Ang follower 21: ang notification

2.6K 187 9
                                    

This chapter is especially dedicated to @NoemiPotente

Dahil airconditioned room ang silid na inuokupa ni Edwina at ang kasama niyang si Eliah ay tulog din.., nakaramdam ng pamimigat ng talukap si Elaine.

Nilabanan niya ang antok.
"Hindi ako dapat matulog! Dapat ay gising ang bantay!", paulit ulit niyang sinasabi sa sarili.

Idilat niya ang mga matang unti unti na namang nagdidikit. Inilinga niya ang nanlalabong paningin. Mula kay Edwina papunta kay Eliah. Nangiti siya. Ayos lang ang mga ito. Naglapat uli ang kanyang mga mata.

"Pipikit lang muna ako sandali, ipapahinga ko lang ang mata ko. Mararamdaman ko naman kung bubukas ang pinto. Maririnig ko naman kung may papasok. Pipikit lang aaaakkkoo........, hindi ako matu...tu...l....og"

Tila nagde deliryo si Elaine. May mga nakikita itong malalaking imahe na lumalapit sa mukha niya at pagkatapos ay lalayo at lalapit uli. Ngunit wala siyang takot na nararamdaman. Basta ididilat lang niya ang mga mata. Tapos ay pipikit uli siya. Mawawala na ang mga lumalapit at maya maya ay lalapit uli.

May nakikita siyang mga imahe ng tao na malabong malabo sa paningin niya. Doble ang tingin niya sa mga ito o mas tamang sabihin na higit pa. Hindi niya makita ng malinaw ang mukha ng mga nakatayo ngunit kilala niya ang mga ito. Hindi niya naiintindihan pero alam niyang nag uusap ang mga ito. Antok na antok na siya.

Para siyang bangag o high na high. Gumagana ang isip niya ngunit pakiramdam niya ay naka steady lang ang kanyang katawan. Mabigat na mabigat at hindi niya naigagalaw. Kalamado lang ang pakiramdam niya. Walang stress.., walang pressure.

Napagawi sa pintuan ang paningin niya nang umingit iyon. Blurred lahat ng nakikita niya. May dumaang lalaki sa pintuan. Nakasakay sa wheelchair. Lumingon ito sa kanya. Malabo at hindi niya matukoy ang itsura ngunit nakilala niya.

"Marlon..., Marlon..." tawag niya sa mahinang mahinang boses. Gusto niyang sumigaw pero hanggang doon lang ang lakas ng tinig na kaya niya. Gusto niyang tumayo at sundan ang binata ngunit hindi niya maiangat ang katawan.
Nakita niya nang muling bumukas ang pintuan at maglabasan ang mga nakatayo malapit sa kama ni Edwina.

Nang lumapat ang pinto ay tuluyan na siyang nahulog sa tila malalim na hukay. Ang kaninang mga naaaninag ay umitim na lahat. Ang buong paligid ay mas tahimik..., mas payapa.

Ilang sandali pa ang nakalipas....

Balikwas ng bangon si Elaine.

"Huh! Grabe nakatulog na pala ako. Ang natatandaan ko ay nakasandal lang ako dito sa upuan dahil nakaunan sa hita ko si Eliah.", nangiti siya sa sarili dahil nang magising siya ay nakahiga na siya patagilid.

"Napanaginipan ko pa yata si Marlon. Ano na nga ba ang napanaginipan ko?", tanong niya sa sarili. At nang walang maalala ay nagkibit balikat na lang.

Tumayo si Elaine at nilapitan ang wala pa ring malay na si Edwina. Matapos ayusin at checkin kung gumagana ang mga aparato na nakakabit sa katawan ng bunso ay ang dextrose naman nito ang binantayan niya sa pagpatak. Nang masigurong maayos ang lahat ay inayos naman niya ang kumot ng kapatid at ang sapin sa kama na nagusot.

"Nasaan na kaya ang ate Eliah mo? Siguro ay lumabas sandali.", kausap niya sa kapatid na si Edwina.

Kumuha ang dalaga ng isang upuan at inilapit sa kama ng bunsong kapatid. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Mula sa magandang baba at mamulamulang labi na may nakapasak na may kalakihang hose. Sa matangos na ilong na animo'y nililok ng mahusay na iskultor. Sa mga pisnging makinis at ni isang kagat man lang ng insekto ay wala. Sa mga matang may mahaba at malantik na pilik. Sa mga kilay na pantay na pantay at sa noo na isa mang gitla ay wala.

"Ganyan ba ako kaganda ha, bunso? Di ba ang sabi mo ay magkamukha tayo? Napakaganda mo kaya! Ibig sabihin maganda rin ako!", napabungisngis niyang sabi.

Matagal tagal na niyang kinakausap ang kapatid na nakaratay ay wala pang dumarating sa mga kasama niya.

"Siguro nag uwian na sila. Gabing gabing na eh. Hindi bale kaya naman kitang bantayan mag isa.", nakangiti niyang sabi sa kapatid.

Naisip niyang magtimpla ng kape upang hindi antukin. Nakita niyang may paboritong kape ang Mommy niya na inilagay kanina sa drawer. Matapos makapagtimpla ay agad siyang humigop. Bahagya pa siyang napaso kaya pinagtawanan niya ang sarili. Ibinaba niya ang hawak na tasa at kinuha mula sa upuan na inidlipan kanina ang kanyang cellphone. Balak niyang gumawa ng draft para sa susunod na chapter ng on going niyang kwento. Laking gulat niya nang makitang may signal ang wifi nito.

Napangiti siya.., "Ang galing ni Eliah di ba, Edwina? Iniwan niya ang pocket wifi niya at ikinonek ako! Siguro alam niyang magwa Wattpad ako habang binabantayan ka'', tuwang tuwang balita niya sa bunso.

Agad niyang tinignan ang notification niya. Tuwang tuwa siya nang makita ang 99+ doon. Inisa isa niyang pasalamatan ang mga nag add ng mga kwento niya sa reading list, nagreply siya sa mga comments ng readers pagkaraang mabasa iyon. Nag reply din siya sa inspiring at overwhelming na mensahe sa message board niya ganun din sa kanyang inbox.

Hanggang sa muling tumunog ang cellphone niya. Napangiti siya nang marinig iyon at hindi muna pinagkaabalahang tignan. Nagta type siya ng mensahe ng pasasalamat sa mga very loyal at supportive niyang readers at followers kaya naka focus ang isip niya sa ginagawa.

Nang matapos ay saka niya natignan ang notification na iyon.

BRAVEHEART STARTED FOLLOWING YOU

Nabitawan niya ang kanyang cellphone!

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon