Kabanata 28

2.4K 77 4
                                    

Kabanata 28

Lunch

Dala ng sobarng excitement ay hindi na ako nakatulog pa. Nanatili akong gising hanggang sumapit ang alas singko ng umaga.

Naligo na ako at bumaba sa kusina. Naabutan ko doon si Manang Lusing na siyang abala sa nilulutong almusal. Katuwang nito ang kasambahay namin na si Gail.

"Good morning, senorita!" Bati nito sa'kin.

"Morning, ano hong niluto n'yo para sa almusal?" tanong ko sa mga ito nang maupo ako sa granite table. Dito ko mas pinipiling mag almusal kesa sa dining area. Madalas kong maka-kwentuhan sina  Gail at manang kapag nag-aalmusal kami ng sabay-sabay.

"Pritong hotdog, itlog, tocino at fried rice ho. May sliced mango fresh po galing sa farm at syempre ang mainit niyong gatas!" Masigla niyang sambit.

"Wow, mukhang mapapasarap ang kain ko nito. Tara na ho, sabay-sabay na tayo."

Hindi naman nag-atubili ang dalawa. Halos araw-araw ay sila ang kasama ko sa umaga. Marami na rin kaming napapagkwentuhan tungkol sa kani-kaniyang buhay.

Nalaman ko na bread winner pala itong si Gail sa pamilya. May sakit ang tatay na dati naming trabahante sa maisan kaya namasukan na lang na kasambahay dito. Gustohin man daw niyang mag-aral ay kapos ang kinikita niya kaya naisip ko na bigyan ito ng scholarship once. Once na tumuntong ako ng legal age ay mahahawakan ko na ng tuluyan ang mga assets ni daddy. 

Hanggang ngayon kasi ay si Aunti Celeste pa rin ang namamahala sa lahat ng mga ari-arian na naiwan ni daddy. Hindi ko pa rin nakakausap ang attorney na siyang pinagkakatiwalaan ni dad noon pa man. Madalas kasi na ibang abogado ang kausap ni Auntie na labis kong pinagtatakhan.

Si manang naman ay matagal nang namamasukan dito kasama ang asawang si Mang Teban. Halos sila na rin ang nakalakhan kong pangalawang magulang buhat nang mamatay si mommy. Kaya labis ang pasalamat ko na hindi sila pinag-iinitan ni Dolfo at Auntie Celeste.

"Salamat po sa masarap na almusal." Tumayo na ako para muling umakyat sa aking silid. Sinilip ko ang aking cell phone kung may tawag o, text ba si Ellwood ngunit wala. Walang gana akong naupo sa gilid ng aking kama. Ang kaninang excitement ko ay napalitan ng pagkadismaya.

Kahit nang makarating ng school ay wala pa rin akong gana. Isa pa kulang ako sa tulog kaya matamalay ako sa buong oras ng klase.

May pagkakataon pa nga na tinawag ako para mag-recite ngunit hindi ako nakasagot dahil okupado ni Ellwood kanina pa ang isipan ko.

Nilingon ko si Jonas na siyang kinalabit ako matapos umalis ng prof namin sa subject na 'yon.

"Ayos ka lang? Kanina kapa wala sa sarili?"

Umiling ako dito at ibinaling sa binatana ang tanaw. 

"Baka may hang-over kapa sa weekend." Narinig kong bigkas ni Maxine.

Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi niya at tahimik na tumingin sa kawalan.

Tamad na hinila ko ang aking cellphone sa bag nang tumunog ito. Then I saw Ellwood's name registered on my phone. Dali-dali ko iyon sinagot.

"Why my baby's sad?"

Biglang tumuwid ang likod ko silya at mabilis na sumulyap sa bintana. Mula dito ay nakita ko ang mga estudyante na naglalakad sa ibaba ng building ngunit ang labis na nakaagaw ng atensyon ko. May ilang napapalingon sa isang pamilyar na lalaking nakatayo sa lilim ng isang puno. His strong built, his broad shoulders and his warm smile that gentler than the brighter sun.

Biglang tumalon ang aking puso nang kumaway ito sa'kin habang nasa tainga ang ang kaniyang aparato.

"Ellwood!" Parang bigla ay gusto kong lumabas ng silid para takbuhin ito at yakapin. Kaya lang ay may isang klase pa ako bago ang break time. Kaya labis akong nanghinayang at gumanti ng kaway dito.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon