Kabanata 23

2.4K 128 9
                                    

Night Sky

Habang naglalakad pabalik ay hindi matawaran ang kaba ng aking puso sa naging eksena namin ni Ellwood kanina. Unang beses kong nakatanggap ng regalo mula sa kaniya. And it made my heart fluttered and redder. Ramdam ko pa rin ang mainit niyang kamay na pumapaso sa aking balat, lalo pa ang mga katagang binitiwan niya sa'kin kanina.

Sinulyapan ko ito habang naglalakad kami sa dalampasigan. I know that he's not a typical guy who could spend his time for a girl like me. Ako na walang laban sa mga babae na nakakasalamuha niya, kina Pia, Paroah at higit sa lahat kay Emory. I'm just a teen ager who seek for revenge. At wala nang dapat kinalaman doon si Ellwood pero heto siya ngayon pinili akong makasama kahit pa walang kasiguraduhan kung magtatagal ba ang ganitong set-up.

I love being with him. Kahit pa walang palya ang kaba sa aking puso kapag nasa malapit siya ay mas ramdam ko naman na safe ako kapag kasama siya. 

"Wanna go watch the live band?" He look at me over his shoulder.

Tinanaw ko ang live band sa hindi kalayuan. Marami rami na rin ang tao doon. Ang iba nga ay naglatag pa ng panapin sa buhangin habang may mga alak sa kanilang harapan. Ang mga nakikisaya ay nasa mismong harapan ng stage kung saan sumasabay sa tugtog at nakikikanta pa.

"Sure..." Pag-sangayon ko dito.

Hindi nagtagal ay nasa mismong harapan na kami ng stage. Mas marami pala ang tao dito kumpara sa nakita ko kanina. Halos lahat ay naka summer attire at ang iba pa nga ay naka bikini while holding some drinks and jamming at the band.

I wore a maxi dress that's fit for tonight's event. Ellwood is wearing his summer short and white polo shirt. Tama lang para sa kasiyahan.

May lumapit na waitress dito na may dalang inumin. Gaya ng iba ay naka bikini ito at may headband na bunny sa buhok. Tiyak na isa ito sa pang-akit nila sa customers kaya ganito ang mga suot nila.

Sa tingin ko ay cocktail drink lamang iyon at may ilan pang brandy sa tray. Ellwood picked the cocktail drink and gave it to me, humila naman siya ng isang barndy sa rock glass.

"The woman at the bar counter bought this for you. She asked if you are free tonight?" The waitress asked him with a sexy smile on her lips. 

I bit my lips. Bahagya akong umatras at yumuko. Bigla ay nakaramdam ako ng pagka-ilang. Ilang beses nang nangyari ito pero hindi pa rin talaga ako masanay sa atensyon na binibigay nila kay Ellwood.

"Tell her thanks for the drinks, but I'm with someone right now." Itinaas niya ang baso sa may counter table kung saan naroon ang babae na may hawak ng kopita ng alak.

"No, problem, sir." Sumulyap muna sa akin ang waitress bago muling ngumiti ng matamis kay Ellwood.

Yumuko naman agad si Ellwood sa'kin. I bit my lip again, nanatiling tahimik sa tabi n'ya. Kung pwede lang lamunin na lang ako ngayon ng lupa ay  ginawa ko na. Pakiramdam ko ay hindi talaga ako bagay sa kung anong mundo ang meron siya ngayon.

"Let's go to some place where we can drink this alone." Hindi iyon isang permiso kundi isang desisyon na hindi kailangan ng pagsang-ayon ko.

Sumunod ako sa gusto n'ya at naglakad kami sa kahabaan ng dalampasigad. May ilang restaurants at ilang sand party pa kaming nadaan bago niya makita ang tamang spot para sa aming dalawa.

Sa isang live band kami tumigil na puro love song lang ang pinatutugtog. Naupo kami sa isang rock formation hindi malayo doon. I sipped on my cocktail drink while enjoying the music. Gayon din si Ellwood sa tabi ko.

"Sorry, I know you're uncomfortable being with me." Umpisa n'ya.

Doon ko na ito sinulyapan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng puso habang pinapanood siya kung paano ubusin ang alak sa  kaniyang baso. Akala ko ay hindi niya napapansin na hindi talaga ako komportable na kasama siya sa public place, because of our age differences. Pero gayon pa man I enjoyed being with me. 

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon