Kabanata 32

2.2K 93 5
                                    


Kabanata 32

18th Roses

Hinigit ko ang paghinga buhat nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng aking silid. Agad iyong bumukas at sumilip ang maamong mukha ni Aling Lusing.

Humakbang ito at tuluyan nang pumasok sa loob. Hindi mapalis ang mga ngiti niya sa labi habang nakatitig sa aking ayos.

"Napakaganda mo apo," aniya sa basag na boses.

Alam kong pinipigilan lamang niya ang emosyon habang nakatanghod sa'kin, kaya ngumiti ako.

"Salamat ho." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa aking balikat at tinitigan ito buhat sa salamin.

"K-kung nabubuhay lamang ang iyong daddy... ay magiging proud 'yon saiyo," hindi na nito napigilang sabihin.

I bit my inner lip and tried to paint a smile. HInaplos ko ang ibabaw ng kaniyang kamay bago magsalita.

"I know, and he will be more proud of me kapag napagbayad ko na ang lahat ng may kagagawan ng pagkamatay nila."

Pansin kong kumunot ang noo ng matanda ngunit sa huli ay ngumiti sa'kin. 

"Mag-enjoy ho kayo sa party, at hayaan n'yo na ang mga inatasan ni Auntie ang mag-serve sa party," sa huli ay utos ko dito. Inatasan ko kasi sila na magbihis at makisaya sa pagtitipon kasama ng aming mga katulong. 

Sila ang aking mga piling bisita bukod pa sa aking mga classmate.  Pagkat naimbitahan na lahat ni Auntie ang dapat imbitahan sa pagtitipon na ito.

 Pinasya ko na rin bumaba kasabay ni Alimg Lusing. Agad rin akong pinakilala ng emcee nang makita akong pababa sa malaking bulwagan. Tiningnan ko isa-isa ang mga bisita na siyang pumapalakpak habang manghang mangha sa aking ayos.

Napansin ko agad ang grupo nina Iverson na siyang halos magsisigaw at magtuksuhan buhat nang makita ako. I just shook my head down and smiled a bit. Agad ding bumaling ang tingin ko sa grupo nina Jonas kung saan naroon si Menchie na  siyang may pinakamalakas na palakpak.

Nilingap ang paligid, Naroon sina Auntie Celeste at ang asawa nitong si Dolfo kahilera ng mga business partners ng kompanya. 

 Mas lalo naman lumuwang ang ngiti ko nang mapansin sina Manang Gloria kasama si Isay at Allan. Ngunit tila may kulang  dahil hindi ko natanaw na kasama nila doon si Elwood.

Biglang napawi ang mga ngiti ko sa labi at muling umiling. Bumagal din ang paghakbang na tila nawalan ng gana. Pumikit ako at inalala ang text niya sa'kin kaninang umaga. Sinabi niyang pupunta siya pero bakit wala pa siya?

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang lumapit sa akin si Iverson upang hingin ang aking kamay.

"May I dance with you?" he asked in a soft tone. Inabot n'ya sa akin ang unang rosas para sa gabing ito.

Hindi ko napigilang higitin ang paghinga nang magtama ang mga mata namin. Gwapong gwapo ito sa suot na itim na tuxedo na siyang bumagay sa maganda niyang tikas at tindig.

Tumiim ang aking mga labi matapos ay tinanggap na ang kamay niyang nakalahad sa'kin. Tumahip ng malakas ang aking puso nang hapitin niya ang aking balakang palapit dito. Kasabay no'n ay ang pagkislap ng camera sa amin.

"Happy Birthday," he greeted.

Isang ngiti ang ibinigay ko dito bago sumagot. Thanks!"

Pansin kong mas hinapit n'ya pa ang balakang ko kaya't napahigpit din ang kapit ko  sa kaniyang balikat.

"What is your gameplay, Iver," I asked suspiciously.

Pero ngumiti lamang ito sa'kin bago yumuko upang titigan ako sa mga mata.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon