Ang follower 14: magkikita na

2.7K 202 11
                                    

Gaya ng nagdaang mga araw ay nanatiling masigla si Elaine. Wala namang pumapansin sa kanyang mga kilos. Mas madalas kasi ay nagkikita lang silang mag anak at pagkatapos nang kaunting kamustahan tungkol sa sales ng tindahan niya ay tapos na. Kanya kanya na sa pagharap sa kanya kanyang problema sa opisina at personal na buhay. Sanay na siya sa ganun, hindi na bago sa kanya ang nangyayari.

Isang araw ay masayang masayang nagbalita sa kanya ang bunsong kapatid.

"Ako ang ipapadala ng boss ko sa Boracay with allowance, ate! Makakapunta na ako doon ng walang gastos, may sweldo pa!", excited na excited na sabi ni Edwina.

"Wow! Dream come true yan para sa iyo. Magtatagal ka ba doon?", nakangiting tanong niya sa kapatid.

"One month ako dun, ate! Kaya siguradong after work ay makakapamasyal ako sa mga sikat na lugar dun. And take note.., may 2 days akong puro enjoyment at exploration lang with pay! O di ba, ang galing?", may pagmamalaking sabi ng bunso.

"Ang tagal naman pala. Isang buwan kang mawawala. Tatlumpung araw pala akong mag iisa dito.", malungkot na sabi niya.

"Ahh..., hindi pa ako umaalis ay nami miss na ako ng ate ko..", naglalambing na tono ni Edwina sabay yakap sa kapatid na biglang nalungkot.

"Huwag ka na malungkot, ate. Promise ia update kita lagi kung nasaan ako. Palagi kitang tatawagan at icha chat. Mag i skype pa tayo palagi. At saka papasalubungan kita ng maaaaraming marami!", nakangiting pangako ni Edwina.

Napangiti si Elaine. "Talaga! Maraming marami?!", tanong niya. Sinakyan ang pagbibiro ng kapatid at nagkunwaring bata na humahabol sa nanay na paalis.

Magkasabay silang nagkatawanan matapos ma realize ang mga itsura nila.

"Mukha tayong may topak sa kilos natin, ate!", nagtatawang sabi ni Edwina. Ginaya pa nito ang arte ni Gerald Anderson sa teleseryeng Budoy.

Lalong inihit ng tawa si Elaine sa ginagawa ng magandang kapatid.

"Magtigil ka nga diyan! Mamya mo ay mahipan ka ng masamang hangin, ikaw din!", pananakot niya sa kapatid na agad ibinalik sa normal ang sarili. Ngunit nang kumuha ng inumin ang kanyang ate at inumpisahan inumin ito ay muling umarte si Edwina na gaya ng arte kanina.

Naibuga ni Elaine ang tubig sa bibig at ang iba naman ay pumasok sa ilong nito dahil sa muling pagtawa.

Panay ang singa niya upang ilabas ang tubig sa ilong habang ang kapatid naman ay nagtawa nang nagtawa sa kanya.

"Ikaw talaga!", pagkasabi ay hinawakan niya ang kapatid na agad nakailag at nagtatakbo palabas ng tindahan. Hinabol pa rin niya ang kapatid at nang maabutan ay pinagkikiliti.

Malalakas ang pagtili at pagtatawanan nila nang malabasan ng dalawa pa nilang kapatid.

"Itong dalawang ito talaga! Akala mo mga bata!", nakasimangot na sabi ni Eliah. Naistorbo ito ng pagkakaingay nila. Nakadikit pa ang cellphone nito sa tenga.

"Ah..., wala. Ang panganay at bunso namin naglalaro lang ng habulan.", sabi nito sa kausap.

"Anong cute? Ang gulo gulo kaya!", muling salita nito sa kausap na nasa kabilang linya at saka tumingin ng pairap sa dalawa.

"Huwag na kayong mag ingay at tahol ng tahol ang aso.", saway din ni Errol at pagkatapos ay magkasunod nang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Nang makatalikod ang dalawa ay muling nagtawanan si Elaine at Edwina ngunit pigil at nagtuturuan pa kung sino ang may kasalanan.

"Pagbilan!", boses ng isang mamimili ang nagpatigil nang tuluyan sa paghaharutan ng dalawa.

Nagmamadaling pumasok sa loob ng tindahan si Elaine na agad sinundan ni Edwina.

Ilang araw pa ay umalis na nga si Edwina. Nalulungkot man dahil mawawala ang bunsong kapatid na bestfriend pa niya ay masaya na rin siya. Matagal na nitong pangarap ang makapamasyal sa lugar na ngayon ay pupuntahan na at mararating.

Tinupad naman ng kapatid ang sinabi. Naging updated siya sa activities nito, madalas ay ka chat niya ang kapatid habang ka chat din niya si Marlon. Hindi na nga niya naramdamang wala si Edwina.

Lumipas pa ang ilang araw.

Inabot na ng hatinggabi ang pagcha chat nilang magkapatid nang mag message sa kanya si Marlon. Kanina pa niya inaabangang mag on line ito ngunit wala kaya nalibang na siya sa pakikipag usap sa kapatid. Nagpapaalaman na sila ni Edwina nang mag message na nga si Marlon sa kanya.

Ilang oras nang natapos ang pagpapalitan nila ni Marlon ng mensahe ay dilat na dilat pa rin siya. Alanganing ngingiti at pagkaraan ay iiling at ilang saglit lang ay muling ngingiti.

"Magkikita na kami! Sa wakas magkikita na kami ng personal! Oh, my God! Ano kaya ang isusuot ko? Dapat ay iyong maganda sa paningin niya. At saka ano kaya yung gusto niyang sabihin sa akin ng personal? Ngayon pa lang ay hindi na ako makahinga sa sobrang kaba at excitement! Kailangan makatulog na ako para fresh ako bukas kapag nagkita kami! Diyos ko, patulugin mo na po ako! Please.", taimtim niyang pakiusap.

Ilang pagbiling biling pa sa higaan ay nakatulog na nga ang dalaga. May ngiti pa ito sa labi habang yakap yakap ang malambot niyang unan.

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon