Kabanata 30

3K 122 14
                                    

Kabanata 30

Party

Dagsa na ang mga tao nang dumating kami sa lugar. The party is simple yet elegant. Halos puro ka-school mate namin ang bisita at iilan lang may edad na naroon.

"Pasok kayo, huwag kayong mahihiya. Kain lang kayo, ha." Giniya kami ni Maxine  patungo sa may buffet section.

Nagpahuli naman kami ni Ellwood. Ayoko ko kasing putaktihin nila ng tanong si Ellwood. Isa pa napansin ko na rin na iba ang tingin sa kanya ng ilang babae sa pagtitipon.

Matapos namin makakuha ng pagkain ay humanap na kami ng pwesto. Mabuti ay nakakita agad itong si Menchie sa bandang sulok habang katabi naman namin ang lamesa nina Jonas.

"Grabe may kaya din pala itong pamilya ni Maxine, no?" Puna ni Menchie habang tila sarap na sarap sa kinakain.

Tumango naman ako sa bagay na 'yon. Malaki nga ang bahay nila't halos mga naka politiko at businessman ang mga bisita. Bagaman ay ayaw daw ni Maxine magpa-kutilyon ay hindi pa rin maiwasan ng iba na magsayaw sa gitna ng dance floor.

Binilisan ko na ang pagkain dahil kanina pa ako hinihila ni Menchie para sumayaw. Mabuti ay inaya na ito ni Alex na siyang hindi naman nagpakipot pa.

Sinasaid ko ang lamang ng juice sa aking baso nang mapansin ko ang paglapit ni Jonas sa amin lamesa.

"Hi, wanna dance?" Walang kaabog-abog niyang wika sa'kin.

Pasimple akong sumulyap kay Ellwood na siyang prente lang na nakaupo sa kaniyang silya. Inaasahan ko nang magsasalita ito ngunit sa huli ay tumango lamang sa'kin.

Tila bumangon naman ang inis ko dito. Siya sana ang una kong gustong makasayaw ngunit tila wala naman talaga siyang balak na gawin 'yon. 

Sa huli ay tinanggap ko ang kamay ni Jonas at nagpatangay sa kaniya sa gitna ng bulwagan.

"Mabuti pumayag kang makipagsayaw sa'kin. Akala ko tatanggihan mo ako." Bahagyang kumamot sa batok niya itong si Jonas kaya sumilay naman ang ngiti sa aking mga labi.

"Of course not! Let's say ito ang paraan ko para makabawi saiyo sa nangyari kanina." 

Pansin kong namula ang pisngi niya't bahagyang yumuko. Umiiling na itinaas ko na ang kamay ko sa kaniyang balikat patungo sa kaniyang batok.

"Sasayaw pa ba tayo?" I asked while smiled appeared on my lips.

Hindi ko na narinig na sumagot ito pagkat ramdam ko ang paghapit niya sa aking balakang at kaya napalunok ako nang tumingala dito.

Jonas is handsomely gentleman. Ramdam ko ang senseridad sa bawat niyang paghaplos sa'kin at kung paano niya ako titigan ngayon.

I bit my lower lip. Ayoko sanang putulin ang mga titig na 'yon pero hindi matagalan ang mainit niyang tingin na siyang nagpapakaba sa aking puso.

"Malapit na pala ang birthday mo," sambit niya kaya't kusang bumalik ang mga tingin ko dito.

"Yeah, invited kayong lahat."

I saw his lips curved a bit. "Then, who will be your 18th roses?"

Doon na bumaling ang tingin ko kay Ellwood na siyang nanatili sa aming lamesa. Madilim ang tinging ibinato niya sa amin habang hindi ko mabasa ang tumatakbo sa kaniyang isip ngayon.

"Ah, wala pa akong naisip, pero siguradong kasama kasa 18th roses."

Pansin ko ang pananahimik niya kaya't tinapik ko na ito sa balikat. "Ayos ka lang ba?"

"Akala ko ako ang 18th roses mo," aniya habang naka nguso.

Agad naman gumuhit ang guilt sa aking puso. Gusto ko sana si Ellwood ang aking 18th roses kaya lang ay hindi ko masabing may napupusuan na ako.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon