Kabanata 9

3.9K 213 16
                                    

Kabanata 9

Teddy Bear

Kinabukasn ay naabutan ko sila Manang Gloria sa may hardin kausap si Issay.

"Kayo nalang ang pumunta ni Allan, kung gusto n'yo ay isama n'yo si Venice iyon ay kung papayagan ni Ellwood.

"Umalis na ho ba si kuya?"

"Hindi pa natutulog pa yata." sagot ni Manang Gloria.

"Good morning po.." Tahimik akong naupo sa high chair at ngumiti sa mga ito.

"Gusto mo bang sumama sa perya mamaya? Ipagpapaalam ka namin kay Kuya Ellwood," ani Issay sa'kin.

Bigla kong naisip si Dolfo, baka nakarating na sa kanya ang impormasyon na nadito ako kaya sunod-sunod akong umiling.

"Hindi ho ako makakasama. Dito nalang po muna ako." sagot ko.

Kumunot ang noo sa 'kin ni Issay kaya umayos ako ng upo.

"May tinataguan kaba? May mga naghahanap ba saiyo?" tanong nito.

Umakyat ang nerbyos sa buo kong katawan. Dapat ko na bang sabihin sa kanila ang totoo? Baka kapag sinabi ko'y hindi nila ako paniwalaan.

"Saan n'yo ba inaaya si Venice?" Agad na sumulpot sa tabi ko si Ellwood at tinukod pa ang dalawang siko sa lamesa bago bumaling ang tingin sa 'kin.

"Inaaya namin mamaya sa Perya kaso ayaw eh!" ani Issay.

Alam kong alam niya kung bakit ayokong sumama. Saka ano naman ang gagawin ko don?

"Why not? I'll join you after I came back from work," anito sa 'kin bago sumilay ang manipis na ngiti.

My heart skipped on its beat for about a second. Hindi ko maitindihan kung para saan ang ngiting iyon.

"Ayos sa horror house tayo pumunta ha? Mas nakakatakot daw kasi ang set-up nila ngayon kesa noong nakaraang taon!" wika ni Issay.

"Okay 'yan, basta sa 'kin ka lang tatabi at ako ang bahala saiyo!" ani Allan kay Issay.

"Sus, baka mauna kapa sa 'kin tumakbo kapag nagkataon!" Irap nito kay Allan.

"Ibahin mo 'to ngayon! Mas pinatapang at mas pinalakas!" Inangat pa nito ang kaniyang braso para ipakita ang ma-umbok nitong mga masel doon.

"Tsss... puro salita kulang naman sa gawa!"

"Oh, siya tama na 'yan! Kayo talagang dalawa!" Suway dito ni Aling Gloria.

Minabuti ko na rin harapin ang almusal matapos ay tumulong na sa gawaing bahay. Si Ellwood ay umalis patungong daungan. May mga bagong shipment daw na ikakarga sa cargo vessel nito kaya pagka-kain ay umalis na rin agad.

"Ito ang suotin mo mamaya sa peryahan, tiyak na bagay ito saiyo!" Itinaas sa 'kin ni Issay ang bestidang kulay rosas. May laso ito sa bandang likod para magkaroon ng kurba ang bewang kung sino man magsu-suot nito.

"Maganda nga iyan, pero hindi naman pagtitipon ang pupuntahan natin." komento ko.

"Ano kaba? Ganito ang sinusuot ng mga kadalagahan dito sa amin. Ito rin ang in ngayon, vintage style," aniya.

Kumunot ang noo ko. Sa bayan kasi namin ay puro crop top at skinny jeans ang sinusuot di tulad dito.

"Ikaw? Ano ba ang isusuot mo?" tanong ko.

White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon