Kabanata 44

607 43 8
                                    

Kabanata 44

Longing for the Attention

The morning light filtered through the blinds, painting the room in a soft glow. I knew my eyes were still puffy from the previous night's tears, but I didn't want to let anyone see.

Ayokong malaman ni Ellwood na iniyakan ko ng sobra ang namagitan sa amin kagabi.

I didn't want him to pity me. I also didn't want to look like a fool in front of him.

A quick splash of water and a touch of concealer were all it took to mask the evidence.

I slipped out of the house, the familiar rumble of my father's old car a comforting sound as I drove away.

Kailangan kong tapusin ang ilang requirements sa school bago ko harapin ang mga negosyon na inatang sa'kin ni daddy.

Agad akong kinawayan ni Menchie na siyang kanina pa naghihintay sa may covered walk.

"How was the celebration last night?" excited niyang bungad niya sa'kin.

Ngunit gano'n na lang ito natigilan nang mapansin ang pamamaga ng aking mga mata.

"Ayos naman medyo napuyat lang ako. Alam mo na madaming bisita," wika ko sabay iwas dito.

"Talaga ba? Dahil lang sa puyat kaya namamaga 'yang mata mo?"

Marahan akong tumango at pilit na ngumiti. Ayokong malaman n'ya ang tungkol sa namagitan sa amin ni Ellwood kagabi. Mas mabuting wag ko na lang sabihin para hindi na rin 'yon makadagdag sa mga iisipin n'ya.

Maaga din namin natapos ang gawain sa School kaya pinasya na lang namin na kumain sa labas at mag shopping.

Dito ay nawaglit saglit sa isip ko si Ellwood at ang sakit na hatid sa'kin ng nagdaang gabi.

Namili ako nang namili hanggang manawa. Pati lahat nang pinili ni Menchie ay ako ang nagbayad.

"Iba ka na talaga best friend! Hindi na kita ma-reach!" aniya habang panay ang lantak ng pizza. Ginutom kami matapos mag shopping kaya't dito ang bagsak namin.

"Hindi naman. Parang reward ko na rin sa sarili ko ito because I study hard," kibit balikat kong sagot.

Maluwang itong ngumiti sa'kin. Buong akala ko ay hindi na n'ya ulit mapapansin ang pamamaga ng mata ko kanina ngunit ito na naman siya at panay ang pangungulit sa'kin.

"Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Ellwood?"

Her question stopped me in my tracks. What were we, exactly? I couldn't recall him ever proposing we be a couple, yet I had readily agreed to kiss him and, more importantly, to let things go further.

Tumingin ako kay Menchie na siyang naghihintay ng sagot ko. Isang buntong hininga ang ginawa ko bago ko napagpasyahan na ikwento na sa kanya ang lahat-lahat.

"Oh my fucking Holy!"

Mabilis kong tinakpan ang bibig n'ya at mabilis na sumulyap sa paligid.

"Huwag kang maingay, baka mamaya may makarinig saiyo!" Pinandilatan ko siya ng mata. Hinintay ko muna na kumalma ito bago ko bitiwan ang kaniyang bibig.

"OMG! Hindi talaga ako makapiniwala sa mga nangyari. Imagine si Ellwood Echeverii at Ikaw?!"

I rolled up my eyes. Right! Tama nga ako, hindi ko na lang dapat sinabi sa kanya ang bagay na ito. Pero wala akong choice, baka mabaliw ako kakaisip kung hindi ko ilalabas sa kanya ang nararamdaman ko.

Sobrang mabigat na sa dibdib ko ang nangyari pero paano ko ba haharapin si Ellwood kung siya mismo hindi kayang panindigan ang nangyari sa amin?

"Iyon naman pala, tinatong ka kung bakit ka pumayag dapat sinagot mo gusto mo siya. Girl na hindi na uso ngayon ang magpakipot. Hindi ka naman old fashion? Nasa new era na tayo at walang masama kung una kang aamin sa nararamdaman mo. Isa pa, sigurado naman ako na gusto ka rin n'ya at hindi lang tawag ng laman kaya n'ya ginawa 'yon." mahabang litanya ni Menchie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon