mo sa kanila. Hayaan nating sila ang magpahamak sa sarili nila.", matalinghagang sabi uli ni Wilma na hindi napansin ni Nica.

Nagpapigil na nga si Nica. Naisip din nitong lalabas na naiinggit ang kaibigan at kung gagawa siya ng eksena ay madadamay itong tiyak. Ayaw na ni Wilmang maulit ang pagpunta sa Guidance Office kaya itinuloy na lang nila ang pagpanik habang parehong nagtitimpi ng galit.

Natapos ang oras ng klase. Halos liparin ni Wilma ang pag uwi sa bahay. Pagdating na pagdating ay humahangos siyang dumiretso sa loob ng tindahan ng ina.

"Nandiyan ka na pala, Wilma! Alam mo ba, anak?! Nagbayad ang lahat ng may utang sa akin kaninang umaga! Pati ang kumare ko na muntik ko na makaaway ay nagpunta dito kanina. Nag sorry pa sa akin! Mantakin mo yun! Kaya hayan, tignan mo! Ang dami at puno na ng paninda ang tindahan ko!", masayang masayang pagbibida ng ina sa anak na tigalgal na inililibot sa loob ng tindahan ang paningin.

"Totoo nga! Nagkatotoo ang isinulat ko kagabi! Nabayaran nga ang lahat ng pautang ng inay at napuno ng maraming paninda ang tindahan niya! Nung una.., ang sa itay at ngayon ay ang sa inay namang kwento ang nagkatotoo!", manghang mangha at tuwang tuwang sabi niya sa sarili.

"Hindi ka rin makapaniwala ano? Hindi ko nga rin maintindihan kung ano ang nangyari at lahat ng mga mangungutang ko ay nagbayad! Parang may nangyaring himala!", ngiting ngiting sabi ng inay ni Wilma. Inakala nitong ang nakikitang ekspresyon sa mukha ng anak ay kagaya ng nararamdaman niya.

"Natutuwa ako para sa iyo inay. Huwag ka na lang sana magpautang uli, hindi palaging may himalang mangyayari para sa tindahan mo.", seryosong sabi ni Wilma.

"Opo! O siya sige na, magpalit ka na ng damit at kumain ka na. Naglaga ako ng baka, initin mo na muna bago ka magbihis. Kataon na ang init nun pagkatapos mo.", nakangiting taboy ng inay niya sa kanya.

Makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Wilma pagtalikod sa masiglang masiglang ina.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng kanyang silid. Pagkahagis ng bag sa ibabaw ng kama ay agad niyang kinuha ang cellphone sa loob ng kahon ng kanyang drawer.

Gaya ng palaging ginagawa, muli niyang tinignan ang latest update ng kanyang kwento.

Napangiti siya, isang ngiting may pagmamalaki.

"Napakagaling mo talaga, Wilma! Maaari ka nang ihanay sa mga datihang manunulat sa Wattpad. Ang mga kwento nila ay pinaabot pa nila ng mahabang araw bago sundan uli upang makakuha muna ng maraming mambabasa. Samantalang ang sa iyo ay araw araw na humahakot ng anim hanggang sampung libong basa at boto! Darating ang araw na kikilanin ng maraming tao ang iyong obra! Pag aagawan ka ng mga publishing company, mga producer sa mga t.v. station at pelikula! Sisikat ka at dudumugin ng milyun milyon mong tagahanga. Magkakaroon ka ng maraming maraming salapi!'', nangangarap na kausap niya sa sarili pagkatapos ay muling ngumiti..., ngiting may kalakip na poot at pagmamalaki.

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon