Kabanata 34

2.5K 88 7
                                    

Kabanata 34

Make-up

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko na rin tinapos pa ang pagtitipon dahil tiyaka na kokomprontahin lang ako ni Auntie Celeste tungkol sa mga sinabi ko kagabi.

Hindi ko na rin nagawa pang makapag paalam kay Ellwood na minsan ko pang sinulyapan na kausap si Paroah.

Kung meron lang sana kaming pagkakataon na mag-solo pa kagabi ay gagawin ko, ngunit tila kapit tuko dito ang babae na 'yon kaya pinasya ko na lang na matulog.

Dahil doon ay maaga rin akong nagising kinabukasan. Maagan ang mga kilos kong naligo at nagbihis. 

Humarap ako sa salamin at sinipat ang suot na dress na suot. Ngunit sumilay ang mga ngiti sa aking labi matapos ay bumalik sa aking walking closet upang pumili ng ibang dapat na suotin.

Mas lumuwang ang mga ngiti ko sa labi nang damputin ko ang isang crop top sleeveless  na tinernuhan ko ng high waist denim short na kulay puti. Halos umangat ang huog ng katawan ko nang malantad ang aking bewang. Idagdag mo pa na may ilalabanan na sa mga katulad ni Antoinette.

Hindi rin ako nagpaawat nang magpahid ng medyo makapal na lipstick sa aking labi at nagpahid ng blush on. I wanted to look mature and attractive on my first legal age. Gusto ko rin ipakita sa kanila na hindi na ako yung dating Venice na pwede nilang paikutin sa kanilang mga palad nila. 

Maluwang ang ngiti ko nang maabutan sina Manang Gloria, Issay at Allan sa hapag. Kasabay nito sa lamesa sina Auntie Celeste at Iverson. Pansin kong wala doon si Dolfo na siya kong pinagkibit balikat, at ang huli ay si Ellwood na katabi mismo si Paraoh sa dulong bahagi ng lamesa.

"Good morning!"

Hindi naman agad sila sumagot pagkat pansin kong natulala ang mga ito buhat nang makita ako. Si Iverson nga ay hindi maituloy ang isusubong pagkain sa kaniyang kutsara habang nakatingala sa akin.

"V-Venice, what do you put on your face?" tanong ni Auntie Celeste. Pansin kong nanginginig ang boses nito sa hindi ko mawaring dahilan.

I smiled widely. "Ano pa e, 'di make-up!"

Ngunit laking gulat ko nang bumunghalit ito ng tawa. Hindi lamang 'yon maging ang ilang miyembro ng mga bisita sa hapag ay hindi mapigilan ang tumawa.

"Ano kaba bakit mukhang pang circus 'yang mukha mo?" sambit pa ni Iverson. Hindi rin maampat ang tawa nito habang nakatingin sa'kin.

Mabilis naman akong tinamaan ng hiya lalo pa nang mabaling ang tingin ko sa banda nina Elwood at Paroah. Madilim at seryoso lamang ang ekspresyon ng mukha nito habang si Paraoh ay hindi na rin mapigilan ng sumilay na ngiti.

"Hija, halika't hihilamusan muna kita." May pag-aalala sa mga tinig ni Manang Gloria nang lumapit sa'kin. Hindi naman ako nagmatigas at nagpahila na dito palayo sa lamesa.

"Ano ba naman kasi ang pumasok ang pumasok d''yan sa kukote mo't nag make up ka ng ganyan?"

Tumapat ako sa lababo at naghilamos.

"Wala naman masama kung mag makeup ka. Pero hindi ba masa maganda yung simple lang? Maganda ka na kahit wala kang make-up," aniya habang inaabutan ako ng bimpong pamunas.

Ngumuso ako at tumango bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Ngunit hindi ko napigilan ang magsita.

"Pero ano po bang nakakatawa sa ginawa ko? Nasa tamang edad naman na ako para maglagay ng kolorete sa mukha.:

"Nandoon na ako, kaya lang hindi mo kailangang magmadali. Saka saan mo ba natutunan ang pagpapahid ng ganoong make-up?"

Kumibot naman ang aking mga labi at hindi makasagot. 

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon