Kabanata 1

9.5K 262 21
                                    

Kabanata 1

One year ago..

I woke up early hearing the birds singing through out my windows. My eyes take in every ray of light and without a doubt I know I've slept too long.

I rolled over the bed. Niyakap ng maige ang comforter sa aking katawan. I need more time to sleep, pakiramdam ko kasi ay hindi pa kumpleto ang tulog ko.

Siguradong mawawalan lang ng sigla ang araw ko kung pipilitin ko ang sariling bumangon. It will surely give me a headache too if I choose to get up and start a day early.

Kasalanan ito ni Menchie. Hindi n'ya kasi ako nilubayan hanggat hindi nakakakuha ng impormasyon tungkol kay Iverson. The arrogant and my air-headed cousin. I rolled up my eyes, thinking of that bastard. But that bastard really have a soft spot in my heart.

Elementarya palang ay malaki na ang pagkakaroon niya ng crush sa damuho kong pinsan na 'yon. But sad to say, hindi ang tipo ni Menchie ang papatulan ni Iver. He's such a motherf*cker f*ckboy!

I snapped out my thinking when I heard a small knocks on the door.

"Venice, gising na! Naghihintay na ang Daddy mo sa komedor!" I heard a taming voice of Aling Lusing behind the door.

Gusto ko pa sanang matulog pa. But I can say no to Aling Lusing, especially Dad na alam kong madalang pa sa patak ng ulan kung makasabay ko sa hapag.

"Susunod na po!" I said through my tight lips.

Hindi na ito muli pang nagsalita, bagkus ay narinig ko na ang mga yabag palayo.

Kung kanina ay bantulot pa akong bumangon, ngayo'y tila ako binuhasan ng gasolina sa sobrang liksi mula sa pagtalon sa aking kama hanggang pagdiretso sa banyo para mabilis na maligo.

It's Sunday today, which means, walang trabaho si Dad. Nandito lang s'ya buong araw ng Linggo kaya mas binilisan ko pa ang pagkilos. Never bothered to blow dry my hair. I just wore my simple T-shirt and my maong short for today's outfit.

Diretso na akong lumabas ng aking silid. The loud sounds of my footsteps leaving an high echo through out the entire floor. Maging ang mabilis kong pagkaripas pababa ng hagdanan ay gumagawa ng ingay.

"Por dios por santo! Venizensa!"

Natigil ang mga paa ko pababa nang maulinigan ang matinis na boses na 'yon ni Auntie Celeste. Agad na tumikom ang aking dalawang hita kasabay ng pagdaop ng aking dalawang palad mula sa gilid patungo sa aking harapan.

"George, kailan ba matututo ng tamang manners yang anak mo?! Aba, hindi na pabata iyang Unica hija mo!" The voice of Auntie Celeste blaring in my both ears as I stepped inside the dining area.

"Hayaan mo na, Celeste, she's just a kid." Pagtatangol sa'kin ni Daddy.

She hissed. "Kaya lumalaking spoiled brat iyang anak mo dahil d'yan sa pangangatwiran mo! Ewan ko ba saiyo George!"

I bit my bottom lip. Kasalukuyan na akong nakapasok sa bulwagan, pero hindi pa rin alintana iyon ni Auntie Celeste. I know, she noticed my instance appearance and she didn't even bother to stop. She's just busy nagging my Dad about my behavior.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon