Ang Follower 9: damdaming umusbong

3.3K 225 25
                                    

Naglakad si Elaine na tila nakalutang ang mga paa. Isa sa mga nagbabasa ng mga isinusulat niya ang nakita niya. Dinig na dinig niya ang katuwaan sa boses nito at kitang kita niya sa mga mata nito ang excitement na mabasa ang updated chapter ng on going niyang kwento.

"Ganito pala kasaya ang pakiramdam! Kaya lang..., maysakit siya. Kawawa naman. Ano kaya ang sakit niya? Sana gumaling siya agad.", bulong ng dalaga sa sarili hanggang sa makarating sa room ng ama.

Siya ang nagbantay sa Daddy niya. Nang makatulog ito ay inilabas niya ang cellphone at tinignan ang notification niya. Ilang votes lang ang nakita niya at walang mensahe o komento. Nakaramdam siya ng lungkot.

"Nagsawa na yata ang mga readers sa istorya ko.", malungkot niyang sabi.

"Sa bawat natatapos kong istorya ay pataas na ng pataas ang expectation ng mambabasa sa akin. Kailangan ay may bago, yung gugulat sa kanila. Nainip  kaya sila? Tinamad na kaya silang basahin at subaybayan ang gawa ko?", kausap pa rin niya sa sarili.

"Huwag kang ganyan, Elaine! Hindi ba't ang gusto mo lamang dati ay ang makapagsulat? Bakit ngayon ay naghahangad ka pa ng mas madaming mambabasa? Bakit hindi ka na nasisiyahan ngayon? Kung ipagpapatuloy mo ang ganyang attitude ay diyan na mag uumpisa ang iyong pananamlay sa pagsulat! Wala nang mga bagong ideyang ipo produce ang imahinasyon mo dahil hindi ka na nag e enjoy! Mauubusan ka nang ikukuwento dahil naka focus ka na sa papuri nila! Huwag mong i pressure ang iyong sarili!", sermon niya sa kanyang utak.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at ilang ulit na nag inhale exhale. Lumuwag ang pakiramdam niya ganun din ang paninikip ng dibdib.

"Kailangan kong mapanatili sa aking sarili ang sigla. Kung bakit kasi hinahangad kong i break  ang sarili kong record! Bakit nga ba ganun? Dapat ay maging relax lang ako. Tama! Kalma lang!", natatawang sabi niya sa sarili. At pagkatapos ay uminom ng isang basong tubig.

Dahil nagawang i relax ang sarili ay muli siyang nakapag concentrate. Nakagawa siya ng isang kabanata na pagkatapos muling basahin ay nakapag pangiti sa kanya na may kasama pang pagtango.

Ilang oras lang at dumating na ang kanyang Mommy. Pagkaraan ng ilan pang sandali ay pinauwi na siya nito.

Habang naglalakad ay palinga linga siya kahit pa nga nakasara ang mga pintuan ng bawat kwarto na nadadaanan niya. Nang makarating sa station ng mga nurse ay pasimple niyang hinanap ang may edad na nurse na nakasabay niya sa elevator.

"Wala siya.", may panghihinayang niyang bulong sa sarili. At pagkatapos ay dumiretso na sa pagsakay sa elevator pababa.

Apat na araw na naglagi sa hospital ang kanyang Daddy bago nakauwi sa kanila. Hindi na rin muna pumasok ang Mommy niya sa trabaho. Isang linggong bakasyon ngunit may sweldo pa rin. Bagay na wala naman sa trabaho niya. Siya..., kung hindi magtitinda ay walang kita!

Isang buwan pa ang lumipas at bumalik na sa normal ang lahat. Pumapasok na uli ang Daddy niya sa trabaho kaya lamang ay maingat na maingat na ito. Naging abala na naman sa kanya kanyang gawain ang buo niyang pamilya at ganun din siya.

Matapos magsara ng tindahan ay agad na siyang pumanik sa sariling silid. Pakiramdam niya ay busog siya. Hindi niya nagawang magsulat dahil sa sobrang kaabalahan nang nakaraang mga araw.

"Naghihintay na ng update ang mga sumusubaybay sa istorya ko. Kailangang makapag post na ako.", bulong niya sa sarili. Matapos makumpleto ang draft na ginawa niya at marebisa ay naisip na niyang i publish ito. Pagka turn on ng wifi ay tumunog nang tumunog ang cellphone niya. Napangiti siya nang makita ang  99+  sa notification niya. Nang makita niyang mayroon ding laman ang inbox niya ay bigla siyang kinabahan. At iyon ang una niyang tinignan.

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon