Kabanata 43

519 36 3
                                    

Kabanata 43

Waves of Emotion

Hanggang marating namin ang hacienda ay wala kaming pansinan.

I wanted to reach out, to bridge the gap, but I was frozen in place, paralyzed by the fear of saying the wrong thing and I didn't know how to approach him.

The truth was, I was embarrassed. The gift Jonas had given me, a gesture of friendship meant nothing to me.

Paano ko ba 'yon ipapaliwanag kung hindi naman ako sigurado na 'yon nga ang dahilan kaya hindi n'ya ako pinapansin.

I was afraid of his reaction, afraid of the words that might tumble from his lips. Kaya minabuti ko na lang din na tumahimik at 'wag siyang kausapin..

"Congratulations, señorita Venice!" halos sabay-sabay nilang bati sa'kin matapos namin makababa ng sasakyan.

Maluwang ang ngiti kong sinalubong sila. Inimbitahan kasi lahat ng empleyado ng hacienda na siyang talagang malapit sa'kin.

Kaya halos mapuno ang bakuran namin sa dami ng tao. Sinigurado kong komportable sila at makakakain ng madami. Dahil bukod sa luto nina Aling Gloria ay nagpa-catering din ako para sa kanila.

"Congratulations, Venice!" tili ni Issay na siyag yumakap sa'kin, kasunod niya sina Allan, Aling Gloria at ilang empleyado sa mansyon.

"Salamat sa inyo," mahina kong sambit. Para kasing gusto bumalong ng mga luha ko sa sobrang saya.

Wala nga sa tabi sina dad at mom, nandito naman sila upang damayan ako sa masayang parte ng aking buhay. Doon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa kanila.

"Huwag kayong mahihiya kain lang po kayo ng kain," wika ko sa mga trabahador ng haciénda nang lapitan ko ang kanilang lamesa.

"Maraming salamat po sa pag-imbita n'yo sa amin señorita at congratulations din po pala sa inyo," wika ng isang sa mga tauhan.

Tinapik ko pa ang balikat nito matapos tumango. Lumipat din ako sa ibang lamesa at nang matapos ay saka lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na kumain.

Kasama ko sa lamesa si Issay at si Allan. Abala pa kasi sina Manang Gloria at ang iba sa pag-aasikaso.

Hindi ko na namataan si Ellwood sa lugar. Pantaha ko'y umalis na ito pagkahatid sa'kin bagay na nagpapasikip ng dibdib ko.

Wala akong nakikitang masama sa ginawa ni Jonas kanina, saka maliit na bagay 'yon para pagtalunan namin.

"Señorita kanina kapa yata tahimik?" pukaw ni Issay sa'kin.

Ngumiti ako dito at tinuloy ang pagkain.

"Siguro iniisip mo si señorito Ellwood? Nandoon na sa kaniyang silid. Magpapahinga lang daw saglit at masakit ang ulo," ani Allan.

Tumango ako sa mga ito. Hindi kaya masama lang talaga ang pakiramdam n'ya kaya hindi n'ya ako kinikibo kanina pa?

"Ang mabuti pa akyatin mo na doon para ayain kumain, kami na ang bahala dito," ani Issay na siyang kumindat pa sa'kin.

My both cheek turned red. Hindi ko kasi matagalan ang tinging binigay sa'kin ni Issay at Allan.

May alam ba sila sa namamagitan sa amin ni Ellwood?

Matapos ko ngang kumain ay nagpasya akong umakyat sa kaniyang silid bitbit ang ilang pagkain na si Manang Gloria ang naghanda.

Marahan akong kumatok sa kaniyang silid at naghintay ng ilang segundo bago ko marinig na may sumagot.

"Bukas 'yan pasok!"

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon