Ang follower 16: aksidente sa kalsada

2.5K 188 4
                                    

Nasa kahabaan ng maluwag na kalsada ang sasakyang minamaneho ni Edwina nang maisipan niyang kunin ang iphone six na binili niya last month. Nangiti pa siya at nilaro laro ang pink nitong palawit na nakakabit. Regalo iyon ng ate niya kaya naman kahit kinakantyawan siya ng mga kasamahan sa trabaho at mga kaibigan ay hindi niya iyon inaalis. Napangiti siya nang makita ang picture na pinadala ng paboritong kapatid.

"Ang ganda ni ate ah, blooming! Siguro ay naka move on na siya dun sa Marlon. Pero teka! Hindi kaya...? Hmmn..., may hindi sinasabi si ate sa akin. Ang daya naman niya. Siguro nagkakausap na uli sila ng Marlon na yon. Kaya siguro nung nakaraang mga araw ay lagi siyang masigla. Inlababo ang Elaine! Lumalablayf! Yes!", natatawa niyang sigaw. Masaya siya para sa nakatatandang kapatid.

"She deserves to be love! Ate Elaine is so sweet and very sincere. Siya lang ang may ganung characteristic sa aming apat. Siya yung tipong madaling magtiwala at maniwala dahil matapat siya. Oo, madalas ay nasasaktan siya dahil akala niya ay sincere din sa kanya ang kausap niya. Kaya lang after nun may peace of mind na uli siya kasi malinis ang kunsensiya niya. Hindi kagaya namin na palaging may duda sa kaharap dahil napapaligiran kami ng mga taong first class ang kaplastikan! Ang mundong ginagalawan niya ay maliit lang kumpara sa amin ngunit may kapayapaan. Samantalang kami ay palaging nakikipagpaligsahan sa iba na oo at kaibigan ang aming tawagan ngunit kalaban naman sa talikuran. Ang totoo ay ikaw lang ang kaibigan kong pwedeng pagtiwalaan, ate. Kapag kasama kita ay nailalabas ko ang totoong Edwina.", matapat na sabi niya sa mukha ng kapatid na nakangiti sa screen.

Sa tuwa ay nagtype siya ng mensahe para sa kapatid. Off line ito, pero nag message pa rin siya. Tiyak niyang maya maya lang ay naka on line na ang kanyang ate para i check ang ginagawa nitong istorya sa Wattpad.

Ang ganda ganda mo, ate! Tweet.., tweet..

Pero nagtatampo ako sayo, ha.. (╰_╯)#

Ganyanan na tayo? Ang daya daya mo! →_→

May secret ka na ngayon.., huhuhu....

Joke!!!!

I'm happy for you, ate. Kung saan ka masaya..., suportahan taka! ↖(^ω^)↗

I love you, ate Elaine! Mwaaaahh.... O(∩_∩)O

Didiinan pa lang niya ang send nang may magulungan kung ano ang kanyang sasakyan. Dahil sa pagkagulat ay nabitawan niya ang iphone.

***********

Kahit anung pilit ni Elaine na idilat ang mga mata ay kusang tumatakip ang talukap nito. Kinurot niya ang sarili upang maalis ang antok na nararamdaman.

"Aray!", daing niya sabay linga sa mga kapwa pasahero kung narinig siya. Napangiti siya nang matiyak na walang nakapuna sa ginawa niya.

Ikinapit niya ang isang kamay sa estribo ng dyip upang maging tibay sa pagkakaupo. Ilang sandali pa at muli na namang sumara dumilat ang kanyang mga mata. Itinukod niya ang ulo sa braso upang kung makakatulog siya ay magigising din dahil makakabitiw siya sa hinahawakan.

Ilang sandali pa ay tila hinihila na pailalim ang balintataw ng dalaga. Hindi na niya nagawang kontrolin pa ang antok na nagpipilit na tumalo sa excitement na nararamdaman niya. Hanggang sa hindi na niya namalayan ang galaw at tunog sa paligid. Naidlip na nga ang dalaga.

**************

"S**t!", naibulalas ni Edwina. Niyuko niya ang nalaglag na gamit at inabot ng isang kamay.

"S**t!", muli niyang sabi nang umusod lang palayo ang kinakapa.

Sa inis ay yumuko na ito upang tignan kung saang gawi napunta ang nalaglag. Hindi nito napansin ang isang ale na may akay na bata. Nakasenyas ang kamay ng babae na parang "stop" habang tumatawid. Habang dire diretso pa rin ang andar ng dalagang nakayuko.

Napangiti si Edwina nang makita na at mahawakan ang mamahaling cellphone.

"Yes! Buhay pa!", masaya niyang sabi nang mag angat ng ulo at makitang nakabukas pa rin ang gadget niya. At saka pa lamang tumingin sa harapan ng kalsadang binabaybay.

Nanlaki ang mata ng dalaga nang makitang mabubundol na niya ang mag inang nag alanganing hihinto o tatawid!

Nataranta ito! Hindi nagawang apakan ang preno at sa halip ay kinabig pakaliwa ang manibela upang iwasang mahagip ang mag inang tila itinulos sa kinatatayuan at namumutlang nakatingin sa gawi niya.

Blag! Kablag! Dag.., dag.., blag! Beeeeeeppp...........

Nagulat si Edwina nang biglang humulagpos ang kamay mula sa hinahawakan.

"Naidlip na pala ako!", naibulong niya sa sarili. Tinignan pa niya ang mga kasamang pasahero. Bahagya siyang nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari. Napabuga siya ng hangin nang makitang tulog pa rin ang mga ito.

"Hay, salamat! Nakaka turn off ang itsura ko. Siguro ay para akong tanga kanina na panay ang bagsak ng ulo tapos iaayos uli tapos babagsak uli.", pagtatawa niya sa sarili habang hinihimas ang dibdib na biglang kumabog.

Napansin niya na hindi umuusad ang dyip na sinasakyan at ang sinusundan nito. Agad siyang napatingin sa suot na relos at pagkatapos ay tinignan ang paligid at naghanap ng street sign, establisimyento o store sign na may nakalagay na address kung anong lugar na ang kinaroroonan nila. Nahihiya siyang magtanong sa driver. Ayaw niyang magmukhang bagong salta. Ang tikas tikas niya at ang ganda ng porma tapos hindi niya kabisado ang maynila?
Napangiti siya ng makita ang hinahanap.

"Malapit na pala ako sa meeting place namin ni Marlon!", bahagya pa siyang kinilig.


Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon