Hindi natahimik ang isip ni Wilma. Samu't sari ang naglalaro sa imahinasyon niya. Ang anim na kabanatang naidagdag niya sa ginagawang kwento ay nagkaroon ng maraming reads at votes. Umani rin ito ng mga papuri mula sa mga nagbasa. Naging number one ito sa Most popular.
Masaya siya ngunit hindi ang mga bilang ng nagbasa at bumoto ang laman ng isip niya kundi ang nangyaring naging totoo ang ginawa niya.
"Susubukan kong gumawa uli ng magandang ending sa mga pangyayaring masasaksihan ko. Yung hindi pa nangyayari ang isusulat ko. Titignan ko kung magkakatotoo pa rin.", kausap niya sa sarili.
Dahil napuyat ay mabilis na inantok si Wilma. Hapon na uli nang magising. Maglalaba sana siya ng mga pinagbihisan nang magisnan ang ina na nagkukusot na ng mga maruming damit.
"Ako na yan, nay.", sabi niya sa ina.
"Huwag na at mga maong ito ng itay mo. Ikaw na lamang ang magbantay sa tindahan para nakakapag aral ka pa rin habang walang bumibili.", nakangiting sagot ng ina.
Napangiti siya. Masaya siyang makitang magaan na ang pakiramdam ng inay niya. Masigla ito at humuhuni pa ng awitin ng paboritong singer na si Jessa Zaragosa habang panay ang pagba brush sa pantalon ng kanyang itay.
Naka upo na siya sa loob ng tindahan nang dumating ang isang kumare ng nanay niya upang magbayad ng utang. Tuwang tuwa ang inay niya habang hinahagilap sa mga notebook na magkakapatong ang pinaglistahan nito.
Nang makita ay agad na pinakwenta sa kanya dahil hindi makita kita ng inay niya ang calculator kung saan nailagay.
"Ang inay talaga, napaka makakalimutin.", bulong niya sa sarili.
"Four hundred fifty eight ho.", sabi niya sa kumare ng ina.
Nag abot ng limang daan pisong buo ang babae at bumili pa ng pancit canton, itlog at mantika. Siya na ang nagsukli. Masayang masaya ang inay niya sa hindi inaasahang nagbayad ng utang.
"Kung magbabayad lang ang lahat ng may utang sa akin ay mapupuno na ang tindahan nating ito ng paninda.", nakangiting sabi nito sa kanya.
Kumuha ng palara si Wilma nang makalabas na ang ina at isinulat ang laman ng utak. Ganun din ang nakikitang mga nagkakatumpok na kalalakihan sa gilid ng kalsada na nagka kara krus. Nang wala namang masyadong pangyayaring nasaksihan ay naglinis na lang siya ng tindahan ng ina.
Inayos niya ang mga salansan ng ilang lata ng sardinas, corned beef, tuna, meatloaf, gatas at iba pa sa paraan na parang marami tignan. Ganun din ang ginawa niya sa mga suka at toyo na nasa pouch. Mga sabong bareta at powder. At ilang mga produkto pa na tig kakaunti lang. Maging ang mga sitseria at mga tindang panabit ay inayos na rin niya upang maging maganda sa paningin. Ang mga listahan, ballpen at calculator na napatungan lang pala ng mga kung anu ano ay inilagay niya sa maayos at madaling makikita. Pagkatapos ay tinignan na rin niya ang cooler kung ano ang nabili na upang makapagpalamig uli.
Nagwawalis na siya nang pumasok ang ina. Tapos na itong maglaba at magsampay.
"Naku! Naliligaw ata ako ah! Ito ba ang tindahan ko? Bakit parang ang dami ng laman?", nakangiting biro ng inay niya. Iginala nito ang paningin at siyang siya sa ginawa niyang paglilinis.
Pinapasok na ng ina si Wilma sa loob ng bahay upang makagawa na ng assignment.
Dumiretso sa loob ng silid ang dalagita. Nahiga at ipinikit ang mga mata. Sa balintataw ay bumubuo ng magandang kwento sa mga pangyayaring katatapos lang.
Nang may maisip na ay kinuha na niya ang cellphone.
Bahagya siyang napaigtad nang tumunog ito at makita ang mensaheng rumerehistro sa gawing itaas ng screen.
Inopen niya ang message at binasa maigi.
09*********
Kung ako sa iyo ay itapon mo na ang hawak mo o kaya ay wawasakin mo na bago mo pa pagsisihan ang lahat!
"Adik ata ito ah! Sino na naman kaya itong walang magawang ito? Anong itapon o sirain? Alin, itong cellphone ko? Eh, natural na ito ang hawak ko kaya nga nabasa ko itong kalokohan mo eh! Ano ako, hilo?!", kausap niya sa mensaheng binasa.
Binalewala niya ang mensahe at ipinagpatuloy ang naantalang gawain.
Nakagawa siya ng dalawang parte ng walang kahirap hirap. At ang ikatlong parte naman ay bunga na ng kanyang imahinasyon at ang gusto niyang mangyari.
Isinulat niya ang mga naganap kanina ngunit sumulat na rin siya ng magaganap para bukas. Feeling niya ay isa siyang mahusay na manghuhulang may third eye. Matapos ma check kung maayos ang pagkakasulat na nagawa at ang damdaming nakapaloob sa kwento upang maramdaman ng magbabasa ay pinablis na uli niya ang nagawa at saka nahiga upang matulog.
Kinabukasan ay hindi na muna niya tinignan ang notification niya. Ganung set up na ang nakagawian niya at tinuluy tuloy na niya. Parang pinaka pahiyang niya ang ganun.
Sa paaralan......
Ipinatawag siya ni Mrs. Gabion. Mapulang mapula ang mukha nito na parang galit na galit.
"Mam?", tawag niya sa paraang nagtatanong.
"Nahihiya ako sa iyo, Wilma.", paunang sabi ng guro.
"Bakit naman po, Mam?", nagtatakang tanong niya.
"Si Mrs. Avendan ang pumili ang isasali sa Essay. Isang section, isang student. Wala akong nagawa. Hindi ako ang adviser mo.", sabi ng guro na agad niyang naintindihan.
Kung si Mrs. Avendan ang pumili ay nakatitiyak na siya kung sino ang ipanlalaban ng section nila. At hindi nga magiging siya yon.
Masamang masama ang loob niya. Ngunit hindi siya nagpahalata.
"Huwag na po kayo mag alala, mam. Sa ibang pagkakataon na lang po siguro.", nakangiti niyang sabi.
Nang i announce sa loob ng classroom na si Lyra ang panlaban ng section nila ay nakipalakpak rin siya. Maging ang mga naniniwalang mas magaling siya. Mangiyak ngiyak si Nica sa inis lalo na nang parang nang iinggit pa ang dalawang alalay nito.
Si Wilma naman ay titig na titig kay Mrs. Avendan. Kung ano ang naglalaro sa utak ay siya lang ang nakaka alam.
BINABASA MO ANG
Misteryo sa Wattpad
TerrorIsa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pi...