Kabanata 36

1.9K 68 10
                                    

Tree House

Pasado alas dose ng tanghali nang mapagpasyahan namin na ilatag ang dala naming banig na padala ni Aling Lusing sa ilalim ng malaking puno. Dito na lang namin piniling kumain kesa ang pumasok pa sa loob ng bungalow.

Dito kasi ay sariwa ang hangin at hindi naman masyadong kainitan. Nakapagbanlaw na rin kami matapos namin lumusong kanina sa tubig. Plano naman namin manungkit ng mangga kapagtapos kumain saka ulit maliligo.

"Wow! Mukhang mapaparami ang kain ko nito, ah!" bulalas ni Allan na siyang pumwesto  na sa tabi ni Issay.

Ngumiti ako matapos ay binisita ang mga pabaon sa aming pagkain nina Aling Lusing at Manang Gloria. Halos paborito ang mga 'yon lalo na ang fried chicken.

Ngunit kahit kagatan ay hindi ko 'yon magawa dahil ukupado pa rin ng utak ko ang mga sinabi kanina ni Ellwood. Nasa loob sila ngayon ng bungalow at doon napiling kumain kasama si Paraoah.

Kumibot ang aking mga labi. E 'di sana ay hindi na lang siya sumama dito kung mag-iinarte lang siya," bulong habang nakanguso.

"Ano 'yon? May sinasabi ka ba, Venice?" pukaw sa'kin ni Issay.

"Ah, wala. Sabi ko mukhang masarap itong fried chicken." Hindi na ako nagdalawang isip pang kagatan ang manok at ninamnam ang masarap na lasa.

"Ikaw ba, pare hindi ka ba kakain?" Si Allan naman na pinansin ang kanina pang nananahimik na si Iverson.

"Wala akong gana," aniya at walang pasabing tumayo at naglakad palayo at sa tingin ko'y diretso na ito pauwi sa mansyon.

"Anong problema no'n?" kunot noong bigkas ni Issay.

"Hayaan mo na 'yan at mabuti pa bilisan na natin ang pagkain at manguha na tayo ng mangga!" 

Sabay naman tumango sa akin ang dalawa at masiyang binalik ang masiglang pagkain.

Habang ako ay mas nalubog sa malalim na pag-iisip. Hindi ko rin kasi mawaglit ang sinabi ni Iverson kay Ellwood matapos niyang sabihin na gusto niya akong ligawan.

"Sinasabi ko na nga ba, may dahilan kaya panay ang balik mo dito sa San Marcelino dahil kursunada mo ang pinsan ko," Iverson chuckled.

"She's on her legal age. Wala akong nakikitang masama doon," bawi naman ni Ellwood.

Tila ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan kahit pa basang basa ang aking buong katawan sa malamig na tubig. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking dalawang pisngi sa mga narinig.

Ngunit tinawanan lamang ni Iverson ang kaniyang sinabi.

"She's too young for you," he mocks. "Hindi ka ba nahihiya sa sasabihin ng iba kung sakaling ligawan mo nga itong pinsan ko?"

Mabilis an bumaling ang tingin ko kay Elwood at pansin kong umigting ang panga niya habanng seryoso ang tingin kay Iverson.

"Hindi ba mas nakakahiya malaman ng iba na intresado ka sa pinsan mo?" aniya sa tila kalmadong boses.

Doon na tila hindi nakapagtimpi si Iverson at tangkang susugurin si Elwood nang pumagitan ako.

"Ano ba, itigil n'yo nga 'yan! Para kayong mga bata!" Hindi ko na hinintay na sumagot ang mga ito pagkat pareho ko na silang tinalukuran...

MABAILIS   kong pinilig ang aking ulo at tahimik na lang  na tinapos ang pagkain. Namg matapos ay inaya ko na sila sa manggahan upang ipagyabang sa kanila ang mga namumutiktik naming punong kahoy.

"Grabe ikaw na talaga, Venice!"  bulalas na puri sa'kin ni Allan habang namamapak ng hinog na mangga.

"Sobrang tamis ng mangga pwede nang pang export!" si Issay naman na sarap na sarap sa kinakain.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon