Kabanata 8

5.3K 244 31
                                    

Kabanata 8

Wishing well

Maaga akong nagising kinabukasan at bumaba ako para tumulong kay Manang Gloria na maghanda ng almusal.

Subalit ang totoo ay hindi ako nakatulog. Hindi kasi mawala sa isip ko ang esksenang nangyari kagabi.

I saw Ellwood in his half naked body last night. Hindi lang isang beses, kundi dalawa pa. And it's because of my stupidity. Dalawang beses na rin akong pumapasok sa silid niya na walang paalam. Baka isipin niya ay talagang gawain ko iyon, kaya kahit gustohin ko nang matulog ay hindi ko magawa.

"Venice, kumukulo na 'yang mainit na tubig!"

Napalundag ako nang marininig ang boses na iyon ni manang.

"Pasesnya na po." Nagmamadali kong pinatay ang kalan.

"Ayos ka lang? Ako na nga d'yan. Baka kung mapano kapang bata ka." Ito na ang humila ng takure para isalin sa thermos.

Nahihiyang umatras ako at piniling maupo sa silyang naroon.

"May problema ba? Kanina ko pa napapansin na tahimik ka?" Nilapagan ako nito ng mainit na tsokolate at pancake.

"Wala po manang, medyo naninibago lang ho siguro ako." Pagsisinungaling ko.

"Ganyan din ako noong una, masasanay ka rin kalaunan," aniya, matapos ay na upo sa katapat kong lamesa.

"Eh teka, hindi kaya hinahanap ka na sa inyo? Baka nag-aalala na saiyo ang mga magulang mo?"

Tumikom ang mga labi ko at inumpisahang galawin ang almusal na niluto niya para sa akin. Paano ko ba sasagotin ang tanong na iyon? Paano ko sasabihin na patay na ang mga magulang ko at ulila na akong lubos?

"Mukhang masarap ang almusal ha?"

Lumingon kami pareho sa bagong pasok na si Ellwood. Thank God he's wearing a white long sleeve shirt and black trouser.

"Oh, aalis ka na ba niyan?" tanong dito ni Manang Gloria.

"Maaga ho ako sa pantalan ngayon." sagot nito na diretsong naupo sa kabiserang upuan.

Sumulyap ito sa akin kaya mabilis akong yumuko. Pakiramdam ko ay uminit ang dalawang pisngi ko dahil bumalik nanaman sa akin ang eksenang naabotan ko kagabi sa kaniyang silid.

"Kamusta ang tulog mo?"

Agad umangat ang ulo ko at naglikot ang mga mata. "Ano, ah–ayos naman!"

"Naku, hindi nakatulog 'yang si Venice at naninibago daw sa kaniyang silid." Singit ni Manang Gloria.

Kagat labi akong yumuko. Mas lalong nag-init ang dalawang pisngi ko sa hiya.

"Lilipat nalang ako sa guest room para hindi kita maistorbo kung sakali."

Mabilis tumaas ang tingin ko dito habang nanlalaki ang mga mata. Pero iba ang tinging binalik niya sa akin.

"H-Hindi na kailangan, ano–kasi kasalanan ko naman yung nangyari." I slowly looked away.

Hindi ko ito narinig ka nagsalita kaya itinuloy kong muli ang pagsubo ng pancake.

Natigilan ako ng ilapag niya sa lamesa ang chocolate syrup at bottled butter.

"Mas masarap 'yan kung lalagyan mo nito." Itinaas nito sa akin ang chocolate syrup.

Hindi pa man ako nakakatango ay pinatakan na niya ang pancake ko.

"There you go, damihan mo ang kain para tumangkad ka," anito sa nanunudyong boses.

Kumunot ang noo ko dito, "Bakit matangkad naman na ako ah?"

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon