Kabanata 40

3.6K 116 29
                                    


Kabanata 40

The Heirs


Maliit ang hakbang ko habang palapit sa kanila. Hindi pa rin mawala ang pagtataka.

"Good morning, Miss Venizensa Zuares, I'm Police Detective Gun Marasigan." Pakilala n'ya at nilahad ang kamay sa'kin.

Inabot ko naman dito ang nanlalamig kong kamay at tumango sa mga pulis pa niyang kasama.

Doon na bumaling ang tingin ko kay Ellwood na siyang tumayo upang lapitan ako.

"Can you please take a seat, sweetheart," bulong n'ya sa'kin bago nito hawakan ng bahagya ang aking siko para maupo sa isang singlr sofa.

"Good morning again to Miss Zuares and on behalf of her family." Panimula ni Paraoah na tila walang kangiti-ngiti at pormal na nagsasalita ngayon.

Lihim naman akong nagtataka sa tinatakbo ng usapan.

"Hindi ko na siguro ipapakilala ang sarili ko sainyo pero gusto kong mag pakilala bilang si Attorney Paroah Benedicto. Ako nga pala ang personal na abogado ni Miss. Zuares." 

Pansin kong napasinghap si Auntie Celeste matapos magpakilala ni Paroah.

"Siguro nagtataka kayo kaya kami nandito together with detective Gun Marasigan." Saglit itong tumigil na tila naghihintay nang sagot mula sa tatlong natitigilan sa kanilang kinauupuan.

"But before we start, gusto kong ipakilala sainyo ang abogado ni Mr. George Zuares. Si Attorney Sandejas."

Pansin kong nagkatinginan sina Auntie Celeste at Dolfo sa narinig.

"Wait, he can't be his attorney. Dahil matagal nang abogado ng pamilya si Attorney Gomez." Tumaas ng bahagya ang boses ni Auntie matapos tapunan ng tingin ang pinakilalang attorney.

"Hindi ho pala kayo na-update ng yumaong si Mr. Zuares ukol dito? He has a personal attorney bukod sa family attorney ng pamilya." Patuloy ni Paroah.

Kitang kita ko kung paano manlaki ang mata ni Auntie sa nalaman.

"Good morning, Miss Venizensa. Ako ho pala si Attorney Jhon Sandejas." Nakipag kamay ito sa'kin na siya kong bahagyang nginitian.

"We are here today because our dearest Venice turned eighteen last week. Which means she is on her legal age now. At ang dahilan kaya kami nandito ni Attorney Sandejas ay para basahin ang last will and testament ng kaniyang daddy George para sa kanya," ani Paroah na hindi mababanaagan ng takot habang nagsasalita.

She is now on her poker face mode. Malayo sa palangiting Paroah kapag bumibisita dito sa mansyon.

"No, you must be kidding me, Attorney!  He can't be my brother's attorney. Ang alam ko ay walang last will ang aking kuya!" Si Auntie Celeste na tila namumuo na ang butil ng pawis sa noo.

"There is a last will and testament, you heard correctly." Tumaas na ang kilay ni Paroah sa huli.

Kumurap ako, hindi ko maipaliwanag ang tapang na pinapakita ni Paroah ngayon. Mabilis din akong sumulyap kay Ellwod na prenteng nakaupo sa tabi n'ya. Kita ko rin kung paano n'ya titigan si Paroah na tila proud na proud dito.

Lumunok ako at mabilis na umiwas ng tingin dito.

Doon na inilapag ni Attorney Sandejas ang attche case sa center table. Binuksan 'yon at inilabas ang isang puting folder kung saan naroon ang dalawang pages na papel.

"Ako si Attorney Sandejas ang personal na abogado ni Mr. Zuares ay babasahin ang huling habilin n'ya para sa mga naiwan niyang mahal sa buhay." Bumaling nang tingin sa'kin ang abogado matapos ay ngumiti.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon