Kabanata 7

4.8K 239 22
                                    

Kabanata 7

Juice

Dala ng matinding pagod sa byahe ay mabilis akong hinila ng antok. Naalimpungatan lang ako nang mahipan ng malamig na hangin ang pisngi.

"Madilim na pala."

Kusot ang matang sumilip ako sa labas matapos ay bumangon na at dahan-dahang bumaba sa hagdanan.

Nakarinig ako ng mga ingay at tawanan sa kusina kaya lakas loob akong sumilip doon.

Si Manang Gloria at si Ellwood ang naabutan kong nagku-kwentuhan. Pero hindi lang silang dalawa ang naroon, may tatlo pang naroon, isang babae at lalaki na tiyak kong matanda lamang sa akin ng ilang taon. At ang babaeng katabi ni Ellwood.

Kumunot ang noo ko, hindi kasi ito ang babae sa litratong nakita ko sa barko.

"Oh? Gising na pala si Venice!" ani Manang Gloria nang malingunan ako.

Lumingon silang lahat sa akin ngunit kay Ellwood lamang napako ang aking tingin. Hindi ko mapigilang pag-initan ng dalawang pisngi nang maalala ang eksena kanina.

Stupid Venice!

Kung pwede ko lang takpan ang mukha ko ay ginawa ko na dahil sa matinding kahihiyan.

"Mabuti at gising ka na, ihahanda ko na ang hapunan," ani Manang Gloria.

"Sila pala ang makakasama mo dito si bahay, si Issay at Allan." Pakilala ni Ellwood sa dalawa.

"Hi, Venice! Ang ganda mo naman!" Kaway sa akin ng nag ngangalang Issay.

Tipid na ngiti lamang ang ginanti ko dito.

"Ako nga pala si Allan, single." Kumindat pa ito sa akin kaya hindi ko napigilang hindi ngumiti rin.

"Hi.." Nahihiya kong saad.

Sumulyap ako sa katabing babae ni Ellwood. Kahit nakaupo ay alam kong matangkad ito, may balingkinitang katawan at magandang hugis ng mukha. Medyo revealing din ito mag damit, spaghetti strap at short shorts habang nakabalbal ang sweater sa paniyang bewang.

"Ito ba 'yung sinasabi mong nawawala?" anang babaeng katabi ni Ellwood.

Bahagyang kumunot ang noo ko sa kaniyang tinuran at bumaling ngayon kay Ellwood na titig na titig sa akin.

"Yeah, siya iyon," anito sa baritonong boses.

"Hi, I'm Pia." Pakilala nito sa akin.

Ngumiti lang din ako dito at inumpisahan maglakad palapit kay Manang Gloria.

"Tulongan ko na po kayo d'yan." Hinila ko ang mga plato at dinala sa komedor.

Pagbalik ko ay sumulyap ako sa banda nila Ellwood na siyang saktong sumisimsim ng alak sa baso.

"Halika ka na, hija. Mukhang mamaya pa kakain ang mga iyan." Bulong sa akin ni Manang nang madaanan ako.

Iniwan ko pa ng isang tingin ang mga ito na abala sa pakikipagkwentuhan.

"Siguradong gutom ka na, aba'y hindi ka nag miryenda kanina."

Sumunod ako dito at tahimik na naupo sa silya. Ako lang ang kumain mag-isa, habang naririnig ko mula dito ang malakas nilang tawanan at kwentuhan.

Nang matapos ay ako na rin ang nag presintang magligpit at maghugas ng aking pinagkainan. Bagaman pinigilan ako ni Manang Gloria ay mariin pa rin ang pagpupumilit ko.

"Venice, dito ka muna. Kwentuhan tayo." Pigil sa akin ni Allan sa tangka kong paglabas ng kitchen.

Muli akong sumulyap kay Ellwood na siyang hinihintay ang magiging sagot ko.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon