Nakadama ng inip si Elaine nang ilang minuto na ay hindi pa rin gumagalaw ang daloy ng mga sasakyan. Nagbubusinahan na ang ilang mga sasakyan at ang ilang pasahero ay nagsipag babaan na. May ilang nagkukuwentuhan at nakikiusyoso na sa dahilan ng traffic. May mga nagagalit at nagrereklamo. Sinisi ang gobyerno at ang mga pulitiko.
"May holdapan na nangyari doon sa bangko! Kaya pala nagkabuhol buhol ang traffic. May hostage taking pa! Nagkakagulo na ang mga pulis at media. Nandun na nga ang tatlong magkakalabang t.v. station eh. Tiyak na nasa news na ang nangyari!" Narinig niyang usapan ng mga naglalakad.
"Ano ba yan? Male late na ako! Baka akalain ni Marlon ay hindi ako sisipot sa tagpuan namin. Nakakainis naman itong mga holdaper na ito! Hindi pa pinagpaliban muna ang panghoholdap nila! Nakisabay pa! Kung kelan kami magkikita ni Marlon ay saka pa nila naisipang gumawa ng masama! Manung maghanapbuhay ng parehas!", reklamo niya.
"Lakarin ko na lang kaya ang pagpunta sa usapan namin ni Marlon? Kung maghihintay pa ako sa pag andar nitong dyip ay baka abutan ako ng siyam siyam dito!", bulong uli niya sa sarili habang hinihimas uli ang dibdib.
"Kuya, dito na lang po ako.", paalam niya sa driver at dire diretso nang bumaba.
Sa paglalakad niya ay nadaanan niya ang mahabang pila ng mga sasakyang dahan dahan ang pag usad. Malaki at mabilis ang paghakbang niya upang makarating agad sa bubuyog na masaya. Malayo layo pa ang kinaroroonan niya kaya gusto man niyang makiusyoso rin gaya ng mga taong nadadaanan niya ay hindi niya ginawa.
"Sa t.v. ko na lang panonoorin ang nangyari.", sabi niya sa sarili.
********
"Hindi ka maaaring lumabas nang ganyan ang nararamdaman! Hindi mo ba naiintindihan?! Anak naman..", umiiyak na pakiusap ng ina ni Marlon. Kahapon lang ay kay lakas lakas nito hanggang kaninang magising kung kaya pumayag siya sa sinabi nitong pakikipagkita sa manunulat na gustung gusto nitong makasama. Ngunit pagka pananghali ay bigla na itong nanghina. Abot abot ang pagtangis niya. Ang sintomas na sinabi ng doktor sa kanya ay nagaganap na. Hindi niya kaya.., akala niya ay nakahanda na siya. Akala niya ay tanggap na niya. Ngunit ngayong nakikita niya ang anak ay tila pinipiga ang kanyang puso. Namumuti na ang magkabilang palad niya sa higpit ng pagkakakapit sa isa't isa at taimtim na nanalangin para sa kalagayan ng anak. Ang nurse ay lumuluha na rin habang nakatalikod at nagkukunwaring may ginagawa.
"I have to see her, Mommy! Maghihintay siya... Nangako ako.... nangako ako... sa kanya.. Pleeease, Mommy. Pleeease...", paputol putol at mahinang sabi ni Marlon.
**********
"Diyos ko, sana nandun pa siya! Please po, Lord! Pigilan mo po siya kapag naisip niyang umalis. Please po!", paulit ulit na dasal ni Elaine.
Mag iisang oras na siyang late sa usapan. Dahil sa kaaantay na aandar din ang dyip na sinasakyan kanina ay natagalan pa siya. Magsisi man na dapat ay naglakad na lang agad siya ay wala na rin mangyayari. Mas lalo na lang niyang binilisan ang lakad takbong ginagawa. Walang pakialam sa mga nakakakita. Hindi pinapansin ang tumatagaktak na pawis at ang tanging iniisip ay makarating sa tagpuan nila ni Marlon. Napahinto siya nang malito kung kakanan o kakaliwa. Kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na magtanong sa isang matandang lalaki na sa tingin naman niya ay mapagkakatiwalaan. Nakangiti ito nang lumapit siya.
"Excuse po, Sir! Saan po ba dito ang J****bee?", magalang at nakangiti niyang tanong habang pinupunasan ang pawis na tumutulo sa noo at gilid ng magkabilang pisngi.
"Hayan na sa tapat, hija.", natatawang sagot ng matanda.
Napakamot siya sa ulo at bahagyang natawa sa sarili.
"Naku, pasensya na po kayo. Hindi ko na po napansin dahil sa gawing itaas po ako naghahanap ng pangalan ng food chain.", nahihiyang sabi niya.
Ngumiti lang ang matanda at sinenyasan siyang sumige na sa pupuntahan.
"Pasensya na po sa abala. Salamat po!", nakangiti pa rin niyang sabi habang patawid nang hindi nagawang tignan ang tatawiran. Isang kotse ang paparating!
"Oh, Diyos ko!", naibulalas niya. Nanlambot ang tuhod niya sa muntik nang paghagip ng sasakyan sa kanya.
Mabuti na lamang at nakahakbang agad siya paurong. Kundi ay nasapul na siya. Nasundan na lang niya ng tanaw ang kotseng dumaan. Dahil sa nangyari ay nag ingat na siya. Nang masigurong wala ng dumadaan ay saka siya maingat na tumawid. Nakarating siya sa tapat ng pintuan ng food chain. Sumilip siya sa salamin at tinignan kung naroroon sa loob si Marlon. Hindi pansin ang paglinga sa gawi niya ng nakasimangot na babae at ng kasama nitong bata.
Nang hindi makita ang hinahanap at pumasok pa siya sa loob.
Bagsak ang balikat at lulugu lugong lumabas ang dalaga. Wala si Marlon sa loob. Tumayo pa siya sandali at inilinga linga ang matang pinangingilidan na ng luha sa paligid. Nagbabakasakaling makita ang binatang nangakong darating.
Nang mainip ay sumakay na siya ng dyip pauwi. Nakatanaw siya sa labas ng dadaanan. Sandali palang umuusad ang dyip nang mapaigtad siya. May nakita siyang nakatayo sa gilid ng daan at nakatingin sa kanya.
"Marlon? Marlon!", sigaw niya. Bababa na sana siya upang puntahan ang binata ngunit bigla itong nawala.
"Marlon...", malungkot niyang bulong sa sarili.
BINABASA MO ANG
Misteryo sa Wattpad
HororIsa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pi...