Kabanata 41

657 38 6
                                    

Kabanata 41

Dark Night

Malalaki ang hakbang ko habang malakas ang buhos ng ulan. Madilim at masukal ang daang tinatahak ko palayo kung saan may mga yabag na sumunod sa'kin.

Mariin akong pumikit at nagdasal na sana'y makalabas ako ng ligtas sa gubat. Ngunit may mga kamay na gumipit sa'kin kaya ako natigilan.

Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ang lalaking 'yon.

"Dolfo!" 

"Saan ka pupunta. Hindi ka makakatakas sa'kin. Isasama kita sa libingan ng mga magulang mo!"

Malakas n'ya akong tinulak at napahiga sa hinukay na libingin.

Agad na nangatog ang mga tuhod ko nang makita kong bumunot ito ng baril. Ang baril na siyang ginamit n'ya sa pagpatay kay daddy.

"Adios, Venizensa!"

Isang malakas na putok ang umalingaw-ngaw sa paligid na siyang nagpasigaw sa'kin.

"Venice, gising!"

Napabalikwas ako nang bangon at napaghagulgol dahil sa matinding takot.

“Hindi! Daddy, Mom!" sigaw ko.

Mabilis akong niyakap ni Ellwood habang patuloy sa pag-agos ang masanang luha sa aking mga mata.

"Natatakot ako, Ellwood. Baka ako na ang isunod ni Dolfo!"

"Sssh, that will never gonna happen. Hindi ko hahayaan na saktan ka nila lalong lalo na ni Dolfo," aniya sa mahinang boses.

Doon na rin bumukas ang pinto at pumasok si Manang Gloria na may dalang baso ng tubig na siyang mabilis na inabot sa a'kin.

Dahil wala na sa mansyon sina Auntie Celeste ay hiniling ko na dumito muna pansamantala sina Manang Gloria, Issay at Allan. Tutal ay sa lumang mansyon naman na sila ni Ellwood naninilbihan at kung kailan lamang umuwi si Ellwood doon ay saka lamang sila ipapatawag kaya't naisipan ko na kunin muna sila.

Agad naman na pumayag ang mga ito. Ang pamangkin ni Manang Gloria ay umuwi na ng probinsiya upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Bukod sa pagpapa-aral ni Ellwod sa mga bata ay binigyan ko rin sila ng tulong pinansyal. Ilang linggo lang naman ang hiniling ko kay manang dahil alam kong kakailanganin siya ng kaniyang mga pamangkin doon. Isa pa ay ayoko na rin siyang pag trabahuhin.

"Salamat po," mahina kong sambit sa ginang matapos kong mahimasmasan.  Siya itong tumango bago lumabas ng aking silid.

Sina aling Lusing at mang Teban ay hiniling ko na rin na magretiro na. Kasabay nang pagkakaloob sa kanila ng pamana ni daddy. Ngunit matigas ang ulo ng dalawa at hindi daw sila papayag na iwan ako dito. Lalo pa't hindi ko pa nakakamtan ang hustisya sa pagkawala ni daddy.

Nag-aalala din sila sa pwedeng mangyari sa'kin ngayon, lalo pa't tiyak na hindi papayag si auntie Celeste na basta na lang mawalan ng posisyon sa kompanya.

Naalarma ako nang umayos na ng tayo si Ellwood. Mabilis kong hinawakan ang laylayan ng suot niyang t-shirt.

"P-pwede bang dito ka muna?" Tumingala ako dito habang na ngingilid ang mga luha sa mata.

Sandali naman naglagi ang mga titig niya sa'kin bago ko makitang umigting ang mga panga.

"Go back to sleep, I will be on the couch."

Malaya kong pinakawalan ang damit n'ya. Huli na rin para bawiin ko ang sinabi. Baka kasi kung ano ang isipin niya sa huli kong sinabi.

Marahan akong bumalik sa paghiga. Gayon din ito yumukod upang ayusin ang comforter sa aking katawan.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon