Kabanata 18

2.8K 118 20
                                    


Dance

Iverson smirked at him.

Nahimigan ko ang bahagyang pagtawa ni Ellwood maging si Paroah. Ako naman ay yumuko na lang dala ng hiya sa inakto ni Iverson.

"Come on, hihiramin ko lang ang cousin mo. Wala akong balak na masama." Ellwood remain his posture.

Tumingala ako kay Iverson na hindi na ma-ipinta ang mukha dito. Hinila ko ang pisngi nito kaya ito yumuko sa'kin at sinalubong ang mga titig ko.

"Just for a moment," wika ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay na makabawi ito dahil ako ang kusang kumalas dito at humarap kay Ellwood.

Si Paroah ay lumayo na rin pero hindi napigilang bulongan ako. "Don't expect too much, silly girl," bulong nito bago kami iwanan.

Hindi ito nakipagsayaw kay Iverson imbes ay mas piniling makipagkwentuhan sa mga negosyanteng bisita na sumalubong sa kanya.

Nilingon ko pa si Iverson na sumama na sa grupo nila Samuel.

"Feeling disappointed?"

Umangat ang tingin ko kay Ellwood na nakayuko na pala sa'kin. Bakas sa labi nito ang manipis na ngiti.

I blew out a breath then shook my head down. Naramdaman ko kasing hinapit nito ang likod ko palapit sa kanya.

"Kung hindi ko alam na magpinsan kayo, tiyak iba na ang iisipin ko sainyo kanina," aniya pa.

Those words hit my inner thoughts. Gaanon ba kami kalapit kanina para isipin niyang may namamagitan sa amin?

"He's such an over protective cousin to me." Pagtanggi ko.

"But it seemed more to me," aniya.

Bahagya akong umiling dito. Hindi binigyan ng kahulogan ang kaniyang sinabi.

"And I think he likes you too..."

Tumingala ako dito bakas ang gulat sa kaniyang sinabi. No, hindi iyon pwedeng mangyari. Matagal na n'ya akong tinanggihan kaya paano n'ya ito nasasabi?

"That's impossible, Ellwood." I chuckled to ease the tensions forming in my heart.

"Yeah, but he is." His voice sounding more serious this time. Tila sigurado sa kaniyang pantaha.

Muli akong umiling at sinulyapan ang grupo nina Iverson sa isang lamesa. And our eyes lock for a beat seconds. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman nang salubongin ang mga titig nito. There's something in his eyes that I've never seen before... Something that sends signal to my heart. Until Ellwood cracked the moment.

"He's in love with you," bulong niya.

My body begun to flinched as Ellwood squeezed my back gently. Mabilis akong tumingala dito't sinalubong ang kaniyang mga titig.

Pansin kong mas lalong tumiim ang mga titig nito at wala na sa tono ang pagbibiro. Agad akong lumunok at nagbaba ng tingin. What is that mean? Tila hindi siya natutuwa sa natuklasan kay Iverson?

"Um, kamusta kayo ni Paraoh?" I smiled softly at him. Mas piniling ibahin ang paksa.

Ellwood chuckled. Mas ramdam ko ngayon ang mga braso nitong nakayakap sa'kin maging ang dibdib niya'y gahibla na lamang ang layo.

"We're working on your case. May ilang bagay lang siyang gustong klaruhin bago gumawa ng hakbang," sagot niya.

I pursed my lips. Hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin n'ya. Dahil ang gusto kong marinig ay kung ano bang meron sila.

"Good to know." Dahan-dahan akong tumango dito.

Nagwihalay kami noong natapos na ang tugtog. Hinatid n'ya ako sa grupo nina Iverson kaya wala akong nagawa kundi ipakilala ito sa kanila.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon