Kabanata 17

4.5K 242 61
                                    

Kabanata 17

Jealous

I heart stilled and everything around me as I watched how they looked perfectly fit for each other. Ellwood looked handsomely stunning wearing a formal attire that enchances his broad shoulders and hard chest. Agaw pansin din ang tila perpekto at nangungusap nitong mga mata at mapupulang labi.

Bumaling agad ang tingin ko kay Paraoh, wearing a skimpy halter dress. Lantaran nitong pinakita ang mahahaba at bilogan nitong mga hita at hugis kandila na braso.

Ibinalik kong muli ang mga titig kay Ellwood na bakas ang tipid na ngiti.

"Hi!" Iyon lamang ang tangi kong nasambit buhat nang makalapit dito. Hindi ko kasi alam kung paano ito babatiin. Wala kasi akong natandaan na inimbitahan ko ito para sa pagdiriwang ngayong gabi.

Hindi rin nakaligtas sa'kin ang panunuring tingin nito sa suot ko. Maging si Paraoh ay kumunot ang noo nang makita ako.

"Ah, I'm sorry..." Mabilis kong inalis sa ulo ang suot na itim na belo at itinago iyon sa aking likuran.

"I wouldn't be surprise kung sa susunod ng birthday ng auntie mo, nakasuot ka ng pang-halloween costume," ani Paraoh na umiiling sa'kin.

Tinikom ko ang aking mga labi at sumulyap kay Ellwood. Nakataas lamang ang kilay nito sa'kin at bahagya pang umangat ang labi.

"Mr. Echeverri! I'm glad you came! Pasok kayo!" Biglang sumulpot sa tabi ko si Auntie Celeste.

I pursed my lips. Walang duda, si Auntie Celeste ang nag-imbita dito.

"Happy Birthday, here's my present. Hindi na ako masyado nakapamili dahil sa dami ng trabaho maghapon," ani Ellwood dito na inabot ang isang maliit na kahitang kulay pula.

"Oh, you're so sweet. Thank you for this!" Sumulyap ito sa katabi niyang si Paraoh.

"My friend, Attorney Paraoh Benedicto."

"Happy Birthday!" Nakipag-beso dito ang huli at nakipagkamay pa.

"It's nice to meet you, hija. You are so gorgeous and also you, Mr. Echeverri!" ani Auntie Celeste.

"Ang mabuti pa halika kayo sa loob para makakain. And I have some proposal for you too..." Hinila na ni Auntie Celeste si Ellwood.

Lumunok ako ng sagad-sagaran. Pakiramdam ko ay natulos na ako mula sa pagkakatayo. Not until Ellwood turned his gaze at me.

"Hindi kapa papasok?" he asked.

I pursed my lips and nodded. Sumunod ako sa mga ito na diretso sa lamesang nilaan para sa kanila. Kahit busog pa naman ako'y napilitan akong harapin ang pagkain na kasama sila.

Bagaman silang tatlo lamang ang pirmeng nag-uusap ay hindi ko ipinahahalata na a-outcast ako sa grupo. Kahit noong nasa iisang lamesa na lang kami pinipili kong makinig kahit wala naman akong ideya sa kung ano ang pinag-uusapan nila.

I tossed my food lazily and burried my back at the chair. Mas lalong tumatagal ay nawawalan ako ganang kumain.

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo."

Tumingala ako kay Ellwood na nasa akin na pala ang buong pansin.

I lick my lower lip and shook my head. "I'm full," sagot ko.

"Wala pang bawas ang pagkain." He didn't sound convinced. Seryoso nang nakatitig sa mga mata ko.

Doon na sumulyap sa amin si Paroah at Auntie Celeste.

"Alam mo naman ang mga teen ager ngayon. Masyadong mapili sa pagkain," sabat ni Paraoh.

I clenched my teeth. Kahit kailan ay hindi ko hiningi ang opinyon n'ya. Ano naman pakialam n'ya sa gusto at ayaw kong kainin?

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon