Habang walang bumibili ay nagagawa na nga ni Elaine ang makapagsulat kahit pa unti unti. Gumawa siya ng istoryang makaka relate ang makakabasa. Istoryang sa umpisang kabanata pa lamang ay may lalim na. Madali lang sa kanya ang pagtipa. Tila may sariling mga mata ang hinlalaki niya sa bilis ng pagpindot at pagpapalipat lipat nito sa key pad ng kanyang cellphone. Dire diretso ang pagsulpot ng mga pangyayaring nais niyang ipakita sa mga makakabasa at ang emosyong nais niyang iparamdam. Hindi na nga niya namamalayan pa ang paglipas ng mga oras. Parang kulang pa ang beinte kwatro oras sa isang araw. Kahit nakahiga na ay iniisip pa niya ang susunod na kabanatang isusulat niya. Hawak niya ang kanyang cellphone saan man mapunta kahit sa loob pa ng c.r.. Matitigil lamang siya kung lowbat na ito at kailangan nang i charge. Ano pa nga ba at naging napakalaking porsyento ng pang araw araw niyang gawain ang pagsusulat ng kanyang unang istorya.
At natutunan na nga ni Edwina ang pag gawa ng book cover. Gaya ng pangako.., ito nga ang gumawa ng napakagandang book cover para kay Elaine. At pagkatapos ay binasa nito ang nagawang draft ng nakatatandang kapatid. Matiyaga nitong ikino correct ang ilang mali sa gawa ng ate. Nang matapos ay nasisiyahan itong nagsalita.
"Napaka ganda ng istoryang ito ate! Tiyak na marami ang magbabasa nito at magkakagusto. Apat na kabanata pa lang pero napaka interesting na ng flow ng istorya. Parang nakikita ko ang binabasa ko! Ang galing mo talaga, ate! ", matapat na puri ni Edwina sa panganay na kapatid.
Nasisiyahang ngumiti si Elaine sa tinanggap na papupri mula sa kapatid.
"Syempre kapatid mo ako eh, natural lang na maganda ang sasabihin mo sa gawa ko.", walang tiwala sa sariling sabi ni Elaine.
"Hindi..., ate. Kahit ate kita kung napangitan naman ako sa isinulat mo ay sasabihin ko pa rin sayo. Ako man ang number one fan mo ay ako rin naman ang number one mong kritiko! Kaya dapat lang na galingan mo, kasi mahigpit ako!", pagkasabi ay namewang pa si Edwina at tila isang nanay na nagsermon sa anak.
"Opo, ate Edwina.. Gagalingan ko po para hindi ako mapahiya sa nag iisang tanga hanga ko..., este taga hanga ko!", nakangiting sabi ni Elaine sa kapatid na biglang pumihit palapit sa kanya.
"Sige na ate..., i publish mo na!", excited na mungkahi nito. Inihanda pa nito ang sariling cellphone upang agad na mabasa sa newsfeed ang pag update ng ate na pina follow.
Bahagya pang tumalun talon si Edwina na parang bata nang makita na ang gawa ng ate niya sa cellphone na hawak. Inilagay agad niya sa library at sa reading list ang istorya nito. Kahit nabasa na kanina ay muli niya itong binasa at pagkatapos ay ibinoto ang bawat chapter.
Napangiti si Elaine nang mag appear ang username ng kapatid sa notification niya. Nag comment pa ito ng napakagagandang salita na lalong nakapag pangiti sa kanya.
Matapos basahin ang mga komento ng kapatid ay nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap.
"Salamat sa palagi mong pagsuporta sa akin, Edwina. Salamat at palagi kang nasa tabi ko para palakasin lagi ang aking loob. Salamat sa paniniwalang magaling ako. Salamat at naging kapatid kita..", madamdaming sabi ni Elaine.
"Ang ate naman, mahal ka naming lahat. Ni Mommy at ni Daddy.., ni kuya Errol at ni ate Eliah. Hindi ko nga lang sila kagaya na madaldal at showy. Alam mo naman sa pamilya natin tayong dalawa lang ang talagang matino mag isip. Tayo lang ang normal. Alam natin kung ano ang magpapasaya sa atin at kahit pa gaano kasimple at gaano kababaw ay napapangiti na tayo. Di gaya nila na palaging concious sa sasabihin ng iba. Ang hirap tuloy nila masiyahan, napakadaming hinahanap at palaging may kulang. Kita mo lagi silang seryoso kaya ang bilis nila tumanda. Pero tayo..! Huh..! Young at heart at laging baby face..!", paarteng sabi ni Edwina. Dinaan nito sa masayang pagbibiro ang pagse self pity ng panganay na kapatid.
Natawa si Elaine sa pakwela ng bunso. Alam niyang sinisikap nitong mapagaan ang loob niya. At ganun din ang gagawin niya. Pagagaanin niya ang loob nito sa pagpapakita dito na masaya na siya at hindi na palaging nagmumukmok. Pagtitiwalaan niya ang kanyang sarili gaya ng pagtitiwala nito sa kanya.
