Nag isip siya ng genre na kaya niya. Yung hilig basahin ng mga readers.
"Horror.....? Pwede!
Kaya lang wala naman akong paghuhugutan ng kwento. Wala naman akong super natural experience. At saka puro kalokohan lang ang ganun. Kung anu ano ang isinusulat ng mga writers na hindi totoo para lang mapansin ng mga mambabasa.
Sus! Manakot daw ba!
Not my cup of tea!
Romance....?
Eh no boyfriend since birth pa nga ako. Ano naman ang isusulat ko na makakapag pakilig eh kung ako nga di ko pa nararanasan kiligin! Maliban na lang kay Gerald Anderson at Lee Min Ho!
Pero..., pwede!
Yung mga fantasy ko with them! Super kilig ang moments na ganun! That's cool! Sasamahan ko ng konting drama at tarayan ng mga kontrabida.
Alam ko na! Gagawin kong story sa Wattpad ang mga pangyayari na araw araw kong makikita sa paligid. From here sa house at sa school. Parang diary ang gagawin ko! Puro maiigsing pangyayari lang para hindi mainip ang reader. Para iba iba iba at puro totoo. Walang kyeme, puro true to life.Yes!", tuwang tuwang sabi niya.
Naghanap siya ng magandang pang book cover para sa istoryang gagawin niya. Sa dami ng pagpipilian at dahil hindi naman siya masyadong marunong ay inabot ng madaling araw ang story cover, story setting at story detail bago siya nakatapos. Mabuti na lang at makalkal siya. Inalam niyang mabuti ang dapat gawin at sinubukan ng sinubukan hanggang sa matutunan.
Palibhasa ay likas na matalino kung kaya kapag may nakita o gustong malaman ay talagang madali lang natutunan ng dalagita.
Nakangiti pa ito habang siyang siya sa nakikitang bunga ng pagpupuyat. Holiday at wala namang pasok kinabukasan kaya hindi ito nag aalala kung di man magising ng maaga.
"Tamang tama, bukas ay uumpisahan ko na ang pag gawa ng kwento. Kailangan.., umpisa pa lang unkabogable na para may makapansin agad.", nakangiti niyang sabi at saka ipinikit ang mga mata para matulog.
Dahil nasanay na ang utak at katawan.., kahit umaga na nakatulog ay maaga pa rin nagising si Wilma.
Matapos linisin ang sarili at ang sariling silid ay naglinis naman ito ng buong sala at kusina.
Tatlo lang naman sila sa bahay kaya hindi makalat kung kaya sandali lang ay tapos na siya sa kanyang ginagawa.
Habang nag iisip kung saan at paano uumpisahan ang kwentong gustong isulat ay narinig niya ang pagtawag sa kanya ng ina.
"Bantayan mo muna itong tindahan at sisingilin ko muna si Mareng Tale! Isang buwan na ang utang ay hindi pa binabayaran! Tumama daw sa ending kagabi sabi ni Moymoy kaya pupuntahan ko na muna!", sigaw ng nanay niya.
Sinunod naman niya ang utos ng ina. Siya na muna ang umupo sa loob ng tindahan at nagbantay.
"Kung bakit kasi kakaunti na nga lang ang laman ng tindahan ay nagpapautang pa ang inay. At ang mga umutang naman, kapag hindi na makabayad ay hindi na rin siya mapuntahan dito para bilhan man lang. Kapag puro kagaya ng kumare niya ang mga kostumer ay tiyak na mauubos lang ang laman ng tindahan na ito at mababaon naman sa pangungutang ang inay ko.", bubulong bulong na pagsasalita ni Wilma habang iginagala ang paningin sa loob ng maliit nilang tindahan.
Dahil madalang lang naman ang bumibili ay kinuha na niya ang cellphone sa loob ng bulsa at inumpisahang mag type.
Nakaisip siya ng magandang umpisa.
Ako si Narda at ito ang aking Diary.
Ang lahat ng mababasa mo sa akda kong ito ay pawang totoong pangyayari na aking naranasan at nasaksihan.
Hindi ito gawa gawa lamang ng aking imahinasyon.
Kung ano at paano ko ito naramdaman at nakita ay ganun ko din ito ikukwento sayo.
Walang bawas...,
Walang dagdag....,
Hindi kulang.....,
Hindi sobra.....
Kung tungkol saan at kung para saan..?
Ikaw na ang bahala.
Anong category o anong genre...?
Ikaw na rin ang bahala.
Basta ang araw araw kong karanasan ang iyong matutunghayan.
Gusto mo ba malaman kung ano ang nilalaman?
Gusto mo ba makita ang aking nakita?
Gusto mo bang malaman ang aking naranasan?
Kung ganon...,
Buksan mo ang....
Narda's diary (true to life)
Malapad na malapad ang kanyang pagkakangiti habang muling tinitignan at binabasa ang mga letrang itinayp.
Nang makuntento ay nag umpisa na siyang mag type uli.
Martes
6:00 am
Sa loob ng kwartoHoliday ngayon at wala akong pasok sa school.
Nangingiti si Wilma habang nagta type ng mga ginawa niya mula sa pag gising at paglilinis.
6:52 am
Sa salaMuli niyang itinayp ang mga nangyari. Buong buo at detalyado. Pati na rin ang pagbabantay niya sa tindahan.
Napahinto siya sa ginagawa at agad na napatayo nang may marinig na kalabugan sa tapat ng tindahang kanyang binabantayan.
"Hay naku! Nagwawala na naman siguro si Mang Hesus. Malamang ay natalo na naman sa magdamag na pagsusugal kaya ang kawawang asawa at mga anak ang pinagdiskitihan.", bulong niya sa sarili.
Hindi nga nagkamali ang dalagita sa naisip.
"Kayo ang malas sa buhay ko! Kung hindi mo pinapunta ang anak mo para hingan ako ng pambili ng bigas ay baka nanalo na ako! Inasar nyo ako kaya ni singko ay walang laman ang bulsa ko! Mga bwiset! Kumain kayo ngayon ng lupa! Sige! Lamunin nyo yaaaan!", galit na galit na sigaw ng lalake habang isinusubo ang dinakot na lupa sa mukha ng asawa.
Naaawa man siya ay wala naman siyang magawa. Kung yun ngang mga mas malaki at may edad na ay nanonood lang sa pananakit ni Mang Hesus sa pamilya nito..., siya pa ba ang may magawa?
Ewan kung bakit .., pero naisipan niyang litratuhan ang tagpong iyon. At pagkatapos ay tahimik na uling naupo.
BINABASA MO ANG
Misteryo sa Wattpad
HorrorIsa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pi...