Kabanata 26

2.2K 93 5
                                    


Kabanata 26

Hurt


Ilang araw din akong wala sa wisyo habang iniisip ko kung sino ba ang kausap ni Ellwood sa kabilang linya nang tawagan ko siya. Malayong si Pia ang babae na 'yon dahil kahit sandali ko lamang ito nakilala ay alam ko ang boses nito, kahit pa si Paroah.

Tiyak na isa na naman iyon sa mga babae n'ya. Oh, baka marahil ay si Emory 'yon? Hindi malayong si Emory ang kausap niya. Ramdam kong may kumurot sa dibdib ko nang mapagtanto ang bagay na 'yon.

"Earth to Venice!"

Nilingon ko si Menchie na siyang umikot naman ang mata sa'kin.

"Are you with me? Kanina pa ako salita ng salita dito pero mukhang nasa kabilang mundo ka, ayos ka lang ba?"

"Ano ulit 'yon?"

"Sabi ko ano ang plano mo sa nalalapit mong kaarawan?"

Tumikom ang aking mga labi. Sa totoo lang ay wala akong plano. Ayokong magpa-kotilyon gaya ng ginagawa ng mga teen-ager ngayon. Pero sa tingin ko ay hindi ko mapipigilan si Auntie Celeste na magpa-party sa mansyon. Isa din kasi iyong strategy para makahikayat ng ibang investors at mapalawig pa ang koneksyon ng kompanya.

"I don't know, maybe Auntie might have plans for my birthday, but I just want to sleep instead of faking my birthday party." I just shrugged my shoulder. 

"Ang kill joy mo. Once in a blue moon lang mangyari saiyo ang bagay na 'yon. Ayaw mo no'n pwede mo nang makasayaw ang mga crushes mo!" Tila kinikilig naman ito nang banggitin ang bagay na iyon.

I rolled up my eyes. Ito lang naman ang habol ni Menchie kaya n'ya ako kinukulit na magpa-party sa nalalapit kong birthday sa susunod na buwan. Pero sino naman kaya ang iimbitahan ko para maging 18th roses ko?

"Tinatanong pa ba 'yan, anong ginagawa ng grupo nila Iverson at nina Jonas. I think the party will be more exciting kapag pinagsama mo sila sa party. Baka nga magka-ayos pa ang mga iyon e," saad niya na malawak pa ang ngiti sa'kin.

"Baka kamo mas lalo pang magkagulo." Umirap na ako dito at binalik ang tingin sa soccer field. Nasa gitn ng field si Jonas. Hals kalahating oras na kaming nandito sa bleacher para panoorin siya matapos ang klase. He invited us to watch his practice. Malapit na kasi ang laro nila laban sa kabilang school. That's why we're here to show some support.

"Sa tingin ko naman they maybe act like civil kapag may mga adults nang naroon. Besides, your aunt Celeste will never allow such a thing." Tumango si Menchie tila gustong suportahan ang kaniyang sinabi sa 'kin.

Hindi na ako sumagot, tiyak naman kasi na pina-planstiya na ni Auntie Celeste ang lahat. Sigurado na rin akong nagpapadala na ito ng imbitasyon sa mga kasama n'ya sa kompanya at business partners. She knows how to gain attention and yet sympathy in just a snap. She can also manipulate everything at kaya niyang paikotin ang isang tao kung gugustohin n'ya.

"Alam ko na ang una natin gagawin! Ang maghanap ng gown na susuotin mo sa party. Sa Sunday libre ako at may kakilala akong designer na pwedeng makatulong sa atin!" Pumalakpak pa ito sa'kin. Mukhang siya pa ang mas excited sa nalalapit kong kaarawan kumpara sa akin na walang ideya sa bagay na 'yan.

"Whatever!" Pinasya ko nang tumayo. Nakita ko kasi na tapos na ang practice nina Jonas kaya naghanda na ako para bumaba sa bleacher. 

Hindi ko na sila hinintay na makalabas ng locker room ang mga ito at inaya na si Menchi lumabas ng campus.

"Bumili muna tayo ng ice cream bago umuwi. Nauhaw ako kakapanood," wika ni Menchie. Hinila na niya ang kamay ko papasok sa store sa labasan mismo ng campus namin.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon