Kabanata 25

2.1K 97 5
                                    

Kabanata 25

Mad

Madilim na nang makauwi kami ni Mang Teban. Hindi ko inaasahan na naka-abang sa pagdating ko si Iverson. Nasa ilang baitang ito ng hagdanan na tila sadya akong hinihintay.

"You are late, saan ka galing?" Iyon agad ang bungad n'ya sa'kin.

"It's none of your business." Umismid ako dito at tangka na sana siyang lalampasan nang gagapin niya ang braso ko. Nagawa niya akong hilahin pabalik sa may garahe. Wala na doon si Mang Teban, marahil ay sa dirty kitchen ito dumaan.

"Ano bang problema mo, ha!" Piniksi ko ang braso niya nang marating namin ang sulok sa gilid ng kaniyang sasakyan. Pader na ang nasa likod ko kaya hindi malayong maliit lamang ang espasyong meron kami. Isa pa, madilim na sa garahe at walang ilaw, tanging sinag na nagmumula sa dirty kitchen lang ang tanging naroon.

"I'm asking you, saan ka galing? Nakipagkita ka sa Jonas na 'yon after school?"

Ang inis ko dito ay napalitan ng pagdududa. Tila mabilis gumana ang utak ko at tumango dito. "Oo, bakit, may problema ka ba do'n?"

"He's not good for you. Iwasan mo ang grupo nila." May diin ang bawat niyang salita sa'kin.

"Why not? They are good to me. Hindi ko na problema kung hindi mo sila kasundo sa campus. Saka bakit kaba nakikialam, ha?" Tinulak ko pa ito para lang makalayo sa'kin.

Ngunit halos mapatili ako nang gagapin n'ya ang dalawang balikat ko para isandal sa pader. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya. Hindi ko inaasahang gagawin n'ya iyon.

"Let go of me, Iverson," I said in my short breath.

"Just do what I say, 'wag nang matigas ang ulo mo, Venice," he said right in front of my face. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa pisngi ko. Maging ang marahan niyang paghaplos sa aking balikat pababa sa aking mga braso.

"Kung ayaw ko, may magagawa ka ba?!" Sinalubong ko ang madilim niyang mga tingin sa'kin. Gaya ng dati naroon pa rin ang init sa mga titig n'ya, mga tinging inasam-asam ko na maging akin noon pa man.

D*mn it! Pilit akong kumawala dito. Hindi ko maintindihan kung bakit lumalambot ako kapag ganito na niya ako kausapin. Gusto ko nang kalimutan ang mga bagay na nagpapa-alala kung bakit nahibang ako sakaniya noon. Pero bakit pilit na naman n'ya iyong binubuhay?

"Please... Let go of me." I pleaded. Tila wala nang suporta ang mga boses ko at yumuko na lang tanda ng pagsuko.

"Gagawin mo ang sinabi ko, Venice." Ulit niya.

Wala sa loob na tumango na lang ako. Hindi ko na nagawa pang tumingala dito. Binitiwan n'ya ako, ngunit hindi pa rin umaalis sa harapan ko, maging ang distansiyang meron kami ay pinanatili n'ya pa ng ilang minuto bago umatras.

Doon na ako tumingala dito. Hindi ko gusto ang ginawa n'ya. He's making me feel confused and made me questioning what I really feel about him.

"Huwag na huwag ka nang lalapit sa'kin. Ito na ang huling beses na gagawin mo iyon." Matigas ang bawat salitang binitawan ko sa kaniya.

But he chuckled to me. Tila walang bisa dito ang mga salita ko. Muli itong humakbang palapit at kinulong ako gamit ang mga palad na nakadiin sa pader.

"Gaano kalapit ba ang gusto mo?" Yumuko ito, halos ilang pulgada ang layo sa'kin.

Nagtiim bagang ako't marahas na umiwas dito at tinulak siyang muli.

"Hindi na tayo gaya ng dati. Marami ng nagbago, pati ang... Nararamdaman ko para saiyo." Sa wakas ay nasambit ko iyon kahit pa nanginginig ang aking boses.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon