Hanggang sa makauwi ng bahay ay pinag iisipang mabuti ni Wilma ang gagawin upang maka eksena sa pagitan ng kalabang si Lyra at sa binatang taga Jasmin. Hindi dahil interesado siya sa binata. Kundi upang malaman kung hanggang saan ang kakayanan ng kalaban na kontrolin ang sariling emosyon. Kung kaya ba nitong pagsabayin ang lovelife at pag aaral.
"Kapag sa lalaking iyon ka nagkagusto ay siguradong maisasama ka niya sa mga kalokohang na master na niyang gawin. Titignan ko kung mananalo ka pa sa labanan natin!", bulong niya sa sarili kasabay ng kalahating ngiti sa labi.
Kinabukasan....,
"Hi!", bati ng binatang taga Jasmin.
Alam niyang palapit ito sa kanya dahil mula sa sulok ng mata ay kanina pa niya ito nakikita. Sinadya niyang umupo sa bench ng oval na malapit dito habang hinihintay ang kaibigang si Nica na pumunta sa canteen. Recess nila at vacant period pagkatapos. Nagkunwa siyang hindi napapansin ang binata at pinagmukhang abala ang sarili.
Isang matipid na ngiti ang iginanti niya sa pagbati ng binata. At ipinagpatuloy ang kunwang pagbabasa.
Dahil sa ginawa niya ay napakamot ito sa batok. Hindi ito umalis at muli siyang kinausap.
"Ako si Rocky. Pero ang totoo kong pangalan ay Ricardo. Ang baduy naman kung Carding ang gagamitin kong palayaw, kung Goma naman eh hindi naman kami magkamukha nun, baka magalit pa sa akin si Miss Lucy Torres at very common kung Ricky. Kaya yung letter I pinalitan ko ng letter O. Instead of Ricky ay ginawa kong Rocky para mas may dating. Stallone, astig!", nakangiting biro nito.
Nagkunwari siyang natuwa sa korni nitong joke. Ngumiti siyang muli pero sa pagkakataong iyon ay mas malaki na.
"Mas maganda ka talaga kapag nakangiti ka.", kasunod nitong sabi.
"Hah! Narinig ko na yan, pogi. Gasgas na gasgas na ang linyang yan eh. Naipang uto na yan ng mga kuya ko sa lahat ng mga naloko nila."
Sa loob loob nga lang niya, dahil isang simpleng ngiti na lang ang ibinigay niyang tugon sa binata at pagkatapos tignan ang suot na relos ay agad na tumayo.
"Maiwan na muna kita, Rocky. Naghihintay na sa akin ang friend ko.", nakangiti niyang sabi sabay talikod at lakad palayo.
"Ah, okay. Nice meeting you, Wilma!", pahabol na sigaw ni Rocky sa papalayong dalagita.
Napangiti si Wilma. Hindi naman niya sinabi sa kausap ang pangalan niya pero alam na nito.
"Chickboy ka talaga, pogi. Gusto ko yan. Sige lang, gawin mo lagi ang ganyan lalo na kung nakikita ni Lyra.", bulong niya.
Nakita kasi agad niyang parating ang kaeskwela kasama ang dalawa nitong alalay na binansagan ni Nica as alalay ng Panday at alalay ng alalay ng Panday.
Nakatalikod man ay para na rin niyang nakikita ang nag aapoy na tingin ng kalaban at ang ilong nitong nanlalaki ang butas dahil sa selos.
Binagalan niya ang paghakbang at nagkunwang may kinukuha sa loob ng bag upang marinig kahit kaunti ang sasabihin ng kaeskwela sa lalaking kursunada nito.
"Kinausap ko lang sandali. Wala yun, ikaw naman. Halika nga dito. Ikaw talaga napaka selosa mo.", malambing na paliwanag ni Rocky.
Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad matapos masigurong nagselos nga ang kaeskwela.
"Sige Lyra, magpaka humaling ka kay pogi. Hindi magtatagal at matutunan mo na ang mga kalokohang alam ng kumag na yan. Tignan ko lang kung magawa mo pang maging top one sa next grading period.", nagdiriwang sa tuwang sabi uli niya sa sarili.
Masiglang masigla ang pakiramdam ng dalagita nang magbalik sa classroom. Napansin naman agad iyon ni Nica.
"Bakla! Anong meron at ngiting tagumpay ang close up smile mo? Ano ang secret behind the scene, aber? Baka gusto mo namang mag share sa bestfriend mo, noh!", bulong nito. Nakipagpalit ito ng upuan sa kaeskwelang katabi ng upuan ni Wilma. Hindi na ito makatiis at gustong malaman kung ano ang nangyari sa kaibigan.
Muli sana itong bubulong dahil sa hindi pagsagot ng kaibigan na sumenyas lang na huwag maingay sa kanya nang marinig na tinawag ng kanilang guro ang kanyang pangalan.
"Yes, mam?!", pabigla at malakas niyang sigaw.
"Go back to your seat and keep..., quiet!", magkasalubong ang kilay na sigaw ng guro.
Ngumiti si Nica sa gurong nakasunod ng tingin habang bumabalik ito sa sariling upuan.
Nagtawanan ang mga kaeskwela ng dalagitang nagawa pa ding magpa cute sa kabila nang pagkakapahiya.
"QUIET!", matapang na saway ng terror na teacher sa buong klase na sabay sabay na nagpahinto sa pagtatawanan ng mga ito.
"Where is Lyra?", tanong ng guro.
"Eh, sumakit po ang tiyan mam. Nag e LBM po.", sagot ng alalay ng Panday.
Nagkibit balikat lamang ang guro matapos marinig ang dahilan nang pagkawala ng hinanap na estudyante at pagkatapos ay nagpakuha ng 1/4 sheet of paper at nagbigay ng surprise seatwork na one to thirty.
Lihim na nagsimangutan ang mga mag aaral, maliban kay Wilma.
"Alam kong hindi totoong sumakit ang tiyan mo, Lyra. Nag cutting ka lang! Tsk.., tsk.., tsk... inspirasyon daw ang pag ibig sabi ng iba. Siguro ay ganun ang epekto sa kanila. Pero sa tingin kong magaganap sayo ay isang malaking destruction ang kauuwian mo!", bulong nito sa sarili habang nakikipagpalitan ng sinagutang papel sa katabi.
Matapos machekan ay muling nagpalitan ang magkakatabi. Isa isang tinawag ng guro ang mga pangalan ng mag aaral at ang mga ito ang nagsasabi ng score na nakuha.
At gaya ng inaasahan ng guro at ng mga magkaka klase. Si Wilma ang nakakuha ng perfect score. At si Lyra.., zero!
BINABASA MO ANG
Misteryo sa Wattpad
HorrorIsa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pi...