Ilang araw pa ang lumipas.., may ilang nadagdag sa mga nagbasa ng sinulat niya. Masayang masaya na siya sa ganun. Ang pinaka importante sa kanya ay makagawa ng mga kwento.., ang makapag sulat.
Mabilis niyang natapos ang dalawampung kabanata ng una niyang kwento. Nagkaroon ito ng ilang reads at ilang votes na agad niyang nire replayan upang pasalamatan.
"Ganito pala ang pakiramdam kapag may ibang taong napapahanga. Napaka sarap at napaka saya pala! Dati ay si Edwina lang ang naniniwalang may talento ko, pero ngayon ay may iba pang tao ang nagsasabi at nagpaparamdam sa akin ng ganun. Dati ay si Edwina lang din ang pumupuri sa aking pero ngayon ay may mangilan ngilan na ring pinupuri ang gawa ko.!", nakangiting sabi ni Elaine.
Lalong ginanahan at lalong pinagbuti ng dalaga ang ginagawa. Gawaing hindi naibigan ng dalawang kapatid at ng sariling ama.
"Ano naman ang nahihita mo sa kagagawa ng kwento diyan sa Wattpad na yan? Nagkakapera ka ba diyan? Binabayaran ka ba sa mga kwentong pinagpupuyatan mo at pinag aaksayahan ng panahon ha, Elaine?", tanong ng ama nang minsang madatnan siyang seryosong seryoso sa pagtipa.
Nasa loob siya ng tindahang kasasara pa lang. May nag appear sa notification niya kaya nakangiti niyang nire replayan. Bahagya pa siyang napaigtad nang marinig ang boses ng ama.
"Baka naman napapabayaan mo na ang pagtitinda dahil sa kaka Wattpad mo, ate? Malulugi ka niyan.", sundot na tanong namang ni Eliah nasa likuran niya rin pala ito.
"Libangan ko lang naman ito, Daddy. Hindi ko naman napapabayaan ang pagtitinda kahit nagsusulat ako.", katwiran ni Edwina na sa kapatid na babae nakatingin.
"Ate..., hindi na libangan yan. Na hook ka na diyan. Hatinggabi na nagwa Wattpad ka pa. Kahit kumakain ka, Wattpad pa rin. Kahit yata sa pag gamit ng c.r. nagwa Wattpad ka pa rin. Aba! Hindi na maganda yan. Baka kapag nagkasakit ka eh hindi ka man lang mapadalhan ng isang biogesic ng mga libreng nakakabasa ng mga kwento mo.", tila nagsesermong sabi ni Errol katabi rin ito ng kanilang ama.
"Baka umaasa si ate na madi discover din siya someday at sisikat!", nakakainsultong sabi ni Eliah na sinundan ng mahinang pagtawa.
Nasaktan si Elaine sa tahasang pang uuyam ng kapatid. Kahit nakaharap ang ama ay hindi na nito napigilan ang sarili.
"Inaano ko ba kayong dalawa ha? Kapag ba umuuwi kayo ng lasing galing sa gimikan, pinakikialaman ko ba kayo? Kapag halos walang matira sa sweldo nyong napakalaki dahil sa pinambayad nyo sa napakadami nyong utang sa bangko dahil sa mga kaswa swipe ng credit card nyo para sa mamahalin nyong mga damit at sapatos, pinakikialaman ko ba kayo?", may diing tanong ni Elaine.
"Perang pinaghirapan namin ang ginagastos namin ate.", sagot ng napahiyang si Errol.
"Ako, walang ginagastos na pera sa libangan ko. Nandito pa rin ako sa loob ng tindahan at nagtatrabaho. At ano naman ang masama kung pangarapin kong maging sikat na writer. Apektado ba kayo? Kasi bobo ako kaya malabo mangyari yun? Pati ba naman ang mangarap na lang hindi pa rin pwede? Kayo lang bang matatalino at magagaling ang tingin sa sarili ang pwedeng mangarap? At isa pa, baka nakakalimutan ninyong ako ang mas matanda sa inyong dalawa. Sa talino nyong yan, siguro naman alam nyo ang ibig sabihin ng itinatawag nyo sa akin?", maotoridad at buo ang loob na sagot ni Elaine sa dalawang kapatid na natilihan. Hindi rin nakapagsalita ang kanilang ama. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang niya narinig ang panganay na anak na magsalita ng ganun.
"Tama na yan, pagkatapos mo diyan ay pumasok ka na at magpahinga.", nasabi na lang ng ama at pagkatapos ay umuna na sa pagpasok sa loob. Agad namang sumunod si Eliah at Errol sa ama., nakaramdam ng takot sa ate na nakatingin lang sa kanila.
Nang makalayo ang mga kapatid at ang ama ay napaupo si Elaine. Habol ang paghinga. Hindi niya akalaing magagawa niya ang pagtatanggol na iyon sa sarili.
BINABASA MO ANG
Misteryo sa Wattpad
HorrorIsa ka bang manunulat o mambabasa? Mambabasa na naging manunulat? O manunulat na mambabasa dito sa Wattpad? Halika..! Samahan mo akong tunghayan ang dalawang kwento ng ating mga bida. #1 Ang Follower Si Elaine.., panganay sa apat na magkakapatid. Pi...